Subject: When I Grow To Be A Lady 7 |
Author: Lola Nila
| [ Next Thread |
Previous Thread |
Next Message |
Previous Message
]
Date Posted: 17:51:58 07/02/03 Wed
....."If you going to San Francisco, summer time will be a lovely day, If you going to San Francisco put some flowers in your hair..all accross the nation, such a crowd a nation, people in motion, people in motion..." haaay, kay gandang pakinggan ang boses ni Gng. Lydia Cuaresma habang sinabayan nya sa pag tugtug ng gitara. Opo, mga ate, kay sarap gunitain ang mga ala-ala ng aming pinakamamahal at pinakamabait na guro sa Mababang Paaralan ng Barrio Silik. Ang aking grade 2 teacher. Sino? Si Gng. Balbuena, naku 2 linggo lang yata naging mabait mula noong makagat ng aso. Ayun, pala-utos pa rin. Pero hindi na nya ako inutusang kumuha ng ginatan sa bahay nila, o sino man sa aking mga kamag-aral. Baka naman may disgrasya pang mangyari. Alam mo naman sa amin, wala ng pulis-pulis o kaso-kaso, basta sabunutan na lang kaagad. Ang ginatan? Naku, wala na yon pigpistahan na ng mga itik. Hindi naman lugi si Ma'am Balbuena doon noh, dahil ang mga sangkap noon galing sa "garden" ng school.
Sa lahat ng teacher doon sa aming school, sa palagay ko si Ma'am Cuaresma ang masasabi kong "ahead of her time." Kahit sa pananaw sa buhay. Noong nag-review na ako para sa CPA exam, naala-ala ko ang sinabi ni Ma'am sa amin noon "Don't study just to pass the subject. Study to learn the subject." Si Ma'am Cuaresma na ang gusto gustong awitin ay mga kanta nina Connie Francis, Petula Clark, Dionne Warwick, Timi Yuro. Ni minsan hindi ko siya na pakinggan kumanta ng kanta ni Eddie Peregrina na kasikatan noon. Si Eddie P. na laging ginaya ni Asenio Cuison.."2 lovely flowers, one is red and other white.." na laging pinamamalaki ng bruho kong klasmate. Ako ano ang peborit ko? Siyempre ang awit ng bayan.."Bastos ka walang galang, bakit ka nanggagapang? DI NAMAN NANGGAGAPANG NANGIBABAW LANG PO LAMANG! Bakit mo inakyak ang dalawa kong bundok? AY! AKALA KO AY NIYOG AKO SANA ANG MAGKUDKUD! Bastos ka walang galang, bakit ka nanggagapang? DI NAMAN NANGGAGAPANG NINGIBABAW LANG PO LAMANG! Bakit mo pinasok ang aking yungib? AY! AKALA KO AY BALON AKO SANA'Y MAGSASALOK!" diba ahead of her time din ang lola nyo.......SA KALIBUGAN!
itutuloy
[
Next Thread |
Previous Thread |
Next Message |
Previous Message
] |
|