Author: music news on-line
| [ Next Thread |
Previous Thread |
Next Message |
Previous Message
]
Date Posted: 18:50:32 07/01/04 Thu
P1M.House and lot, car at recording contract mapapanalunan sa Pinoy Pop Superstar ng GMA-7
SANGA - SANGANDILA Ni Veronica R. Samio
Pilipino STAR Ngayon 06/30/2004
Yes, mayro’n nang bagong amateur singing program ang GMA 7, pagkatapos ng matagumpay nitong pagtataguyod ng Search For A Star na kung saan ay nag-champion si Rachelle Ann Go.
Ito ang Pinoy Pop Superstar na muling iho-host ng Asia’s Songbird na si Regine Velasquez at magsisimula ng airing sa Sabado, Hulyo 3, 5:30 NH sa GMA7.
Ang pagkakapareho lamang ng Pinoy Pop Superstar sa ibang mga amateur singing contests tulad ng orihinal na Tawag ng Tanghalan na kung saan unang nakilala si Nora Aunor ay ang pangyayaring ang mananalo for a particular week ay kailangang lumaban sa reigning champion na may walong linggo na pwedeng maghari at pagkatapos ay kailangan na niyang ibigay ang pagkakataon na mag-champion sa iba. Weekly prize winner will get P20,000 at ang champion ay tatanggap ng P50,000.
Makakatulad naman ito ng Search For A Star dahil bawat kalahok ay bibihisan, aayusan at sasanayin muna bago isabak sa paligsahan. Mga may edad 15-21 years lamang ang tatanggapin. Maliban dito, nag-iisa na ang Pinoy Pop Superstar sa pagbibigay ng pinaka-malaking premyo sa isang amateur singing contest. Biruin mo, bukod sa P1M, may libreng bahay at lupa pa ang magiging grand champion, may kotse at assured pa ng isang recording contract.
"Hindi ako nabigyan ng ganyan kalaking premyo. I remember mga P150 lang yata ang tinanggap ko sa unang contest na sinalihan ko," pagbabalik-alaala ni Regine.
Hindi katulad ng inaasahan ng marami, hindi makakatulad ng Pinoy Pop Superstar sa sikat na American Idol sapagkat mismong si Regine ay hindi papayag na mag-host ng isang singing contest na ino-okray at tinitigbak ang mga contestants. Di rin niya feel na ang kapalaran ng mga kalahok ay iaasa sa ibang pamamaraan other than by a board of judges dahil baka hindi deserving ang manalo.
Gagawin parang isang concert series ang contest na kung saan may live band na sasaliw sa mga kalahok. Magkakaro’n din sila ng pagkakataon na makakanta kasama si Regine.
In the very near future, magsasagawa rin ang GMA ng isang Pinoy Pop Superstar of the World na kung saan ay paglalaban-labanin ang mga singing champions sa Canada, Australia, at maraming bansa sa labas ng bansa na may dugong Pinoy at maging ang champion natin sa bansa. Hindi kailangang Pinoy ang citizenship nila. Pero bago ito, gagawin munang nationwide ang Pinoy Pop Superstar. * * *
Nakaalis na si LT nang dumating ako sa Aliw Theater para sa katatapos na MFF Awards. Kaya di ko nakita kung ano ang suot niya pero, botong ako maging Star of the Night si Aleck Bovick na napakaganda sa kanyang kasuotang pulang-pulang.
It was a night for the Naglalayag group na pagkatapos ng awards night ay nagkaro’n ng blowout sa Bakahan at Manukan sa Roxas Blvd.
Happy naman ako for the producer Atty. Gaudioso Manalo dahil kahit papaano ay makakabawi siya sa kanyang mga ginastos sa pelikula dahil bibigyan ng P1M lahat ng entries at nanalo siya ng P500,000 for best picture at another P50,000 para sa best float.
Magaling si Jaclyn Jose sa Naglalayag but I thought mas maganda ang performances nina Sunshine Dizon at Rio Locsin sa Sabel at sina Chanda Romero at Irma Adlawan sa Naglalayag at Jean Garcia sa Anak Ka Ng Tatay Mo.
Akala ko, win na si Robin Padilla sa Kulmlim. I would not have minded kahit di ko pa napapanood ang Kulimlim. Pero, di ako agree na siya ang maging Male Star of the Night dahil mas maraming aktor ang mas bongga ang bihis sa kanya. Like Albert Martinez, o si Tj Manotoc.
Maganda yung idea ng MFF na maglagay ng isang malaking screen sa labas ng Aliw Theater na kung saan pwedeng mapanood ang kaganapan sa loob ng teatro. Di ka mababasa ng ulan dahil nilagyan ito ng malaking tolda at may mga silya na mauupuan.
[
Next Thread |
Previous Thread |
Next Message |
Previous Message
] |