VoyForums
[ Show ]
Support VoyForums
[ Shrink ]
VoyForums Announcement: Programming and providing support for this service has been a labor of love since 1997. We are one of the few services online who values our users' privacy, and have never sold your information. We have even fought hard to defend your privacy in legal cases; however, we've done it with almost no financial support -- paying out of pocket to continue providing the service. Due to the issues imposed on us by advertisers, we also stopped hosting most ads on the forums many years ago. We hope you appreciate our efforts.

Show your support by donating any amount. (Note: We are still technically a for-profit company, so your contribution is not tax-deductible.) PayPal Acct: Feedback:

Donate to VoyForums (PayPal):

Login ] [ Contact Forum Admin ] [ Main index ] [ Post a new message ] [ Search | Check update time | Archives: 123456789[10] ]
Subject: Regine MAGALING mag tattoo!!!!


Author:
viktoria
[ Next Thread | Previous Thread | Next Message | Previous Message ]
Date Posted: 21:58:07 07/18/05 Mon
Author Host/IP: 202.89.9.5

Regine, Magaling Mag-Tattoo
by Allan Diones

Tinupad ni Regine Velasquez ang promise niya kay Judy Ann Santos na
magiging bahagi siya ng 3rd anniversary celebration ng Kaffe Carabana.

Kahit wala si Juday (nasa Amerika siya para sa Kapamilya Caravan) ay
dumating si Regine sa Carabana nu"ng Sabado nang gabi, hindi para mag-show
kundi para maging henna tattoo artist.

Medyo masama ang pakiramdam ng Asia"s Songbird that night dahil sinisipon
siya at namumula ang mga mata (sanhi ng allergy niya sa alikabok) pero
ganadung-ganado pa rin siyang mag-tattoo.

Take note, for the love of Juday lang ang ginawang "yon ni Regine kaya wala
ring bayad ang nasabing tattoo session, libre ito para sa lahat ng
customers kaya ang suwerte ng mga nasa Carabana nu"ng gabing "yon.

Nagpaturo lang siya saglit sa tattoo artist na si Kuya Bong kung paano ang
paggamit nu"ng pang-tattoo na may lamang henna ink mula sa India, tapos ay
tuluy-tuloy na siya sa kanyang "tra#!&@."

Si John "Sweet" Lapus ang unang sinampolan ni Regine ng kanyang talent sa
paghi-henna tattoo.

Kuwento ni Sweet, nu"ng magkasama sila noon ni Regine sa pelikulang
Kailangan Ko"y Ikaw (with Robin Padilla) ay si Regine ang taga-"retouch" ng
tattoo sa may gilid ng ulo niya kapag nabubura na ito.

Waterproof pentel pen lang daw ang ginagamit na pan-tattoo sa kanya noon ng
Songbird pero ang ganda-ganda ng kinakalabasan.

Nu"ng time na "yon ay nawiwili sa paghi-henna tattoo si Regine kaya bukod
kay Sweet, pati mga staff at crew ng pelikula nila ay pinagtripan nitong
lagyan ng tattoo na pentel pen lang ang gamit.

In fairness ay maganda rin daw gamiting pan-tattoo ang pentel pen kapag
walang henna, sabi sa amin ni Regine.

Mga 5 years ago siya nagsimulang maging interesado sa paghi-henna tattoo
nu"ng minsang magpunta siya ng Los Angeles. Bumili raw siya ng isang libro
ng mga tattoo artworks at "yun ang ginagaya niya. Sarili niya mismo ang
nilalagyan niya ng henna tattoo.

***
Dahil siguro sa pagkahilig niyang "yon sa "art of tattooing" kaya
nagpalagay ng tattoo (permanent at hindi henna lang) sa katawan si Regine.

Meron siyang thorns and roses tattoo sa ankle at sa kanyang likod ay
nagpa-tattoo siya ng butterfly.

Kami ang sumunod niyang nilagyan ng henna tattoo after ni Sweet. Isang
tingin lang ay alam mong alam niya ang ginagawa niya dahil impromptu ang
naiisip na designs ni Regine, sa isip niya mismo nanggagaling at wala
siyang pinagkokopyahan.

"Burning heart" ang nilagay niya sa braso ni Sweet at parang pasley design
na ethnic chuva ang nilagay niya sa aming wrist. Kaya lang ay medyo
napa-kapal dahil nagbi-bleed yung henna ink.

Nang dumating kami ng Carabana ay hindi pa karamihan ang tao pero nu"ng
magsimula nang mag-tattoo si Regine sa VIP room (na binigyan ng bagong
bihis ni Mylene Dizon) ay biglang dumagsa ang mga customer.

Nalokah kami sa pila dahil itsura ng may healing session sa Carabana na si
Regine ang nanggagamot!

Habang tumatagal ay paganda nang paganda ang naiisip niyang designs.
Tuwang-tuwa syempre ang mga fans niya na may libreng picture taking na with
the Songbird ay may libreng henna tattoo pa.

Ang tiyagang "magtra#!&@" ni Regine habang nakasalampak sa mababang kutson
doon sa VIP room. Alam naming artistic siya at mahusay mag-drawing kaya
hindi na kami nagtaka na magaling siyang mag-tattoo.

Alas-dose nang hatiggabi na nang magpaalam siya dahil may S.O.P. pa siya
kinabukasan, pero ang haba pa rin ng pila.

Ngayong araw na ito ang lipad niya pa-Amerika para sa show ng S.O.P. sa San
Francisco this weekend.

[ Next Thread | Previous Thread | Next Message | Previous Message ]


Post a message:
This forum requires an account to post.
[ Create Account ]
[ Login ]
[ Contact Forum Admin ]


Forum timezone: GMT-8
VF Version: 3.00b, ConfDB:
Before posting please read our privacy policy.
VoyForums(tm) is a Free Service from Voyager Info-Systems.
Copyright © 1998-2019 Voyager Info-Systems. All Rights Reserved.