VoyForums
[ Show ]
Support VoyForums
[ Shrink ]
VoyForums Announcement: Programming and providing support for this service has been a labor of love since 1997. We are one of the few services online who values our users' privacy, and have never sold your information. We have even fought hard to defend your privacy in legal cases; however, we've done it with almost no financial support -- paying out of pocket to continue providing the service. Due to the issues imposed on us by advertisers, we also stopped hosting most ads on the forums many years ago. We hope you appreciate our efforts.

Show your support by donating any amount. (Note: We are still technically a for-profit company, so your contribution is not tax-deductible.) PayPal Acct: Feedback:

Donate to VoyForums (PayPal):

Login ] [ Contact Forum Admin ] [ Main index ] [ Post a new message ] [ Search | Check update time | Archives: 1[2] ]


[ Next Thread | Previous Thread | Next Message | Previous Message ]

Date Posted: 08:03:07 09/17/03 Wed
Author: rebo
Subject: Kapuso ako ng GMA
In reply to: Diyez_10 's message, "Kapuso ng pamilyang Pilipino anumang kulay ng buhay" on 02:26:24 07/22/03 Tue

Bakit ako kapuso?
Mahabang kuwento.

Hindi ito overnight na nangyari kundi mahabang proseso. Dati ala akong pakialam sa network war na yan. Loyal akong nanonood ng Palibhasa Lalaki dahil kay Cynthia Patag at Abangan ang susunod na kabanata dahil naman sa political satires nito. Nagsimula noong dumating dito ang Papa. Nakalimutan ko kung anong taon yon.

Masyadong pikon noon ang channel 2 dahil hindi sila nakakuha ng magandang shot sa airport ng dumating ang Papa kahit may zoom pa sila. Di sila makapasok sa airport dahil exclusive ang coverage sa channel 7. Kaya doon lang sila sa labas at gumamit ng lang ng zoom pero ala pa ring nagawa. Nagngangangawa sila noon dahil national event daw ito kaya dapat may karapatan silang maglagay ng camera sa airport. Nasabi ko noon sa sarili ko na bakit noong exclusive ang coverage nila sa Ms. Universe ala namang nagreklamo tapos eto sila ngayon nagrereklamo. Sige lang pinalagpas ko iyon.

Nang lumipat ang Eat Bulaga sa 7, nabalitaan ko na kaya lumipat sa 7 ang Eat Bulaga ay dahil gustong magkaroon ng sariling noon time show ang 2. Ibig sabihin, gusto nilang kamkamin lahat ng tubo kesa maki share sa isang blocktimer. May kaswapangan pero pinalagpas ko pa iyon.

Pero noong lumipat si Karen Davila sa 2, di ko na pinalagpas yon. Na dis ilusyon ako kay Karen. Pera lang pala ang katapat nya. Ang 2 naman dinadaan sa pera para pabagsakin ang kalaban.

Sinundan ng pagpirata kina Dong Puno at Luchi Cruz Valdez. Sukdulan na yon. At mula noon pro GMA na ako.

Loyal ako sa News and Public Affairs ng 7 simula’t sapul. Di hamak mas may kredibilidad ang mga reporters nila kesa sa 2. Brigada Sieta at Probe Team ang mga paborito ko. Tapos nagkaroon pa ng I Witness at Debate. Ala naman akong pakialam sa ibang mga palabas. Ni minsan ala akong sinundan na telenovela o soap kundi ngayon lang, ang Narito ang Puso Ko. Sa comedy, Kool ka Lang at Bubble Gang lang ang inaabangan ko. Solve na ako doon. Paminsan minsan yung Magpakailanman kung interesting yung episode.

Ikaw, bakit ka kapuso?

[ Next Thread | Previous Thread | Next Message | Previous Message ]


Replies:



[ Contact Forum Admin ]


Forum timezone: GMT-8
VF Version: 3.00b, ConfDB:
Before posting please read our privacy policy.
VoyForums(tm) is a Free Service from Voyager Info-Systems.
Copyright © 1998-2019 Voyager Info-Systems. All Rights Reserved.