VoyForums
[ Show ]
Support VoyForums
[ Shrink ]
VoyForums Announcement: Programming and providing support for this service has been a labor of love since 1997. We are one of the few services online who values our users' privacy, and have never sold your information. We have even fought hard to defend your privacy in legal cases; however, we've done it with almost no financial support -- paying out of pocket to continue providing the service. Due to the issues imposed on us by advertisers, we also stopped hosting most ads on the forums many years ago. We hope you appreciate our efforts.

Show your support by donating any amount. (Note: We are still technically a for-profit company, so your contribution is not tax-deductible.) PayPal Acct: Feedback:

Donate to VoyForums (PayPal):

Login ] [ Contact Forum Admin ] [ Main index ] [ Post a new message ] [ Search | Check update time | Archives: [1]2 ]


[ Next Thread | Previous Thread | Next Message | Previous Message ]

Date Posted: 04:53:17 05/17/04 Mon
Author: passburger
Subject: Pabonggahan sa 'quick count' ng GMA-7 at ABS-CBN

NAGPALIPAT-LIPAT kami ng panonood sa GMA-7 at ABS-CBN para antabayanan ang mga pinaka-huling resulta ng eleksiyon ngayong taon.

Habang pinapanood namin ang coverages ng dalawang networks ay hindi namin maiwasang pagkumparahin ang kani-kanilang "quick count." Naging kapansin-pansin sa amin ang mabilis na pag-uulat ng ABS-CBN hinggil sa mga resulta ng halalan para sa pagkapangulo, pangalawang pangulo at pagka-senador. Mas malaki agad ang mga bilang ng botong iniuulat ng Dos kaysa sa Siyete. Agad kaming nag-isip kung paano iyon nangyari.

Sa pagkakaalam namin kasi, ang partner ng GMA-7 para sa quick count nila ay ang AMA, na alam naman nating pinakamalaking computer institution sa Pilipinas. Samantalang ang partner ng ABS-CBN ay ang STI, na mas maliit kaysa sa AMA kung network ang pag-uusapan. Kung paano agad nakapagtala ng mas malaking bilang ang ABS-CBN ay talagang nakamamangha.

Naitanong tuloy namin sa aming sarili, hindi kaya gumamit sila ng trending o di kaya'y kumuha sila ng resulta sa ibang sources para lang makapag-report agad nang mas malaking bilang? Hindi kasi malinaw kung paano nila ito ginawa, samantalang kitang-kita kung paano nakalap ng AMA ang mga impormasyong ginamit ng GMA-7 para sa quick count nito.
Malinaw na ginamit ng GMA-7 ang malawak na network ng AMA para sa tumpak na resulta ng quick count.

Ang isa pang kapansin-pansin ay ang hindi pagpapakita ng ABS-CBN ng quick count o updates para sa local elections. Hanggang senatorial race lang ang naipakita nila samantalang ang GMA-7 ay nakapagpalabas ng quick count para sa lokal na halalan.

Naipakita ng GMA-7 ang partial at unofficial results sa mga lokal na posisyon tulad ng mayor, gobernador, congressman, etc. sa iba't ibang bayan o lungsod sa buong Pilipinas.

Malaki ang naging responsibilidad ng magkaribal na istasyon para sa malinis at mapayapang halalan ngayong taon. Umasa ang sambayanan sa accurate updates na nagmula sa kanilang quick counts. Sino sa tingin ninyo ang nakapag-deliver ng mas komprehensibong media coverage ng eleksyon ngayong taon?

Sa palagay namin ay alam naman ng mga tao kung aling istasyon talaga ang mapagkakatiwalaan, responsible at makatotohanan ang mga ulat at impormasyong inihahatid. At sa halalang ito, nagawa ulit ng istasyong ito na makisa-nib-puwersa sa pinakama-laking media, telecommunications at computer institutions sa bansa para sa pinakamahusay na election coverage.
SYEMPRE SINO PA!!!!

GMA7 is still undisputed when it comes to credibility, objectiviity, accuracy. No wonder the MOST AWARDED TV NETWORK IN THE COUNTRY.

[ Next Thread | Previous Thread | Next Message | Previous Message ]

[ Contact Forum Admin ]


Forum timezone: GMT-8
VF Version: 3.00b, ConfDB:
Before posting please read our privacy policy.
VoyForums(tm) is a Free Service from Voyager Info-Systems.
Copyright © 1998-2019 Voyager Info-Systems. All Rights Reserved.