VoyForums
[ Show ]
Support VoyForums
[ Shrink ]
VoyForums Announcement: Programming and providing support for this service has been a labor of love since 1997. We are one of the few services online who values our users' privacy, and have never sold your information. We have even fought hard to defend your privacy in legal cases; however, we've done it with almost no financial support -- paying out of pocket to continue providing the service. Due to the issues imposed on us by advertisers, we also stopped hosting most ads on the forums many years ago. We hope you appreciate our efforts.

Show your support by donating any amount. (Note: We are still technically a for-profit company, so your contribution is not tax-deductible.) PayPal Acct: Feedback:

Donate to VoyForums (PayPal):

Login ] [ Contact Forum Admin ] [ Main index ] [ Post a new message ] [ Search | Check update time | Archives: 123456[7]8910 ]
Subject: Regine, ka-duet sa album ni Dennis Trillo!


Author:
mmJun- songbird music news
[ Next Thread | Previous Thread | Next Message | Previous Message ]
Date Posted: 12:06:38 08/01/06 Tue
Author Host/IP: 124.217.36.231
In reply to: mmJun- songbird music news 's message, "Regine, producer ng album ni Dennis Trillo" on 12:05:10 08/01/06 Tue

Regine Velasquez, ka-duet sa album ni Dennis Trillo!

Sa rami nang recording company na nag-offer sa kanya ng kontrata, sa
Indiemusic pumirma si Dennis Trillo. Ang sarap daw ng feeling na
masabing siya ang first artist ng recording company nina Regine
Velasquez, Ogie Alcasid, Leo Domigues, Cacai at Raul Mitra. Napi-
pressure lang ang actor-turned singer dahil kailangang lumabas na
maganda ang album at dapat bumenta para hindi ma-disappoint ang mga
nagtiwala sa kanya.

Lalo pang na-pressure si Dennis dahil si Regine ang magpo-produce ng
kanyang album. Ang ibig sabihin, ang Asia's Songbird ang mamimili ng
songs na isasama sa album at magko-conceptualize. May duet din sila
na pinipili pa kung ano.

November ang target ng release ng album ni Dennis at dapat ay bago
ang concert nila nina Janno Gibbs at Jose Manalo sa Araneta Coliseum
na produced ni Malou Choa-Fagar. Kabilang sa mga kantang isasama sa
album ay ang "All Out Of Love" ng "Air Supply," "Here, There &
Everywhere" ng Beatles, "Kay Tagal" ni Rachel Alejandro at ilang
original compositions. Tiyak ding aabangan ang duet nila ni Regine.

Nitz Mirallez

[ Next Thread | Previous Thread | Next Message | Previous Message ]

Replies:
[> [> [> [> Subject: Regine at Ogie, maganda ang chemistry


Author:
mmJun- songbird music news
[ Edit | View ]

Date Posted: 12:09:49 08/01/06 Tue
Author Host/IP: 124.217.36.231

Regine Velasquez at Ogie Alcasid, maganda ang chemistry

dumating na si Ogie Alcasid sa puntong wala na siyang pakialam kung
anuman ang isipin ng tao sa kanila ni Regine Velasquez.

Matagal-tagal na ring nali-link ang dalawa at lalo pang lumaki
ngayong magkasosyo sila sa recording outfit na itinatag nila, ang
Indimusic.

Ayon kay Ogie, okay lang daw sa kanya kung ma-link man sila nang ma-
link.

"Walang problema sa akin, manhid na ako," he said.

Pero siyempre, kung tatanungin mo sila pareho kung ano ba talaga ang
relasyon nila, pareho naman nilang sinasabing they're good friends
lang.

As everybody knows, pamilyadong tao si Ogie at bagama't hindi rin
namamatay ang tsismis na hiwalay na sila ng asawang si Michelle van
Eimeren, masipag din naman ang singer na sabihing okay pa rin ang
pagsasama nila and, in fact, just recently ay kagagaling lang niya
sa Australia para dalawin ang mag-iina.

Aware naman daw si Michelle na natsitsimis si Ogie kay Regine at
wala raw itong "violent" comment. Alam din nito na nagtayo sila ng
negosyo at pumayag naman daw ang dating beauty queen.

Ayon kay Ogie, kumportable na raw siya kay Regine since matagal na
niya itong kaibigan, kaya tiwala siya na magiging maganda ang
kanilang samahan sa negosyo.

"Regine is a very good person. Hindi naman siya mang-oonseng tao,
hindi siya manloloko. Kaya tiwala ako na siya ang business partner
ko.

"Besides, maganda ang chemistry namin sa lahat ng bagay," pahayag ni
Ogie, na tila may iba na namang ibig sabihin.

Inamin ni Ogie na idea niyang kunin si Alyssa Alano bilang recording
artist, pero napagdesisyunan nilang huwag na at mag-concentrate muna
sa album ni Dennis at ni Regine.

"Mahirap kasi ang sabay-sabay, eh," say pa niya.

Vinia Vivar

[ Post a Reply to This Message ]
[> [> [> [> [> Subject: Ogie at Regine, 'di na naawat...


Author:
music tabloid news on-line
[ Edit | View ]

Date Posted: 07:51:37 08/10/06 Thu
Author Host/IP: 124.217.36.187

Ogie at Regine, 'di na naawat...

MALISYOSO talaga ang ibang manunulat. Aba naman, bigyan ba ng
malisya ang pagsasama nina Ogie Alcasid at Regine Velasquez sa
negosyo.

Magkasosyo nga sina Ogie at Regine sa Indimusic, at si Dennis Trillo
nga ang unang recording artist nila.

Nilinaw ni Ogie na bagama't mistulang family affair ang pagsasama
nila nina Regine (with Kakai Velasquez at asawang si Ramon Mitra),
siya ang kumuha ng mas malaking share sa negosyo. Si Ogie nga ang
presidente ng Indimusic.

Pero sabi ni Ogie, lahat ng tao sa kanilang negosyo ay nagbibigay ng
desisyon. Hindi raw lahat ay sa kanya nagmumula ang mga dapat at
hindi dapat gawin.

Sabi ng manunulat, mas binibigyan nina Regine at Ogie ang mga tao na
bigyan ng kulay ang samahan nila. Hindi nga ba, hanggang ngayon ay
patuloy na pinagdududahan ang kanilang pagsasama?

"Okey lang. Ha! Ha! Ha! Ha!" sabi ni Ogie tungkol sa pagdududa sa
samahan nila ni Regine.

Sabi pa ng isang manunulat, mas may rason na ngayon kung bakit
kailangan na parating magsama sina Ogie at Regine. Mas legal na nga
raw, dahil may negosyo silang pinagsasamahan.

"Wala namang problema roon, eh," hirit ni Ogie.

Iginiit nga ni Ogie na walang problema at walang dapat na maging
isyu kung palagi niyang kasama si Regine. Unang-una, malaki ang
tiwala niya kay Regine pagdating sa negosyo.

"I love working with this woman (Regine)."

At mahal naman talaga niya si Regine, `di ba?

"Of course, I do. I love Regine…" nakangiting say niya.

"As a friend. Ha! Ha! Ha! Ha!" dugtong ni Ogie.

Malaking factor nga raw kung bakit mas maganda na palagi silang
magsama ni Regine sa proyekto ay `yung may kakaibang magic kasi sila
kapag magkasama. Na hindi talaga nabibigo ang proyekto, dahil
palaging tagumpay at nagugustuhan ng mga tao.

"Sana may ganu`n ding mangyari sa project na `to."

Siyanga pala, sa August 5 na ang show ni Ogie na Komikonsiyerto sa
Aliw Theatre. At pagkatapos noon ay agad din siyang aalis ng bansa
para naman sa mga concerts niya abroad, at para dalawin na rin ang
kanyang pamilya sa Australia.

Dondon Sermino

[ Post a Reply to This Message ]


Post a message:
This forum requires an account to post.
[ Create Account ]
[ Login ]
[ Contact Forum Admin ]


Forum timezone: GMT-8
VF Version: 3.00b, ConfDB:
Before posting please read our privacy policy.
VoyForums(tm) is a Free Service from Voyager Info-Systems.
Copyright © 1998-2019 Voyager Info-Systems. All Rights Reserved.