Subject: Chapters 1-4 |
Author:
No name
|
[
Next Thread |
Previous Thread |
Next Message |
Previous Message
]
Date Posted: 13:57:32 06/07/08 Sat
CHAPTER 1: “ My Arrival”
Ito ang aking kwento…
Mag-aalas tres ng hapon ng dumating ako sa seminaryo dala ang aking backpack at bitbit na karagdagang bagahe. Di ko lubos maisip na titira na ako sa lugar kung saan mapapalibutan ako ng kasariang pinagpapantasyahan ko. Ang kapwa ko lalaki.
“ Sa 3rd floor ang room mo, magtanong-tanong ka nalang kung saan ang room ni Prince. Gustohin ko mang ipahatid ka don ejo, ehh sa tingin ko kasi walang bakanteng tao dito sa opisina. Ok lang ba yon sayo Tart?”
“ Ok lang yon Father, sanay na po akong lumakad ng mag-isa. Sino nga yon ang dapat kong hanapin Father?”
“ Si Prince, don’t worry kilala siya dito sa buong seminaryo, madali mo lang siyang mahanap.”
Yon ang sabi sa akin ni Father Guy bago ako nagtungo sa dormitoryo. Malaki rin ang nasabing seminaryo. Pinapalibutan ito ng maraming halaman, puno, hardin, at malawak na damuhan o plaza. Bago nga ako nakarating sa opisina ehh, ang haba ng nilakad ko mula sa malaking gate nito. Mula sa opisina kung saan ko nakausap si Father Guy, naglakad na naman ako ng ilang metro papuntang dormitoryo. Nadaanan ko yong malaking simbahan na tila antique na rin kung ituring at ang basketball court na may naglalarong mga lalaki.
“Nako! Ang swerte ko pala dito! Ang daming boys,hehehehe!” bulong ko sa aking sarili. “Para naman akong may tupak nito ehhh, hayaan mo Tart, masasanay ka rin dito, go go go! Teka nga pala, ehhh diba semaryo itong napasukan ko? So it means????? Ako ang princess dito! Hahahaha!!! Loko! Di nga…” sabi ko sa aking sarili habang umaagik-ik ng mahina.
“ Ano ka ba Tart! Bakit ka naman magiging prinsesa dito? Bakit? Bading ka ba?......Ay oo nga pala, hindi naman ako ganun, may pusong babae lang kung minsan.. Pero sana naman, mababago ako dito. Sana nga…” Sabay smile at pinagtatawanan ko ang aking sarili ng biglang…
“ Aray ko!”
Natamaan yong mukha ko ng bola. Hindi ko pala napansin na papunta na sa akin ang bola habang nakangisi sa harap ng basketball court. Nagsipagtakbohan ang mga naglalaro patungo sa akin.
Pagmulat ng mata ko, nako! Nakatihaya na pala ako sa sahig at pinapalibutan ng mga nakahubad tshirt na mga lalaki. Ang ilan nga sa kanilang mga pawis ay pumatak sa aking pisngi at mata kaya akoy nagkamalay agad.
“ Tol! Ok ka lang bah? Anong masakit sayo?” tanong sa akin ng lalaki.
“ Hoy mga ungas! Bakit parang nakakita kayo ng anghel diyan at tinititigan niyo lang siya ha? Tulungan niyo!” Sigaw uli ng lalaking nagtanong sa akin.
Sa tantya ko ay walong nakahubad na mga lalaki ang nakapalibot sa akin. Nung narinig nila ang utos na iyon, ay nag-agawan ang mga mokong sa pagtulong sa akin.
Pina upo nila ako sa bench malapit sa court, habang bitbit naman ng isa sa kanila ang backpack ko at nilagay sa tabi ko. Ang mga mokong naman ay nagkalat sa likod at harapan ko tinatanong kung ok lang daw ba ako?
“Pasensiya ka na talaga tol, kala kasi naming iilag ka sa bola, pero parang wala ka sa sarili at ningitian mo lang ang bola.” Nagtawanan silang lahat ng sinabi yon sa akin.
“ ha? Ahh… hahahahahahahahahahhahah!!!! Ganun ba? Ahhh ano kasi…ahhh…may naalala lang ako.”
“ Sino? Yong gf mo? Naku tol! Dito sa seminaryo, walang gf gf tol…kalimutan muna natin yang mga babae, focus ka nalang sa mga guys dito” sabay kindat at nagkatawanan na naman.
Hay nako! Kung totohanan ko kaya silang lahat..iisa isahin ko sila sa mga kamay ko. “ hehehe biro lang po Lord”, sabi ko sa isipan ko.
“ Oh ayan ka na naman! Ngingisi ngisi ka na naman dyan” sabi ng isa.
“ ahh wala, ehh andito lang naman din kayo pwede niyo bang ituro sa akin kung san yong room na sinabi ni Father sa akin?”
“ sure!” sagot naman agad ng lalaking mukhang leader nila. “ Freshman ka pala, kami naman ay sophomores pa lang dito. Ako pala sa Jinx pare.”
Jinx pala yong astang leader nila, cute din ang gago.
“ Ito naman si Yoy, ang genius. Si Win ang chikboy. Yan si Baks ang negro. Ito namang sa likod mo ay sina Ted, Ram, Choy at Lem.” Bawat pakilala sa kanila ay tumatango sila.
“Ako naman si Tart” sabay pacute sa kanila. “ Sabi kasi ni Father Guy ay ka-room mate ko raw si…..Prince?
“ Ahh si Prince?! No probs pare! Kilala namin yan! Sige sasamahan ka namin”.
VIP kung ituring nila ako, si Win ( ang chikboy daw) ang nagbitbit ng backpack at iilang abobot ko. Habang si Jinx naman ang nasa unahan naming habang tinatahak naming ang hallway ng 3rd floor. Nung umaabot na kami sa dead end nito ay huminto na kami at kinatok ni Jinx ang pinakahuling kwarto.
Tok tok tok, “Prince!!!” Tok tok tok, “Prince!”
Biglang may sumagot mula sa loob.
“ Bakit???? Sige pasok lang……”
Pagpasok naming lahat ay naabutan namin ang tinawag nilang “Prince na nakatalukbo lamang ng kanyang kumot. Average lang ang size ng room, yong kasya ang dalawang kama at dalawang cabinets. Sa may bintana ay may dalawang study table at sa may dulo nito may pinto, sa palagay ko ay ang cr yon.
“ Hoy! Prince! Pare! Ano ba yan? Bakit nakatalukbong ka sa kumot mo? May sakit ka ba?” tanong ni Jinx habang paupo sa kama ni “Prince”.
Ang iba naman sa kanila ay umupo sa bakanteng kama habang ako naman ay nanatiling nakatayo lamang sa isle ng dalawang kama.
“ Hoy! Ano bahhh…i-welcome mo naman ang new room mate mo…si Tart.” Sabi uli ni Jinx habang hiyoyugyug ang katawan ni “Prince”
“ Welcome…” Mahinang sabi ni Prince.
Nagtataka ako kung bakit ganun nalang ang tinatawag nilang “Prince” at sino ba siya? Kung gano kainit ang pagwelcome ng ibang lalaki sa akin, ehh ganon din naman siya kalamig. Nang bigla na naman itong nagsalita…
“ Mga tol, ano bah! Wala ako sa mood makipagkulitan sa inyo! Masama pakiramdam ko. Ayaw ko nang maingay.”
“Nako! Demanding ang gago!”, sa loob loob ko.
“ Ano ba kasing nangyari sayo?” tanong naman ni Ted.
“ Basta! Sige na! labas na kayo!” pasigaw na sabi ni “Prince habang nasa loob parin ng kumot.
“ Ang sama naman ng ugali nito, kakadating lang ng new room mate mo at yan pa ang pagtanggap mo sa kanya. Move on pare, di lang naman ikaw ang nawalan ng kaibigan, kami din.”, dugtong naman ni Choy sa usapan.
“ Ano daw? Nawalan ng kaibigan? Sino? Sila? Si Prince?” yon ang mga katanungan sa isip ko nung narinig ko ang katagang yon mula kay Choy.
“Basta, umalis na kayo!” sagot naman ni Prince sa kanila.
“ Ok Fine Whatever! Lalabas na kami…except kay Tart. Ehhh simula ngayon isa narin siya sa may karapatan ng kwartong ito noh.” Pagtatanggol naman ni Jinx. “ Sige Tart, lalabas na kami ha? Ayusin mo nalang yang mga gamit mo dyan. Welcome uli tol, pasensiya ka nalang dyan kay Prince, may desmenorya lang seguo, heheh., sige…”
At kinamayan niya ako sabay hila patungo sa dibdib niya at tapik sa aking likod gamit ang isa niyang kamay. Ahh oo nga pala, sign of brotherhood yon na nakikita ko sa tv. Nakisabay nalang din ako sa bawat isa sa kanila sa pakipagkamayan at tapik. Nako! Lalaking lalaki nga talaga ang turing nila sa akin. Sino ba naman ang mag aakalang may pusong mamon din pala ang nasa harapan nila, eh sa di pagmamayabang marami naman ang nagsasabing gwapo ako.
5’9 ang height ko kasi, pambasketball player daw. Maputi ako kasi may halong Spanish at Chinese ang bloodline. Skinhead ang buhok na kinabagayan naman ng magandang hugis ng mukha ko. Medyo makapal ang kilay ngunit expressive naman lalo na kung nagsasalita ako. Pati rin daw ang mga mata ko’y sobrang expressive, kunbaga nakakatunaw. Kulay brown ang mga ito with thick eye lashes. Matangos naman ang ilong ko na kinabagayan naman ng mala-kurting puso ng mapulang labi ko. Mabilis lang akong mamblush lalo na basta tatawa dahil narin seguro sa kutis ko. Maganda naman ang kurti ng aking katawan kahit hindi ako nag gigym, sabi ko nga sa sarili ko, “ May lahi seguro akong hunk, hehe”. Isa sa pinakapaborito kong parte sa katawan ko ay ang mga paa ko. Maganda kasi ang hugis at haba nito pati na ang well arrange at pinkish toes ko. Sa aking binti, braso, batok, dibdib at pusod matatagpuan ang mga balbon ko sa katawan. Balbon na hindi kulay maitim kundi nagbo-blonde ang kulay nito lalo na kung nasisinagan ng araw.
“ Sige pare, alis na kami…” Sabi ng mga bago kong katropa habang palabas na sila ng pintuan.
“ Sige…Thank you…” sagot ko naman.
Nung nakalabas na silang lahat, unti unti nang tumahimik ang loob ng kwarto hanggang sa nakakabingi na ang katahimikan nito.
“Ehem!” bigla kong sambit upang putulin ko ang katahimikan habang nakatayo parin ako sa isle ng dalawang kama. Nakalagay kasi ang kama ni “Prince” sa may bintana samantalang ang magiging kama ko naman ay nasa kanan papuntang cr.
“ Ehem! Ahhhh…ehhhh kung nakikinig ka man o tulog o kahit ano, ako pala si Tart ang bago mong room mate. I understand if di mo ako mahaharap sa ngayon dahil baka nga masama talaga ang pakiramdam mo. Don’t worry, di naman ako mag-iingay ehhh. Dadahan dahanin ko lang pag-aayos ng mga gamit ko.”
Wala pa ring imik ang gago… Nang biglang umiral na naman ang pagiging kalog ko. Ako kasi ang klase ng tao na palakaibigan. Mahilig makipagkwentuhan kahit pang outerspace na ang topic. Madali akong mainip kaya naghahanap ako ng katuwaan. Madali rin akong nakakahanap ng pang aliw kung di man para sa sarili ko, para din sa iba. Ako yong, may maraming sinasabi sa isip. Mahilig akong mag imagine ng kahit ano, kahit imposible. Kung nababagot ako, kinaka usap ko ang aking sarili. Sabi ng mga kakilala ko na, maganda daw yong personality ko, hindi nakakabagot. Gusto ko kasing laging nakasmile ang lahat
Nung hindi parin umimik si “Prince” sa introductory message ko, tumahimik nalang ako at dahan dahang pinagmamasdan ang hulma ng kanyang katawan sa ilalim ng kumot.
Abay mukhang matangkad din ang gago. “Ano kaya ang hitsura nito?” tanong ko sa sarili. Humagod yong pagtingin ko sa kanya mula sa kurting ulo, pababa sa likod, sa butt niya kasi maumbok dun, tapos sa kurting hita hanggang….
“Ting!” may biglang umilaw sa utak ko.
Pagtingin ko kasi sa paanan niya ay nakalabas yong dalawang paa niya na nalalaglag sa dulo ng kanyang kama. Nakadapa pala ang gago base narin sa posisyon ng kanyang mga paa. Dahan-dahan ko itong nilapitan hanggang sa dulo ng kama niya. Lumuhod ako at pinagmasdan ang mga paa niya. Abay may binatbat din pala si gago, mahaba rin yong mga paa niya, maputi at pinkish ang mga daliri nito. Nasabi ko sa sarili ko, crush ko ang paa niya kasi ang cute pagmasdan, maganda pa ang hugis nito.
Ang sarap hawakan at panggigilan. Paano ko kaya ito panggigilan kung hindi ko naman ito kayang hawakan? May bigla akong naisip, nako! Papatok ito! “Amuyin ko kaya? Hmmm…sige na nga!”
Dahan dahan kong nilapit ang mukha ko sa mga paa niya at marahan itong pinagmasdan. Ang linis ng paa niya. Napapikit ako at sinimulang amuyin ang mga ito...hhmmm… unang inhale ko pa lang ay wala naman akong naamoy. Natawa nalang ako sa pinag gagawa ko, ibinaba ko ang ulo sa may sahig para mag-exhale, baka kasi maramdaman ng mga paa niya ang hangin mula sa ilong ko. Muli kong inangat ang ulo ko at muling nilapitan ang paa niya, sa pangalawang pagkakataon ay pinikit ko na naman ang mga mata ko at sa pagkakataong ito ay naamoy ko na ang paa niya. Amoy sabon ang mga ito. Mukhang galing banyo si mukong. Nang biglang ako’y napa…
“Haaaaaaaaaa….choooh!!!!!” nako lagot patay!
Sa gulat seguro ni Prince sa malakas na hangin na bumulaga sa kanyang paanan ay bigla siyang lumundag sa dulo ng kanyang kama. Nang biglang na out balance ang gago at nahulog patungo sa akin. Di ako nakaiwas at napatihaya nalang sa sahig habang si Prince naman ay nakapatong sa akin. Nagkatapat ang aming mga mukha. Damang dama ko ang malakas na tibok ng kanyang puso dahil seguro sa gulat niya. Sa palagay ko ay 1 inch lang ang pagitan ng aming mukha.
Hindi kami nakapagsalita pareho at lalo na ako. Di ko inasahan na ganun pala ang pagmumukha ni gago. Sobrang gwapo pala ni Prince! Akala ko sa tv shows at pelikula ko lang nakikita ang mga eksenang ito, pero heto…nangyayari na nga sa akin. Mas lalong kumabog ang dibdib ko, hindi ako nakapagsalita habang nagkatitigan kami. Corny mang sabihin ngunit parang tumigil ang oras.
===============================================================
CHAPTER 2: “ First Encounter”
Ilang Segundo lang ang namagitan pero para sa akin huminto ang panahon. Dumampi ang buhok niya sa mukha ko. Mukhang faniosnista pala ito, yong buhok niya parang sa f4 pero maikli lang ng kunti. Nakakunot ang noo niya habang nakatingin sa akin na mas lalong nakaganda sa korte ng kanyang kilay. Hindi ko mailarawan ang mata niya, pero nung pagkakataong iyon ay naging bilogan ang mga ito na makikita parin ang pagkachinito niya. Ang matangos niyang ilong ang dahilan kung bakit nadadama ko ang malakas niyang paghinga pati narin ang hanging lumalabas mula sa kanyang mapupulang labi. Ang kinis ng mukha niya, mukha talagang artista.
Nung panahong iyon ay parang ayoko nang kumawala sa pagkadagan niya sa akin. Umiral na naman ang pagiging abnormal ko. Oo abnormal, yon kasi ang term na inilalarawan ko sa aking sarili pagna-aattract sa kapwa lalaki o sa panahong humahanga ako.
Hindi ko alam kung ano ang aking gagawin, kung itutulak ko ba siya o magsasalita nalang ako? Ano naman ang sasabihin ko? Na sana mas tumagal pa ang pagkakapatong niya sa akin? Nako, erase erase erase. Dahil nawalan na ako ng pasubali, ang pagkukunwaring hihimatayin nalang ang pinakahuling naisip kong gawin.
Habang nagkatitigan kami at nakanganga ang bibig ko at nakaangat ng bahagya ang ulo mula sa sahig, bigla ko nalang itong inuntog sa sahig at nagkunwaring nahimatay. Habang nakapikit ako ay nakikiramdam nalang ako kung ano ang gagawin ni Prince sa akin. Tila naalimpungatan ang gago mula sa mahimbing sa pagkakatulog nang bigla itong kuwala mula sa pagkakapatong sakin. Narinig ko ang pagluhod niya sa sahig malapit sa ulo ko. Hinatak niya ang ulo ko at sinapo sa kanyang braso habang ang isa naman niyang kamay ay tinatapik ang pisngi ko.
“ Hoy! Are you okay? Anong masakit sayo? Gumising ka… hoyyyyy!!! Ano ba! Wag ka ngang magbiro ng ganyan tol….”
Habang pinapakinggan ko ang mga sinasabi niya sa akin, bakas sa tono niya ang pag-aalala. Ganun ba talaga ka seryoso ang taong ito o nagulat lang din siya dahil sa pangyayari?
Hindi parin ako kumibo, pang award winning talaga ang himatay eksena ko. Baka kasi kung bigla nalang akong magkamalay, magduda pa itong nagdadrama ako. Ayoko naming masapak no. Isa rin sa dahilan ay ayokong makita ang mukha niya, napaka amo kasi nito na may halong pagkachickboy effect, ewan basta nakakatunaw kasi siya kung makatingin.
Namalayan ko nalang na binubuhat na pala niya ako papuntang kama. Oo sa kama nga kasi naramdaman ko ang malambot na higaan, di ko mawari kong sa kama ba niya o sa nakatakdang magiging kama ko. Sa loob loob ko’y kinikilig din ako, hehehe, sino ba naman ang hindi kikiligin na binuhat ka ng isang Prinsipe si Prince “Prince”, bagay nga sa kanya ang pangalan niya, mukha talaga siyang prinsipe. At ako naman, feeling ko…isang fairytale character na binuhat ng prinsipe. Hehehe, napapangiti nalang ako sa isip ko habang nasasabi ang mga ito. Umiral na naman kasi ang pagiging abnormal ko
“Mabuti naman at gising ka na.” ang bambungad sa akin ni Prince nung magising ako. Ha? Nako! Bigla akong bumalikwas sa pagkakahiga at umupo sa kama. Noon ko pa napagtanto na nakatulog pala ako sa kadramahan kong kunwari’y nahimatay.
“ Kinabahan ako sa’yo kanina akala ko’y napano kana. Bigla ka nalang kasing nahimatay nung nadaganan kita. Tatawag sana ako sa clinic…”
“ Sa clinic?! Anong ginawa nila sa akin?, pagmamadali kong tanong.
“ Hindi natuloy, kasi bigla ka nalang humilik ng malakas. Kaya inisip ko nalang na nakatulog ka seguro.” Paliwanag nito habang nka-squat sa kanyang kama na tila may kung ano anong sinusulat o iginuguhit sa isang illustration board.
“ Ako? Humilik? Ehh pano kung signos pala yon na binabawian na ako ng buhay? Di mo ba alam na isa ang malakas na paghilik sa mga symptoms na may internal disorder ang tao? Buti nalang at di ako natuluyan! Pano kung namatay ako?” pabiro naman ang pagkasabi ko nun pero nung narinig niya iyon ay bigla nalang siyang natigilan sa kanyang ginagawa.
Nilapag niya ang illustration board at lapis sa kanyang kama at tumayo, naglakad papuntang pintuan.
“ Sumunod ka na sa dining area, mag-aalas syete na ng gabi. Baka hinihintay na nila tayo”, at binuksan agad ang pinto at lumabas.
“ Ano namang nangyari dun? Hayyy gwapo nga sana, werdo naman! Bakit ba? Ayaw niya bang pag-usapan si kamatayan? Joke lang naman yon ehh, corny ba yong joke ko?”, kinuskos ko yong buhok ko.” Nakoooo…di ko talaga ma-gets ang taong yon! Cute pa naman sana…hayzzzz”.
Pagtayo ko ay nasilayan ko ang illustration board na nilapag niya sa kanyang kama. Napasilip ako at namangha sa aking nakita. Kinuha ko ang board at tinitigang maigi ang nakaguhit dito.
================================================================
CHAPTER 3: “ The Bed”
“ Wow! Ang ganda naman! Magaling palang gumuhit ang mokong na yon! Akalain ba’y iginuhit pala ako habang natutulog. Infairness kuhang-kuha niya ang pagiging gwapo ko. Hehehe. Pero tika nga! Bakit? Bakit may ganito? Bakit may laway na nakatulo sa bibig ko?! Bigla kong binitawan ang board at kinapa ang bibig ko. Wala naman akong laway ah! “ Nakakaloko talaga ang prince na yon!”
Kinamusta naman agad ako ng mga tao at mga bagong kaibigan ko pagdating sa dining area. Marami ang mahahabang mesa kung saan nakaayon sa room number at floor ang bawat grupo sa mesa. Doon ko nalaman na ako lang pala ang nahiwalay sa freshmen group dahil late enrollee ako kaya pala mostly sophomores ang nakakasama ko sa dining area at maging sa dorm. Magkaharap ang posisyon namin ni Prince sa bawat dulo ng mesa. Wala kaming kibuan dalawa kahit panay ang kwentuhan ng mga bago kong katropa. Sino ba naman ako para mag-feeling close sa kanilang lahat eh first day ko pa nga doon.
“Mga tol, hinananap pala kayo ni Father Guy nung 6pm Angelus. Sabi nalang namin na masama ang pakiramdam mo Prince at kaw naman Tart ay ganun din dahil kadadating mo lang galing byahe. Bukas ay kailangan na daw ninyong umattend.” Yon ang sabi ni Jinx. Tumango nalang kami pareho ni Prince.
Nung matapos ang hapunan ay bumalik agad ako sa room. Wala rin don si Prince, kaya nagmamadali akong ayusin ang aking mga gamit sa cabinet dahil baka mailang na naman ako pag-andyan na siya. Ewan ko ba pero naiilang talaga ako sa kanya, dahil narin seguro sa unusual first meeting namin.
“ Hayyy salamat at tapos ka na sa wakas. Ang boring naman dito wala bang ibang makapaglilibangan maliban sa libro at pagdadasal? Hay,,patawad po panginoon pero boring talaga dito lalo na’t wala akong nakakausap.”
Ringggggggggg….Ringgggggggggggg
“ Ay! Ano yon? Ahhh ang cellphone ko pala!”, buti nalang pala at pwede kaming gumamit ng cellphone sa seminaryo in case of emergency. Dali dali kong inabot ang cp ko na nakalagay sa kama.
“ Hello Ma?”
“ Kumusta ka na dyan?”
“ Ok lang po mama, miss ko na po kayo.”
“ Are you sure na kakayanin mo dyan sa loob ng seminaryo, bakit ba kasi kailangan mo pang magpanggap na papasok ng seminaryo just to see him in person. Di pa ba ako sapat sayo anak?”
“ Mama naman ehh, napag-usapan na natin to diba? hindi mo dapat pagdududahan ang pagmamahal ko sa inyo dahil love na love kita. Just give me this time to see him and to know him better. Hindi naman ako pumasok dito para kareren ang pagpapari, pansamantala lang po to ma. Pagnagkalapit na kami, uuwi din ako sa inyo. I understand our difficult situation.”
“ Oo na, sige na nga…basta mag-ingat ka dyan lagi baby ko. I love you…”
“ I love you too mama, ba bye…”
Di ko namalayang tumulo na pala ang luha ko. I really miss my mom, first day ko pa lang non how much more kung aabot na ng ilang buwan.
“ May gusto kang makita dito, sino?”, ang linyang bumasag sa katahimikan sa loob ng silid. Boses iyon ni Prince. Para akong sinabuyan ng malamig na tubig, di ko alam kung nilalamig o umiinit ang pakiramdam ko sa buong katawan. Parang nagka-stiff neck ako nang nilingon ko kung sino ang nasa aking likuran, pero nakakaseguro akong si Prince yon. Tama, si Prince nga nung naharap ko na siya. Andun lang siya nakatayo sa may pintuan.
“ Ganun ba ang mga itinuturo dito? Makikinig sa usapan ng may usapan?”, paglilihis ko ng topic sa tinanong niya sa akin.
“ Hindi ko naman sinadya ah, kakabukas ko lang ng pinto nung naabutan kong kausap mo mama mo. Alangan naman takpan ko tenga ko.” Pagtatanggol naman nito sa sarili. “ So andito sa loob ng seminaryo ang hinahanap mo?”
“ Wala kang pakialam! And it does’t mean na nandito talaga siya sa seminaryo noh! Gusto ko lang hanapin ang…ano??? Ang…soulmate ko! Yeah…soulmate ko. Oh ano? Ok na?”, yon nalang ang pinangtakip ko sa totoong pakay ko dito sa seminaryo. As much as possible ayokong malaman ng kahit sino dito kung ano o sino talaga ang ipinunta ko sa lugar na ito.
“ Soulmate? Tapos..”him” ang tinutukoy mo?”, tanong habang naka-smile.
Nako…lagot! Him pala ang sinabi ko kay mama. “ Pasensiya…mahina lang sa inglis. Tsaka bakit ka ba nakikialam ha!?! Joke ko lang yon kay mama, ehh kasi nasa seminaryo ako baka lalaki mahanap ko. Joke lang yon…understand?”
Tumango lang ito at umupo sa kama niya. “ Ba’t ka galit? Nagtatanong lang naman eh.”
Inisnaban ko nalang siya, kunwaring galit sa pakikinig niya sa usapan namin ni mama. Naupo na rin ako sa kama kung saan magkaharap kami.
“ By the way, ako pala si Tart”, pag-iiba ko sa topic namin. Inabot ko ang aking kamay habang dahang dahang nagsa-smile sa kanya.
Tinignan muna niya ang kamay ko at…” Prince, seguro alam mo na yon. Welcome pala dito Tart sa room natin. Pasensiya na pala kanina sa malamig kong pakitungo sa iyo.”, at nakipagkamayan sa akin. Ang lambot ng palad at mahahabang daliri niya, para akong sinindihan ng kung anong kuryente.
“ Buti naman at marunong ka palang humingi ng pasensiya.”, pabulong kong sabi habang nakatingin sa sahig. Di ko kasi siya matignan ng diretso sa mata. Naiilang talaga ako sa angking kagwapohan ni mokong. Tantsya ko ay magkasing taas lang kami, more or less 5’9 seguro.
“ Teka, ang daya mo naman ehh!”
“ Bakit naman ako madaya?” nako!!! Ang cute talaga niya lalo na nong pagkasabi niya nun, may pakunot sa noo at pa-pout pa ng nguso.
Syempre nagpacute narin ako noh, hehehe. “ Ang daya mo kaya…ehhh kasi….tinanong mo ako tungkol sa hinahanap ko dito. Ano kasi…meron din sana akong gustong itanong sa’yo. Kaya dapat sagutin mo rin ako! Sinagot ko kaya yong tanong mo. PLeaseeeee???” sabay pikit sa mga mata ko, hehe.
“ Depende”, nako hihimatayin yata ako sa tuwing sasagot siya kasi ang cute talaga ng mga mata niyang chinito at ang lips niyang may padabog effect sa pagkakasabi.
“ Nako! Walang depende depende noh! You should be fair.”, sagot ko naman na kunwaring di patatalo sa kanya.
“ Ok I’ll try, ano ba yon?”.
“ Kanina kasi yong nagmokmok ka, sabi nina Jinx sa’yo, hindi lang ikaw ang nawalan ng kaibigan pati rin sila. Yong bago ka lumabas kanina may nabanggit ako sayo tungkol sa kamatayan yong sabi mo humilik ako ng malakas, pero di mo rin sinagot at minabuting lumabas nalang. Ano kasi…di naman sa pagiging chismoso pero, sana maintindihan mong bahagi na rin ako dito. Gustohin mo man o hindi, tayo rin ang matagal na magsasama dito, kaya mas maigi kung naiintindihan ko ang mga pangyayari dito tol.”
Nag-unat lang si Prince ng katawan at humiga sa kama niya. Pinagtiklop niya ang dalawang kamay at ginawang unan. Akala ko’y dideadmahin na naman niya ako pero bigla itong nagsalita.
“ Mahirap mawalan ng kaibigan tol, mas lalong mahirap kong alam mong ikaw ang naging dahilan ng pagkawala niya. Sa bawat sandaling gusto mong tumawa, mas pipiliin mo nalang na manahimik. Dahil bawat ngiti mo, alam mong wala kang karapatang gawin ‘yon dahil may nasaktan kang mga tao. Kahit anong sabihin nilang lilipas din to, alam kong habambuhay ko itong pagsisisihan.”, malungkot na pahayag ni Price habang nakatingin sa kesami.
“ Nasaan na yong kaibigan mo?”, mahina kong tanong sa kanya.
“ Patay na, last month nung kakasimula lang ng vacation nag-anyaya ako sa buong tropa na magbakasyon sa resort namin, free lahat mapaaccomodation at food. Ayon, nagpunta kaming lahat don. Ang inasahan naming masayang bakasyon, nauwi sa trahedya. Habang naliligo kaming lahat sa dagat, di namin napansin na pinupulikat na pala ang isa sa amin, si Ken. Nalunod siya at after 3 days pa nang natagpuan sa dalampasigan ang naaagnas niyang bangkay. Kung hindi ako nagyaya sa kanila, seguro hanggang ngayon ehh buhay pa si Ken.”, malungkot na kwento nito.
“ Tol, may mga pangyayaring ginugusto natin at meron ding hindi natin gusto pero pilit nangyayari. Hindi natin hawak ang buhay ng bawat isa. Sabihin nating ikaw ang nagyaya, pero di mo naman hawak ang pag-iisip niya kung dapat ba siyang sumama o hindi. Ang ginawa mo lang ay nagbigay ka sa kanila ng paanyaya. Ang nakatakdang mangyayari tol ay nakatakda na, di nga lang alam natin kung kailan. Kaya wag mo nang sisihin yang sarili mo. Ok?”
“ Salamat tol… kahit papano pinagaan mo ang kalooban ko”, mahinang tugon nito habang ibinaling ang mukha papunta sa akin.
“ Ahh nako! Ehehehe…wla ‘yon, sanay naman akong nagbibigay ng payo”, pahumble effect ko namang sagot sa kanya.
“ Sa tingin ko tol, sobrang close kayo ng Kent na yon ano?”, pa-smile pa ako habang sinasabi yon.
“ Oo naman, sino’ng hindi magiging close ehh araw-araw kaming nagsasama dito sa room nato”
Bigla akong natigilan, “ Ano?! Tama ba yong narinig ko? Nako! Nako! nako! Nabibingi na nga talaga ako!”, sinampalsampal ko pa ang pagmumukha ko. “ Hahahaha kaw talaga, joker ka pala ano”.
“ Hindi….”, sagot naman nito. “ Totoo naman yong sinabi ko ehh, close nga kami ni Kent dahil kami ang dating magka-room mate dito.”, nagsmile pa ang gago.
Parang tumindig halos lahat ng balahibo ko sa katawan ng narinig ko ‘yon. “ Nako, wag ka ngang ganyan tol, hindi nakakatawa ang joke mo, kinikilabutan ako sa sinasabi mo…huhuh”, hindi na maiguhit ang expression ng mukha ko.
“ Di nga… ano naman ang dahilan ko para magsinungaling?”, bumangon ito at umupo sa kama para magkatapat kami.
“ So ibig mong sabihin… itong kama ko……. Ay………ang dating kama…. Ni…….. Kent??????”, napalunok ako.
Ngumiti ito ng napakatamis na nagpa-chinito ng kanyang mga mata,” Parang ganun na nga”.
“ Nyay!”, bigla akong napalipat dun sa kama ni Prince at tinabihan ko siya. “ hoooyyyyy ba’t di mo sinabi sa akin agad??? Ako pa naman mag-isa dito kanina, pano kung nagpakita sa akin si Kent? Mamamatay talaga ako dito!!!”
Bigla siyang humarap sa akin at tinitigan ako sa mata, “ Ganyan ka pa talaga katatakutin? Kalaki-laki mong tao tapos ganyan ka kung mag-react?!”
Hindi ko napigilan at hinawakan ko ang kanyang mga balikat at niyugyog, “ Hindi mo kasi alam na may phobia ko sa mga patay!”
Gumanti naman ito ng paghawak pero ang mukha ko naman ang hinawakan niya at bigla niyang hinila ang mukha ko papunta sa kanya, “ Idiii, conquer your fear!”.
Bigla ko siyang itinulak at tumayo agad, “ May proseso at hindi pabigla-bigla ang paglaban sa kinatatakutan for your information!”.
“ Hahahahaha!!!! Hahahahaha!!!! Hahahahahaha!!!!”, abay tinawanan lang ako ng malakas.
“ Bakit?!”, galit kong sigaw sa kanya.
“ Kung makaasta ka kasi parang babae”, yumuko ito pagkatapos at pinigilan ang pagtawa.
“ So anong ibig mong sabihin ha?! Baka gusto mo ng suntukan!”, pagmamayabang ko naman habang itinataas ang manggas ng aking tshirt papunta sa balikat.
Madali naman nitong inikis (X) ang dalawang braso, “ Tigilan mo yan tol, joke lang naman ehhh.”
Muli kong ibinalik at inayos ang mga manggas ko. Ibinaba naman nito agad ang mga brasong nakaharang sa mukha.
“ Joke lang naman yon ehh, sige na matulog na tayo at maaga pa tayong gigising bukas”, humiga na ito sa kanyang kama.
“ Matulog kang mag-isa!!! Basta!!! Ayokong matulog sa kamang yan!”, sabay turo sa kama.
“ Eh san ka matutulog?”, tanong naman nito.
“ Kahit saan basta hindi diyan, baka saniban pa ako ng kaibigan mo. Nako! Kinikilabutan na naman ako.”, hinimas-himas ko ang aking mga braso.
“ Don’t tell me, tatabi ka sa akin?!”, sagot naman nito agad.
===============================================================
CHAPTER 4: “ Boxer”
“ Sinabi ko ba yon?! Basta! A—yo—kong matulog diyan! Period!”, sabay lakad ng mabilis palabas ng pintuan.
“ Hoy! San ka pupunta???!!!”, yon nalang ang narinig ko mula kay Prince.
Nagising nalang ako nung may nagsasalita malapit sa tenga ko at niyuyugyog ang likuran ko.
“ HOyyyyy Tarttttt…gising! Pssst! Hoyyy ano bah! Gising nahhhh!!! May marami pa tayong gagawin sa labas…magdadasal pa tayo”, boses iyon ni Prince.
Pagmulat ko ay di pa naman tirik ang araw. Bigla kong naalala, nasa seminaryo na pala ako ngayon, dapat gumising ng maaga. Lahat ng gagawin ay nakaayon sa schedule,, hayyyyyyyy inaantok parin ako.
“ Buti naman at gising kana”, dugtong naman ni Prince. “ Ang tigas talaga ang ulo mo! Bakit dyan ka sa study table natulog? Humanda ka mamaya at magkaka-stiff neck ka niyan. Sabi ko sayo kagabi sa kama ka na matulog.”
“ Ano bah! Daig mo pa mama ko kung makatalak sa umaga”, habang kinukuskos ko ang aking mga mata.
Nung malinaw na ang paningin ko ay tumambad sa aking harapan si Prince na nakatayo sa aking harapan na naka-boxers lang. Di ako nakapagsalita dahil sa kakisigan niya. Hindi ko inasahan na ganun pala ka pormado ang katawan niya. Ang matigas niyang dibdib at ang mukhang proud na proud na mga nipples niya na pinkish ang kulay.
Flat na flat naman ang tyan niya na mas madedevelop kung magigi-gym siya at magkakaroon talaga ng six pack. Sa ibaba naman ng kanyang pusod ay ang mabalahibong pusa na sa tingin ko ay papuntang ibaba. Checkered black and red naman ang kulay ng kanyang boxer shorts kung saan mahahalata talaga ang naka-umbok nito. Tila binuhusan ako ng tubig nang…
“ Hoy! Kanina ka pa nakatitig sa katawan ko! Bakit? Anong problema?”, natanong niyang bigla.
Nataranta naman ako kaya, “ Ano kasi…ano…may nakita ako…”
“ Anong nakita mo?”, pagtataka niya.
“ Nakita ko? Ano…ahh..kaluluwa….”, yon nalang kasi ang pumasok sa utak ko.
“ Kaluluwa?..ah…hahaha nakita mo ang kaluluwa ko dahil nakahubad ako..”, pangiti ngiting sagot nito.
Sumimangot akong bigla, “ Kagabi ka pa! pinagmumukha mo akong bakla! Ibig kong sabihin…kaluluwa…kaluluwa ni….Kent!”.
Bigla nitong tinakpan ang katawan gamit ang kamay at braso. “ Tart..wag kang magbiro ng ganyan!”
Bigla na naman umiral ang pagkamaloko ko kaya sabi ko, “ Kaya nga ako matatakutin sa multo kasi may 3rd eye ako.”
“ Maiwan na nga kita dyan! Kung anu-ano na yang pumapasok sa kukurti mo!”, kinuha nito ang nakalapag na tuwalya sa kama. “ Mauna na ako sa banyo, maligo ka na rin pagkatapos ko”, at pumasok na ito sa banyo.
“ hahaha..hahaha…galing ko talagang sumegue, buti nalang naisip ko agad yon kung hindi…nako! Lagot! Magkakabukingan na….crush ko siya?”, napahinto nalang ako bigla. “ Ano??? Crush ko si Prince? Hindi hindi hindi..abnormal na naman ako nito kung nag ka gayon. Dapat siya ang sisisihin ko kasi ang gwapo niya talaga….” Sabi ko yon habang pinipisil-pisil ang pisngi at nakabungisngis.
Mayamaya’y lumabas na si Prince mula sa cr na nakatapis lang ng kanyang tuwalya. Di ko talaga maiwasang humanga sa angking katawan at kagwapohan niya lalo na’t basa pa ito.
“ Sige, pumasok ka na sa cr.”, utos nito habang papunta sa cabinet niya.
“ Yes sir!”, padabog kong sabi.
Papikit-pikit akong pumasok sa cr dahil nga inaantok pa ako. Pilit kong kinakapa ang switch kasi madilim pa sa loob. On. Naghikab ako ng malakas na nakatingala ng biglang may naka-agaw ng aking pansin.
Ang boxers ni Prince.
Nakasampay ang kakahubad lang na boxers ni Prince sa bar/tubo kung saan ginagawang sabitan ito. Na-excite ako bigla at umaagik-ik ng mahina. Kanina ehh, pinagpantasyahan ko lang, pero ngayon ay mahahawakan ko na. hehehe. Dahan dahan kong inabot ito at hinila. Hinawakan ko ang bawat dulo ng garter at tiningnan sa malayuan. Napangiti na naman ako sa tuwa. Dahan dahan ko itong nilapit sa mukha ko at inamoy ang harapan.
“Ehehehehe…ang cute naman nito.” Amoy lalaki talaga. Di ko mailalarawan basta astig ang amoy! Binaliktad ko ito para amuyin ang likuran, ganun din nakakainit ang amoy nito. Pangiti ngiti ko itong inamoy habang nakapikit.
Nang Biglang bumukas ang pintuan at natamaan ako ng bahagya.
“ Ay butiki! Ba’t bigla ka nalang pumasok?! Di ka ba tinuruang kumatok?!”, bigla kong nasambit kay Prince na ngayo’y nakadamit na.
“ Ahh sorry, nakalimutan ko, pasensiya na tol.”
“ Bakit ba kasi? Anong pakay mo?”, mataas pa rin boses ko.
“ Easy ka lang tol, naiwan ko kasi ang boxers ko sa loob. Yan nga oh”, sabay turo nito sa akin.” Hawak mo at inaamoy-amoy pa”.
Ngek! Patay! Nakita pala ako ng gago habang inaamoy ko ang boxers niya. Pano na to? Lagot…
“ Anong inaamoy amoy ka dyan! Bakit ko naman aamuyin tong boxers mo? Oh ayan!”, hinagis ko sa mukha niya.
“ Inamoy ko lang yan kasi…kanina pa ako nagtataka kung anong amoy patay daga dito sa loob ng cr! My goooddd…Ang bantot talaga ng amoy! Kaya hinanap ko kung saan naggaling. Eh nakita ko yang boxers mo, ayon nga…I found out na yan apala ang amoy patay na daga!”, sabay turo sa boxers na hawak hawak na niya.
“ Anong amoy daga?! Bawiin mo yong sinabi mo!”
“ Bakit ko babawiin eh totoo naman! Alis!”, sabay sara ng pinto. Dali-dali akong lumapit sa pinto para makinig kung ano mang isasagot ni Prince sa akin.
“ Amoy daga daw ang boxers ko…maamoy nga…hmmmmm…di naman ahh…mabango pa nga ehhh..”, narinig kong pabulong na sabi ni Prince. Natawa nalang ako.
“ Hoy! Hindi mabaho ang boxers ko no!”, bigla nalang sigaw nito.
“ Mabahooooo!!!!!!!!”, sagot ko naman habang nakangisi
First day iyon ng klase kaya most of the teachers ay hindi pa nakipagmeet sa amin. Di naman nakapanghihinayang dahil 1 block away lang naman ang university sa seminaryong pinapasukan ko. Tahimik lang ako, kung minsan ay nakikipagkilala rin sa bago kong kaklase. Nakakapanibago kasi hindi ang sophomores ang nakakasama ko, contrary kung nasa dorm/seminaryo ako na sila ang laging nakakasalamuha ko. Philosophy ang korso ko.
0000000000000000000
“Gabi na, ba’t ngayon ka lang? Di ka na naman nakaattend ng angelus. Sabi ni Father Guy kanina pumunta ka raw sa office ni Father Joey- isa sa mga coordinator dito, kakausapin ka lang.”, kakadating ko lang sa room, yon na agad ang binungad sa akin ni Prince habang may binabasa ito sa study table ko.
Di ako sumagot, sa halip ay lumapit ako sa kanya at nilapag ang isang plastic sa mesa at naglakad agad patungo sa aking cabinet para magbihis.
“ Ano to?”, binuksan niya ang plastic. “ Wow! French fries! My favorite! Ba’t mo alam tol na paborito ko to? Wow thank you!”, mababakas ang tuwa sa kanyang pagkasabi at dali-daling nagsubo ng fries sa kanyang bibig.
“ Wala, dinalhan lang kita, favorite ko rin yan kasi. Kung sa gayon ay compatible pala tayo”, pabulong kong sabi habang nagpapalit ng shorts at sando. Hindi naman ako naiilang dahil natatakpan ako sa pintuan ng cabinet.
“ Ammm—nong—mmm sabbbbb-biiii mmmmooo?”, tanong nito habang punong-puno ang bibig.
“ Wala! Sabi ko umalis ka na dyan sa study table ko ba’t ba kasi nandyan ka eh may study table ka naman.”, pagbabawi ko naman agad.
Sarap na sarap parin ito sa kanyang kinakain. “ Sira kasi yong lamp shade ko kaya nakigamit muna ako sa’yo. Bakit? Ano bang gagawin mo dito sa study table mo? Don’t tell me may assignment na kayo agad, ehh kasisimula pa lang ng pasukan.”
“ Eh sira ka pala eh! Nakalimutan mo bang dyan ako matutulog?”, sagot ko habang isinisira ang cabinet.
Bigla itong nabulunan. “ hoobbbb hoo! Hoo!”. Lumunok muna ito bago nagsalita. “ Ano??!!! Eh ikaw pala tong sira ehh!!! Kala ko ba kagabi mo lang yon gagawin, di mo naman sinabi na kakareren mo pala ang pagtulog dito ( study table).”
Naglakad ako patungo sa kanya. “ Hindi ko kayang matulog dyan!”, sabay turo sa kama. “ Knowing na kakamatay lang ng may ari dyan! Kinikilabutan na nga ako ehh. Kung gusto mo, ehh ikaw nalang ang matulog dyan! Palit nalang tayo…Tama! Palit nalang tayo pleasseeeee???”, sabay ngiti sa kanya.
Ngumiti rin ito ng pagkatamis-tamis. “ HINDI!!!”, pasigaw na sagot nito.
“ O tignan mo na, pati nga rin ikaw ay natatakot knowing na kaibigan mo yon, how much more na ako? Hindi kami magkakilala noh! Kaya…alis! Alis! Na dyan!”, tinutulak ko yong likuran niya para umalis sa upuan.
“ Hindi rin ako matutulog ‘pag di ka matutulog dyan sa kamang yan!”, pagmamatigas nito.
Ting! May maganda akong plano, sana ay kumagat ito.
“ Nako, huwag mong idamay ang sarili mo. Perooooo…may naisip akong paraan, yon ay kung papayag ka.”, sabay smile.
Tumingala ito sa akin. “ Ano naman yan? Baka kalokohan na naman yan.”
“ Tatabi nalang ako sa’yo”, at exaggerated ang pagkangiti ko sa kanya.
Hindi ito nakapagsalita agad, aba! Mukhang pinag-iisipan ang isasagot. “ Natatakot ka ba talaga?”
“ Ano bang akala mo sa akin? Nagdadrama? Pahihirapan ko ba ang aking sarili kagabi na matulog dyan sa mesa kung nagdadrama lang ako na natatakot?!”
“ Ehh maliit yang kama ko ehh, baka di tayo magkasya…”, sagot naman nito habang kinakaykay ang lalagyan ng French fries.
“ Tatagilid nalang ako, basta… Tutulong ka nga lang, ang dami mo pang kondisyon! Wag na lang! Baka napipilitan ka lang”, pangungunsensiya ko sa kanya.
“ Oo na! Oo na! tabi na tayo, basta wag kang malikot at humilik ha!”, kinindatan pa ako.
Gusto kong magwala sa saya! Na-eexcite ako!!!!!!! Wowwwwwwwww!!!!! Si Prince na super gwapo ay matatabi ko sa kama. Kakakilig naman!!! Pero di ko pinapahalata sa kanya na natutuwa ako sa pagpayag niya . Pinipigilan ko ang aking pagtawa.
“ Salamat………… dyan ka muna!”, dali-dali akong tumakbo papasok ng cr. Binuksan ko ang gripo para mag-ingay ang tubig. Nagtatalon ako sa saya!!!
“ Hahahaha!!! Ang saya nito! Wow!!! Amazingggg!!!! Galing ko talaga!!!! Hahahahaha!!!!”
Tok tok tok. “ Tart? Ok ka lang ba dyan?”, pagtataka ni Prince.
“ Oo ok lang ako!!!”, sabay agik-ik ng mahina. Hehehehe…
[
Next Thread |
Previous Thread |
Next Message |
Previous Message
]
| |