Subject: Ogie, nahihiya na kay Regine Velasquez |
Author: mmJun- from SOP
| [ Next Thread |
Previous Thread |
Next Message |
Previous Message
]
Date Posted: 04:07:17 08/23/06 Wed
Author Host/IP: 124.106.159.202 In reply to:
mmJun- gma-7 also pushing the rumors?!
's message, "Aug 20: Grand Homecoming- Ogie's Birthday!" on 03:40:30 08/23/06 Wed
Ogie Alcasid, nahihiya na kay Regine Velasquez
Noong Sabado ay binulabog ang showbiz ng balita tungkol kay Ogie
Alcasid na lumabas sa isang broadsheet.
Ayon kasi sa isang source, magpa-file na raw ng annulment case si
Ogie para mapawalang-bisa na ang kasal nila ng misis niyang si
Michelle van Eimeren.
Detalyado ang pagkakasulat ng balitang `yon, pero ayon sa kampo ni
Ogie, hindi totoo `yon.
Ayon sa kinausap namin, hindi masama ang loob ni Ogie sa columnist
na sumulat ng balitang `yon dahil nirerespeto ni Ogie ang taong `yon.
Sa katunayan, ayaw raw ni Ogie na mag-react pa.
"Basta, hindi totoo. Hindi magpa-file ng annulment si Ogie. `Yun
lang ang masasabi namin.
"Mismong si Ogie, eh, ayaw palakihin ang tungkol diyan. Basta mahal
niya si Michelle at ang dalawa nilang anak!" mariing pahayag ng
kausap namin.
Kahapon sa SOP ay nagsalita ng bahagya si Ogie. Nakiusap siya sa
lahat ng mga manunulat na isulat na siya ng kahit ano, pero i-spare
ang kanyang pamilya. Mahal na mahal daw niya ang kanyang pamilya.
Nag-apologize din si Ogie sa SOP co-host niyang si Regine Velasquez
dahil palagi itong nadadamay sa mga intriga sa kanya.
Nahihiya si Ogie kay Regine at sa pamilya nito.
Kahit may ganitong intriga, itutuloy pa rin nina Ogie at Regine ang
concert nila sa Europe. Sa Miyerkules ang alis nila, kasama si Ai Ai
de las Alas.
Sa Agosto 30 ang balik nila ng bansa at aalis kaagad si Ogie ng
Agosto 31 para puntahan sa Australia ang misis at dalawa niyang anak.
Hanggang Setyembre 6 si Ogie sa Australia.
"Kahit late na, magse-celebrate si Ogie ng birthday niya sa
Australia kasama si Michelle at ang dalawang anak nila.
"Hindi na lang ako nagtatanong kay Ogie kung alam na ba ni Michelle
ang isyung ito sa kanila dahil syempre, kahit masayahing tao si
Ogie, sensitive pa rin `yan sa mga ganyang intriga.
"Tama talaga `yung sinabi niya na mahal na mahal niya ang kanyang
pamilya. He's really working hard para sa kanyang pamilya.
"Saka si Ogie, kahit malayo sa kanya si Michelle at ang dalawang
anak nila, gumagawa siya ng paraan na makasama sila sa mga
importanteng araw sa kanyang buhay.
"Ang dalas-dalas nga niyang umuuwi sa Australia, eh.
"The last time, may competition sa school `yung isa sa mga anak
niya, umuwi siya ng Australia para turuan ng kanta `yung bata,"
pahayag ng source namin.
Jun Lalin
[
Next Thread |
Previous Thread |
Next Message |
Previous Message
] |
|