VoyForums
[ Show ]
Support VoyForums
[ Shrink ]
VoyForums Announcement: Programming and providing support for this service has been a labor of love since 1997. We are one of the few services online who values our users' privacy, and have never sold your information. We have even fought hard to defend your privacy in legal cases; however, we've done it with almost no financial support -- paying out of pocket to continue providing the service. Due to the issues imposed on us by advertisers, we also stopped hosting most ads on the forums many years ago. We hope you appreciate our efforts.

Show your support by donating any amount. (Note: We are still technically a for-profit company, so your contribution is not tax-deductible.) PayPal Acct: Feedback:

Donate to VoyForums (PayPal):

Login ] [ Contact Forum Admin ] [ Main index ] [ Search | Check update time ]
Subject: Chapters 5-8


Author:
No name
[ Next Thread | Previous Thread | Next Message | Previous Message ]
Date Posted: 13:58:50 06/07/08 Sat

CHAPTER 5: “ One Touch”



“Humiga ka nalang rito pagkatapos mo diyan”, paanyaya ni Prince pagkatapos kung maghilimos at maglinis ng katawan. Nakatayo ako sa harap ng aking cabinet, habang siya naman ay nakahiga na sa kama at nakabalot ang katawan ng kanyang kumot.

“ Opo, salamat pala at tumupad ka sa usapan. Aayusin ko muna tong mga gamit ko”, pagmamatagal ko dahil kinakabahan akong tumabi sa kanya.

“ Ito na nga eh ang napapala sa kagaguhan ko, papropose-propose pa ako ng ganun tapos kakabahan pala ako! Sira ko talaga! Ba’t ba ang tagal matulog ng mukong na yan! Para naman wala nang rason para makapag-usap pa kami na magkatabi sa iisang kama!”, pagdadabog ko sa aking sarili habang tinatapik-tapik ang mukha.

“ Anong binubulong-bulong mo diyan?”, pagtataka nito habang nakahiga parin sa kama.

“ Wala! Sabi ko…….. ang kalat ko talaga…oo yon nga”, pagtatakip ko naman agad. “ Ano? Ready na ba talaga akong makatabi siya? Grrrr…I hate myself! Bakit nag-iinit tong katawan ko…huhuh…baka mapansin niya…nako! Lagot! Bhala na! ok…go for the gold na ito… break my leg! Hehhe 1…2….3…go!.”, at isinara ko na ang cabinet at naglakad papunta sa kama. Nanlamig talaga ang mga paa ko.

Naupo muna ako sa kabilang gilid ng kama para –irelax ang sarili dahil nangangatog talaga ang dalawang tuhod ko. My god! Ano ba to? Karma na ba ito sa kalokohan ko? Ba’t ganito nalang ako kung manginig dahil kay Prince? Ano ba tong nararamdaman ko para sa kanya? Hwag niyo naman sanang hayaan akong maging abnormal ng tuluyan. As in…forever? Nako! Diyos ko! Hwag naman po sana! Hindi ko carry yon.

“ Hoy!”, biglang sambit ni Prince. “ Okay ka lang ba Tol? Mukhang nininerbyos ka yata…at may pabulong-bulong ka pa dyan. I’ve notice napapadalas yang pagbulong mo sa iyong sarili ha.”, sabi nito habang nakahiga parin sa kama at nakabalot-kumot hanggang leeg.

“ SShhhhhh!!!!”, ang unang isinagot ko sa kanya. “ Shhhhhh ano ba?! Nagdadasal tong tao tapos dinidisturbo mo!”, mabuti nalang at naka-isip agad ako ng alibi habang nakapikit yong mga mata ko na mukha naman talagang nagdarasal.

“ Ahhh sorry po…kala ko kasi kung na paano ka na”, sabi naman nito habang gumagalaw sa kama, kaya napamulat nalang ako.

Sumalubong sa dalawa kong mata ang pagtanggal ni Prince sa kumot na nakatakip sa kanyang katawan at tumayo ito sa gilid ng kama. Sosmaryosep! Nakabrief lang pala ang mokong! Kulay puti. Mas lalong nanigas ang buong katawan ko pati na ang alaga ko sa aking nakita. Di ko mapigilang ipaypay ang sarili kong kamay para i-relax ang naninigas kong muscles sa katawan. Napalunok nalang ako nang aking nasulyapan ang bukol sa kanyang harapan. Sa tingin ko ay hindi naka-upward straight position ang etits niya kung hindi ay naka slanting ito pakanan. So this means na mahaba seguro ang itinatatago nito dahil kailangan pang i-slant ang position para lang magkasya sa brief niya. Ilang segundo ko lang yon nasulyapan pero parang may high-tech gadget tong mga mata ko at napansin ko agad yon.

Parang nagising akong bigla nang magsalita ito. “ Mahiga ka na tol, pupunta lang ako ng banyo na-wi-wi-wis lang ako.”, sabay nakakalukong ngiti nito na mas lalong nakadagdag ng sex appeal niya.

“ Kailangan ba talagang magpaalam na mag-wi-wi-wiz siya? Anong paki ko?”, pagtataray kong sabi sa aking sarili, pero parang may ibang Tart na lumabas sa katawan ko at biglang nagsalita. “ May pakialam ka dahil na-i-“L” ka kay Prince noh? Samahan mo kaya siya sa c.r. at nang ikaw ang magpapa-ihi sa kanya. Or gawan kaya natin ng hand accident si Prince para pagnakabenda ang dalawa niyang kamay, idiiiiiii ikaw yong hahawak sa totifruti niya everytime iihi siya….hehe di ba ok yon myself-Tart?”

Toink! Para na talaga akong nasisiraan, kung anu-ano nang nakikita at naririnig ko! Pag-nabaliw ako dito, walang ibang sisisihin kundi si Prince.

Sinampal ko ang aking sarili! “ Behave…behave…behave Tart. “Relak” ( Relax) ka lang at wag “ma-ten” (tense). Ok?”, ipinaypay ko na naman uli ang kamay ko. “ whoooohh!! Hayyyyyyyyyyy”. Bigla kong narinig ang pagpihit ng doorknob. Ibig sabihin ay papalabas na ng banyo si Prince!!!!!!

Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Bigla akong muhiga sa kama at nagkunwaring tulog na. Nakatagilid ako patalikod sa pwesto ni Prince. Si prince sa side ng window, at ako naman ay nakatagilid paharap sa isang kama.

Pilit kong pinipikit ang aking mga mata habang naririnig ko ang yabag ni Prince na papalapit sa akin o sa aming kama.

“ Tart! Tarrrrrrrrrrrtttttttttttttttt gising ka pa ba? Helllooooooooowwwww… Ang dali naman makatulog ng taong to! Tart!”. Pakiramdam ko ay nakatayo na nga siya sa harapan ko. So…kung sakaling didilat ako???? My god!!!!! Ang bukol niya ang bubulaga sa akin!!!! Mas lalong nataranta ako! Di ko alam kung ipagpapatuloy ko ang aking tulog-tulogan o magising kunwari pero ang bukol naman agad ang makikita ko. Pa’no kung di ako makapagpigil at madakma ko yon! Lagot! Baka magkaeskandalo pa sa seminaryo!

Narinig kong umalis na ito sa harapan ko at nag-U-turn patungo sa kabilang side ng kama, sa side na hihigaan niya. Naramdaman kong umupo siya sa kama at sinuntok ng mahina ang balakang ko.

“ Hoy Tart! Tol! Itatanong ko lang sana sa’yo kung pwede ko na bang patayin ang ilaw?”

Di pa rin ako sumagot. Sa halip ay nag-hilik-hilikan nalang ako. “ahhhhhgggggg…kkkkkkkkkkk…ahhhhhgggg…kkkkkk!!!!!”.

Akala ko sa taktikang iyon ay titigil na siya pero mas nakasama pa! Hinawakan niya ang aking likuran at niyuyugyog! “ Tart!!! Tart!!! Gising!!! Tart!!!!”, sabay tulak sa akin at…

“ Aray!!!!”, nahulog ako sa kama. Dali-dali akong tumayo mula sa pagkadapa sa sahig. “Ano bah!!!”, sigaw ko kay Prince. “ Ba’t mo ba ako itinulak?! Ang sakit kaya!”

“ I’m sorry….ikaw kasi ehh… ayaw magising.”, paliwanag nito habang naka-upo sa kabilang side ng kama at naka-brief parin.

“ Sinabi mo nalang sana na ayaw mo akong makatabi sa kama mo! Don’t worry dyan na ako sa study table matutulog!”, sabi ko habang nag-Uu-turn narin sa kama para pupunta sana sa study table nang biglang tumayo si Prince sa kama.

“ Hoyyyy!!! Hindi nman yon ang ibig kong sabihin ehh…halika nahh…”. Bigla niyang hinila ang magbilang balikat ko kaya nag-krus bigla ang aking mga binti dahilan para ma-out balance ako patungo kay Prince na noon ay nakatayo pa rin sa kama. Dahil made of foam ay madali ring na-out of balance si Prince sa kama at ako naman ay napasubsob sa pinakaaasam ko…ang bukol sa harapan ni Prince.

Doon talaga sumubsob ang ilong at bibig ko sa pinakabukol niya. Nanlaki ang mga mata ko sa sobrang magkahalong kaba, saya, gulat at nerbyos! Ang lakas ng tibok ng dibdib ko, parang hindi na ako makahinga. Sa bilis ng aking paghinga ay naaamoy ko ang mala-ulam na bukol ni Prince sa aking harapan.

Mabango iyon sa pinaghalong natural na amoy at sabon na gamit niya. Parang hindi na ako makagalaw, nakapinid nalang ang paningin ko sa pusod at sobrang nakakalibog na abs ni Prince, habang ang ilong ko naman ay ayaw paawat sa pangsinghot at ang aking bibig ay tila nakabuka para kagat-kagatin iyon.

Nagtataka ako dahil hindi rin kumibo si Prince. Ano ba ang big sabihin nito? Nagugustuhan kaya niya ang kapwa posisyon naming dalawa? Gusto kong sitahin niya ako para may rason akong ayaw galawin ang pagmamay-ari niya. Pero hindi parin siya kumibo, ni nagsalita. Ako naman ay panay agaw ang paghinga dahil sa sobrang kaba. Gustuhin ko mang kumawala sa posisyon naming iyon ay pilit namang pinipigilan ng libog ko.

“ Go Tart! Ito na ang inaasam-asam mong pagkakataon, grab the opportunity!”, sigaw ng demonyo kong pag-iisip.

“ Tart, nandito kayo sa seminaryo..alalahanin mong maging moral at respetuhin mo ang bahay ng panginoon.” Bulong naman ng konsinsiya ko.

Naputol ang pagtatalo ng isip ko nang biglang tumunog ang speaker sa bawat hallway.

“ It’s already 10 o’clock in the evening. You may turn off the lights ang go to sleep after we pray. In the name of the father…………”, yon nalang ang narinig ko. First day pala ngayon kaya ginamit na ng seminary ang speaker bilang pampagising, pampatulog at paglalahad ng anumang announcement para sa mga seminarian nito. Para talaga kaming nasa military school at sunod-sunoran sa mga utos nila.

Dahil don ay tila naalimpungatan ako at natamaan sa nasabing Panalangin na naririnig at lumalabas sa pandinig ko. Hindi ko kayang gumawa ng kalibugan habang ang mga kasamahan namin ay nagdarasal sa kani-kanilang kwarto. Malaking kabastusan iyon sa ngalan ng Panginoon.

Bitin man pero inisip ko nalang na nakaiwas ako sa isang malaking kasalanan. Dahan-dahan akong tumayo gamit ang natitirang lakas ng aking magkabilang kamay at braso. Tumambad sa aking paningin habang ako’y nakatayo na, ang magandang katawan ni Prince na nakahiga at nakabukaka parin sa kama. Ang sarap pagmasdan ng kanyang malaman na mga hita, ang brief at ang malaking bukol, pataas sa pusod, flat na tyan, pinkish nipples, matigas na dibdib, leeg at ang fully ma-sex appeal na mukha. Pero tila may napansin ako. Nakatagilid ang ulo ni Prince habang nakasampa ito sa headboard ng kama.

Nako! Hindi kaya nauntog ang ulo ni Prince sa headboard ng kama kaya hindi man lang siya pumalag sa matagal na pagkadagan ko sa kanya? Hindi kaya??????.....my god! Hindi naman sana!!!!!



===============================================================
CHAPTER 6: “ I’ll Court U”

“ Prince???....Prince??? Prince!!!!!!!!!!!!”, sigaw ko sa kanya habang nakatayo pa rin sa paanan ng kama. Hindi ako nakatiis kaya tumakbo ako para tignan kung anong nangyari sa kanya. Nako! Totoo nga ang hinala ko…. nauntog nga siya! Dali-dali kong kinarga ang ulo niya at pinaunan sa hita ko. Pinapaypayan naman ng isang kamay ko ang mukha niya. Inayos ko ang magulong buhok niya na nakaharang sa gwapo niyang mukha.

“ Prince…Prince!!! Gumising ka na please….Ikaw kasi ehh…ba’t hinila mo pa ako…yan tuloy nauntog at nahimatay ka.”, pag-aalala kong sabi.

“ Dios ko! Ano bang gagawin ko? Wala pa ring malay si Prince. Hihingi kaya ako ng tulong sa labas???....Oo!!! tama yon!......pero????? hindi! Hindi! …Paano nalang kung magtanong sila kung bakit nangyari ito kay Prince? Sasabihin ko dahil nasubsob ako sa alaga niya?....Ohhhhhhhhhh paano na to? At isa pa! Magtataka sila kung bakit naka brief lang ang mokong na to! Baka anong isipin nila!!! ERrrrrrrr…. Baka mapalayas pa ako dito ng wala sa oras.” Kinakausap ko ang aking sarili habang pinapaypayan parin si Prince.

“ Hindi ito ang tamang panahon para mapaalis ako dito. Hindi ko pa nagagawa ang totoong pakay ko dito sa loob. Pasensiya na Prince kung hindi ako makakahingi ng tulong sa ngayon…..”

Hindi ko pala namalayan na nakatulog din ako habang pinapaypayan si Prince.

“ Tarrrrrrrrrrttttttttttttttttt…..Tarrrrrrrrrrtttttttttttttttt”, dahan dahan kong inimulat ang mga mata ko. Akala ko ay nananaginip lang ako, kaya muli akong pumikit.

“ Tarrrrrttttttttttttttttttttttt”, naririnig ko na naman ang tawag sa pangalan ko. Bigla nalang akong may naramdaman na nakaihip na hangin sa aking ilong at mata. Kaya bigla akong naalimpungatan.

“ Hayyy salamat at nagising ka rin.”, yon ang bungad sa akin ni Prince nang kami ay nagtitigan. Hindi pa rin ako nagsalita, ganon kasi ako kapag bagong gising.

“ Bro, pwede ba akong tumayo muna kasi….naiinitan ako. Ito nga ehh pinagpapawisan tayo.”, totoo nga dahil nakikita ko ang pawis sa noo niya.

Sa halip, na-imbyerna ako sa sinabi niya sa akin. “ Ano bang pakilaam ko kung gusto mong tumayo?! Idiii tumayo ka at punasan mo yang pawis mo! Kailangan pa ba yang ipaalam sa akin????”

“ Opo, kailangan…..kasi…hindi po ako makatayo dahil napakahigpit ng yakap mo sa akin”, sabay smile.

Nyayyy!!! Patay!!! Nakayakap pala ako kay Prince! Bigla akong natauhan at pinalaya si Prince mula sa mga braso ko.

Umupo naman ito agad sa kama at isinandal ang likuran sa headboard. Gumaya na rin ako at umupo sa tabi niya.

“ Pasensiya ka na, akala ko kasi unan…hehehe”, tumawa nalang ako ng mahina habang nakayuko na tila nahihiya sa nagawa ko sa kanya. “ Pasensiya ka na rin kanina sa nangyari, nahimatay ka tuloy. Teka… May masakit ba sa ulo mo tol? Hali ka…”, hinila ko ulo niya at ini-inspection kung may bukol o bahid ng kung anong epekto sa pagkauntog niya kanina.

“ Aray dahan-dahan lang….Masakit lang ng kunti ang batok ko, pero magiging okay din to. Don’t worry….”, sabi nito habang nakayuko dahil tinignan ko pa rin ang ulo niya.

“ Isa pang pasensiya tol, dahil sa proposal kong tatabi sa’yo, nabulabog ko tuloy ang privacy mo sa kama.”, dugtong ko naman. Nasisiyahan man ako sa ideyang magkatabi kami pero nahihiya rin naman ako sa kanya. Kabago-bago ko pa lang sa room namin pero ang dami ko nang kalokohang ginagawa sa kanya.

“ Nako! Wag mo yong isipin tol…okay lang yon…”, aba’y inakbayan ba naman ako. Dahan dahan kong nilingon ang kamay niya na nasa balikat ko. “ Ikaw talaga, ang daming iniisip…don’t worry”, pinisil pa nito ang balikat ko at nang tumingin ako sa kanya ay kinindatan pa ako.

“ Bakit ganun ang mga gestures niya sa akin? Nahahalata kaya niya ang tunay kong pagkatao kaya ganun nalang kung makitungo siya sa akin? Bakit kung minsan ay inaasar niya ako na parang babae? O ganun lang talaga siya pati sa ibang tao dito? For almost 18 years of my existence, naging discreet ako. Pero bakit ngayong nasa seminaryo na ako, napapalibutan ng katulad kong kasarian, lalo na’t iisa lang ang palagi kong nakakasama sa room na ito, si Prince, ay hindi ko mapigilang maattract sa kanya. Oo discreet ako kung gumalaw, pero sa utak ko naman ay nagiging libugin at flirticious ako sa kanya. Wala kayang telepathy power ang mokong na’to o di kaya’y hindi ko namamalayan na iba na pala ang galaw ko kapag siya na ang kaharap ko?”, yon ang bagay bagay na gumugulo sa aking isipan.

Muli akong nagsalita sa kanya. “ Salamat bro, pero napag-isipan ko na’to, hindi nalang ako tatabi sa kama mo. I realized na isip bata pala yong pagkakatakutin ko sa kamang iyan”, sabay lingon sa kabilang kama na tinutukoy ko. “ Sige…doon na ako….”, sabay tayo paalis ng kama niya pero hinatak niya ang braso ko…

“ Halika ka muna…ang drama mo naman! Halika ka nga dito…upo! Upo!”, tinatapik-tapik niya ang kama tanda ng pagpapa-upo niya sa tabi niya. Umupo naman ako pabalik. Tinignan niya ang kanyang wrist watch.

“ Mag-aala-una na ng madaling araw. Kailangan pa nating magising before 5 o’clock in the morning. May proposal kasi ako uli sa’yo tol….yon ay kung papayag ka.”, tinignan niya ako sa mukha.

Napatingin din ako sa kanya. Kahit bali-baligtarin ang anggulo ng mukha niya, ang gwapo niya pa rin. Kahit seguro nakabitin ito ng patiwarik, hindi pa rin ako magsasawa sa mukha ng mokong na ito. Ang nakakatunaw na mga titig niya ay tila nagpapatunaw ng lakas ng katawan ko.

“ Anong proposal???”, mahina kong tugon sa kanya na tila kabaligtaran sa usual kong ugali na ma-hyper.

“ May 3 hours pa tayo para matulog. Ang proposal ko ay…gigising tayo mamaya ng alas-kwatro ng umaga. I dare you for 1 0n 1 basketball game!”, at itinaas pa ang kamao nito.

Bigla akong nabuhayan mula sa passive kong pakikitungo sa kanya. “ Ano?!!! Ano ka mo? 1 on 1 basketball?”, pasigaw kong sabi. “ Pataaayyyyy…” , mahina ko namang sabi.

“ Tumpak! At ito ang consequence after the game. If I ( Prince) will win the game, I will stay in this bed and…..you ( Tart) will use that bed”, sabay nguso sa kabilang kama.

Nyak! “ Patay nga toh…. Paano kung matatalo ako sa laro? Idi for the rest of my life akong manginginig sa takot sa kamang iyan! Imagine…hihiga ako sa kama ng kakamatay pa lamang! Owwwww----vvvvvvvverrrrrrrrrr my living and hunky body! Nakzzz…pero patay nga talaga kapag natalo ako ng mokong na’to.”, yon ang concern na bumabagabag sa kalooban ko.

“ Ahhhhh okay! Sure!!! Yon lang bah? Asos! Eassyyyy lang pala ehh, kala ko kung ano na…walang challenge naman yan Prince….”, wow at nagawa ko pang magmayabang.

“At ito ang sesti!”, pagpapatuloy ko. “ Kung ako (Tart) naman ang mananalo, I………will………own this bed of yours……and……..you will have a new bed. The bed of your former room mate, slash, best friend, slash???? Space bar! Question mark! Exclamatory point! Comma and Period! Kent! Ok?”, pagmamadali kong sabi.

“ Hep! Hep! Hep! Hindi ako sang-ayon don!”, objection naman nito. “ Bakit naman ako matutulog doon kung sakaling matatalo ako?”, pagmamatigas talaga nito.

Humirit naman ako agad. “ Hay nakkkkkkkk…..”, hindi ako nakatapos dahil tinakpan niya ang bibig ko sa palad niya.

“ Wait! Patapusin mo muna ako….Okay?”, tumango nalang ako. “ Kung sakaling ikaw (Tart) ang mananalo, hindi ako (Prince) lilipat sa kama ni Kent, sa halip….mananatili kang tatabi sa akin gabi-gabi. Okay ba yon?, sabay lapit ng mukha niya sa mukha ko.

Tinanggal ko naman agad ang kamay niya sa labi ko at muling nagsalita. “ Okay na sana ehh, pero paano naman kung ako ang matatalo, idiiiii dyan pa rin ang landing ko sa kama ni Kent?!”, sigaw ko sa kanya.

Nagkibit-balikat ang gago. “ Idiiiii wala ka nang magagawa don”, sabi nito habang may halong pang-aasar ang mukha na mas lalong nagpagwapo nito. “ On the 1st place, sino ba ang orig dito? Ako! Sino ba ang may-ari nitong kamang to? Ako pa rin. Sino ba ang new comer dito? Ikaw! Sino ba dapat ang gagamit sa kamang iyan? Idi Ikaw! Hahaha!!! Buti nga at binigyan pa kita ng choice ehhh… Kaya kahit saang korte pa natin dalhin ang kasong ito, mapa- trial court, provincial court oh supreme court…ako pa rin ang mananalo, kaya sa basketball court nalang tayo maghaharap ha?Kaya ang gawin mo, huwag kang patatalo sa akin tol…….”, sabay ngiti ng pagkatamis-tamis.

Aba! Hindi ako nakapagsalita don ha! Palaban din pala si mokong! Pero di ako patatalo sa kanya sa basketball court! Humanda siya! Aba’y hindi pala nito alam na ako ang tinitilian ng mga chicks sa hard court noong nasa highschool pa lang ako. Kung alam lang ng mga chicks na’yon na ang type ko pala ay ang mga ka-team mate ko, nako! Binato na seguro ako ng mga ‘yon!

Wala pa rin akong kibo sa sinabi ni Prince, nagkibit balikat nalang ako at sinabing, “Whatever”. Sabay slide ng katawan pahiga ng kama. Doon ako humarap sa may bintana, para hindi na makita ang katawan ni Prince na noon ay nakabrief pa rin, baka kasi maseduce na naman ako at baka ano na naman ang pumasok sa kukurti ko.





===============================================================


Chapter 7: “ My Desire”

Ang dilim ng kwarto nang ako’y maalimpungatan, alingasngas lang ng mga insekto sa labas ang aking naririnig. Ang init ng katawan ko na tila sinisilaban ng apoy. Panay ang patak ng aking pawis mula sa noo, ulo, leeg, at sa ibang parte ng aking katawan. Para akong nakakulong sa isang maliit na kahon. Gusto kong sumigaw pero hindi lumalabas ang boses ko kaya nataranta ako at panay kapa nalang ang ginagawa ng mga kamay ko. Pilit kong hinihila ang kobrekama gamit ang kanan kung kamay, samantala ang kaliwa naman ay naghahanap parin ng mahahawakan.

Ubos lakas kong hinataw ang aking kaliwang kamay hanggang may nahawakan ako. Isang matigas na bagay ang nadakma ng aking palad. Takang-taka ang utak ko kung anong bagay ang aking nahawakan. Gusto ko mang makipaglaban sa masamang pakiramdam ko pero na-iintriga ang utak ko sa sensasyon ng aking hinahawakan. Matigas na matigas na animo’y bakal na binalot ng tela. Kinapa ko pataas ang matigas na bagay at masasabi kong mahaba iyon. Hindi lang mahaba kung hindi mataba rin. Pinisil-pisil ko ang dulo nang ginapang ko ang aking mga daliri.

Tila mas lalong tumitigas at lumalaki pa ito! Habang pisil-pisil ko ang dulo ay nararamdaman ko ang pagwawala nito sa sariling hawla. Parang ibon na gustong lumaya at magpakasasa kung anong sarap ng mundo. Ako naman ay parang bayani sa tumulong para makalaya ang ibon mula sa kulungan nito. Nang inangat ko ang lagusan, sabik itong kumawala at nagpakitang gilas sa ere. Tila naabot nito ang bantayog ng tagumpay. Kung akala ng ibon na ito na isa akong bayani, nagkakamali siya dahil isa akong traydor! Isa akong mananakop na gusto siyang angkinin! Bihagin! At kainin!

Magkahalong emosyon ang nararamdaman ko sa pangyayaring iyon. Hirap akong huminga, wala akong naririnig, dilim ang aking nakikita, para akong naparalitiko na nawalan ng pang-amoy, pandinig at pananaw. Pero may alam akong aktibo at hindi manhid sa oras na iyon, ‘yon ay ang aking pandama at panlasa. Oo, alam na alam ko ang aking hinahawakan at gusto kong tikman. Yes! My sense of touch and taste were full of adrenalin that time. Bakit ganito ang nararamdaman ko? Hindi ko naiintindihan! May sarap at halong parusa! Pero pilit nangingibabaw ang sarap na aking inaasam-asam! Ang hawakan at tikman ang pagmamay-ari na nasa aking kamay ngayon.

Ngayon ay alam ko na kung anong bagay ang aking hinahawakan, hindi ko man malinaw kung anong nangyayari sa akin, pero may isang malinaw sa ngayon, hawak ko ang burat ni Prince. Oo ang pika-asam asam kong titi ni Prince ay hawak ko na sa ngayon.

Mahaba at mataba. Parang pinupulikat ang kamay ko habang hawak ko ang katawan ng burat ni Prince. Nararamdaman ng mga daliri ko ang maugat na katawan nito. Pinisil-pisil ko ito ng dahan-dahan papuntang itaas hanggang naabot ko ang baradong bahagi nito. Ang bumabara pala ng kamay ko ay ang gilid ng mala kaboteng ulo ng titi ni Prince. Inangat ko ang aking kamay at hinagilap muli ang ulo nito. Sabik na sabik akong hinawakan iyon! Magkahalong lambot at tigas ang aking nadarama. Makintab ang pinakaulo nito malapit sa butas pero sa bangdang ibaba naman ay nagkakaroon na ito ng kaunting gaspang.

“ Dug! Dug! Dug! Dug! Dug! Dug!”, nagkabuhay muli ang aking pandinig. Naririnig ko na ang sariling tibok ng aking puso. Mas lalo pa itong lumalakas habang tumatagal! Hindi ko naman mapigilang inumin ang aking sariling laway sa panay lunok ko. Parang nanunuyo ang aking lalamunan pero naglalaway naman ang aking bibig.

Pati ang tunog ng burat ni Prince ay tila naririnig ko na rin. “ Tik…Tak..Tik..Tak…Tik..Tak…”, yon ang bawat pintig ng titi ni Prince. May sarili itong buhay, may sariling lakas!


Tayong tayo ito at naiingganyo akong salsalin ito ng dahan-dahan. Taas, baba, taas, baba, naramdaman ko ang pagpintig ng mga ugat nito sa katawan. Naramdaman kong binukaka ni Prince ang kanyang dalawang hita, badya ito para hawakan ko na rin ang kanyang mga bayag. Dahan-dahan kong ibinaba ang bawat gilid ng garter ng kanyang brief. Pa-masahe kong tinahak ang katawan ng kanyang titi pababa sa kanyang mga bayag. Malambot at kaunti lang ang balahibo nito. Sarap paglaruan. Sarap ipasok sa bibig ko at nang mailabas-masok ko ito na parang naglalaro lang candy sa bibig.

Sa ngayon ay unti-unti na ring lumalakas ang aking pandinig. Naririnig ko ang impit na pag-ungol ni Prince na tila nasasarapan sa sensasyong dulot ng aking mga kamay sa kanyang titi at bayag. “ Ahmmmmm….uhh! uhh! Hhhhhhhhhh….”, para lang iyong hangin na lumalabas sa kanyang bibig at ilong, pero nararamdaman ko ang sarap na hiwatig nito.

Ewan, pero parang may hanging tumulak sa likuran ko at ako’y napa-upo agad sa kama, napayuko at inabot ang naghuhumindig na burat ni Prince. Hawak-hawak ko na ang katawan nito ng sinimulan kong dilaan ang kanyang pusod. Wala man akong nakikita, pero alam kong pusod niya iyon, nakakalibog ang machong butas nito, lalo na ang kanyang pormadong tyan. Nararamdaman ng aking dila ang mga mala-balahibong pusa sa ibaba ng kanyang pusod na parang gabay patungo sa pika-asam-asam kong pagmamay-ari ni Prince. Dahan-dahang tinahak ng dila ko ang nasabing balahibo at ako’y tila nabundol sa mala-pader na burat ni Prince. Sa haba nito ay dumampi agad ito sa aking ilong, na inamoy ko naman agad; habang ang dulo naman nito ay nasa pagitan ng aking mga mata.

Parang may sariling isip ang aking dila nang bigla nalang nitong dinilaan ang katawan ng burat ni Prince. “ Ahhhmmmmm….shiiiiiiiittttttt….ahhhhhhhhhhhh”, ang mga linyang di ko napigilang sambitin. Ibig sabihin n’un ay unti-unti nang bumabalik sa normal ang aking pakiramdam. Mula katawan hanggang ulo, walang mintis ang aking pagdila lalo na’t nararamdaman ko ang bahagyang paggalaw ng mga ugat nito at ang pagpintig ng kanyang titi. Nang maabot ko ang ulo nito, wala na akong sinayang na pagkakataon. Isinubo ko agad ang ulo! Noong una ay nararamdaman ko ang pagiging tuyo nito sa ilalalim ng aking bibig, ngunit nang lumaon ay naging madulas at mapaglaro na ito sa aking bibig. Sinipsip, dinilaan at Kinagat! Hindi ko talaga napigilang kagatin iyon dahil na rin seguro sa sobrang libog at sarap na nalalasahan ko! “Aaaargggggggggggggggg!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!”, ang boses ng lumalabas sa bibig ko habang kagat-kagat ko ang titi ni Prince.

“Arrrrrrrrrrrraaaaaaaaaayyyyyyyyyyyyyyy!!!!!!!!!!!!!!!!! Shit! Tarrrrrrrrrrtttttttttttttttttttt!!!!!!!!!!!!!! Bitiwan mo yan ano bah!!!!!!!!!!!!”, yon ang naririnig kong sigaw ni Prince pero hindi parin ako tumigil sa pagkagat!

“ Tartttttttttttt!!!!!!!!!! GISINGGGGGGGGGGGGGGGGGGG!!!!!”, bigla akong naalimpungatan! Namilog ang mga mata ko na hindi naiintindihan ang nangyayari sa paligid. Malabo pa ang paningin ko noong una, maputi na parang naduduling. Dahan-dahang nagkalinaw ito ng hinimas ng mga kamay ko.

Ang kesame ang una kong nakita, ibig sabihin ay nakahiga parin ako sa kama. Nasaan si Prince? Nilingon ko sa aking kaliwa, ayon! Si Prince nga! Hindi parin ako tumayo dahil nahihilo parin ako. Muli kong ipinikit ang aking mga mata at nagdilat muli. Si Prince, mukhang hindi maipinta ang mukha, mukha siyang nasasaktan. Napansin kong subo-subo niya ang kanyang…

“ Shit ka tol! Ang sakit ng hinlalaki ko!”, bigla akong nagulat sa sinabi niya. Hindi ko maalala kong anong dahilan kung bakit nasabi niya iyon sa akin. Salubong ang kanyang mga kilay at papikit-pikit ang mga mata senyales na ito’y may dinaramdam. Kahit sa ganong sitwasyon ay hindi ko parin maiwasang humanga sa angking kagwapohan nito na mas lalong nagpachinito sa mga mata niya.

“ Bakit mo kinagat ang hinlalaki ko?! Sira ka ba?! Buti nalang naagapan ko agad! Buti nalang nahila ko, kung hindi….putol na seguro toh. Tsk tsk, ano bang pumasok sa utak mo at kinagat mo ‘tong hinlalaki ko?!”, tanong nito at pagkatapos ay sinubo sa bibig niya ang kanyang hinlalaki para seguro maibsan ang kirot nito.

Hindi pa rin ako gumalaw o naupo man lang sa kama, nananatili pa rin akong nakahiga at naguguluhan sa pangyayari. Hindi man lang ako nakasagot dahil pilit kong inaalala ang huli kong ginawa.

“ Oh ngayon hindi ka makasagot…”, hirit uli nito. “ Seguro ay binangungot ka tol, kasi hindi mapakali ang pagmumukha mo nung nakita kita, umuungol ka pa nga ehhh. O di kaya’y……..alam ko na!!!!! Hahahahahaha!!!!hahahhahahaha!”, ang lakas ng tawa nito at lumapit sa aking tenga.

“ Seguro ay….nanaginip kang may kasex ano?! Owww…aminin!!!! Hahahahaha”, sabay tawa ng malakas. Aba’y! Nakakaloko ang gago, asarin ba naman ako.

“ Hindi noh! Bakit mo naman nasabi yan?!”, pagtatanggol ko sa aking sarili.

“ Ayan ang ebisensiya oh!”, sabay nguso paturo sa aking…..sa aking harapan.

Nyay!!!!! Nakatayo pala si Manoy ko! Halatang nakatayo ito dahil iyon lang ang maumbok sa kumot na nakabalot sa aking katawan. Dali-dali ko itong tinakpan gamit ang aking mga kamay. Naramdaman kong pinagpapawisan ako. Baka ano na ang iniisip ni Prince? Baka nabisto na niya ako! Baka may nabanggit ako habang nanaginip! Hindi ako mapakali. Umupo ako sa kama at nirerecall ang aking panaginip. Ayon!!!! Tama! Kaya pala kinagat ko ang hinlalaki ni Prince dahil kinagat ko ang ari niya sa aking panaginip. Patay…Lagot!

“ Ang hindi ko lang malinaw ay kung bakit hinlalaki ko pa ang kinagat mo tol!”, dagdag nito habang magkatabi kaming nakaupo sa kama.

“ Wala! Ano kasiiiiiiiiiii…..ahhh….ano…..nanaginip akong……may dumukot sa akin! Oo!! May dumukot sa akin…..kaya…..kinagat ko! Whoooohh!”, sabay buga ng hangin mula sa bibig. “ Tsaka yong nakita mo Tol! Ano yon…. Normal naman yon sa ating mga lalaki diba? Diba ganun naman talaga yon basta umaga?! Wag kang magmalinis dahil nangyayari rin yon sa’yo!”, pandadamay ko sa kanya.

Tinignan niya ako, nagkunot noo at ngumiti. “ Oo naman! Hanggang ngayon nga ehh…hehehe”, sabay tayo sa kama na nakabrief parin. Pero hindi ko nakita dahil tumalikod ito agad at naglakad papuntang banyo. Shit! Di ko tuloy nakita!

Napangiti nalang ako habang nakaupo sa kama. Buti nalang hindi nagalit sa akin si Prince. Haaayyyy… buti nalang hinlalaki lang ang kinagat ko kay Prince, paano kung titi niya talaga nakagat ko? Nyay! Patay! Wala akong maidadahilan sa kanya. Magkakabistuhan kung nagkataon.

“Hayyyyyyy….panibagong araw na naman! Panibagong araw kasama ang Prince Charming kong si Prince. Kahit inaaway at nagbabangayan kami, masaya parin ako dahil mabait siya sa akin. Kahit nang-aasar kung minsan…nararamdaman ko namang malambing siyang tao. Maabilidad, talented at matalino. Syempre, hindi pahuhuli ang pagiging gwapo at lovable nito. Hayyyyy Prince…….. you’re one of a kind. Muahhh!!!”, sabay flying kiss kay Prince na nasa cr.

============================================================

Chapter 8: “ Ring”

Eksaktong alas kwatro ng umaga ng naglalakad na kami ni Prince papuntang basketball court. Bahagi iyon ng aming kasunduan kung sino ang magmamay-ari ng kama niya. Kung sakaling si Prince ang mananalo, doon na ako matutulog sa kama ng yumaong si Kent. Pero kung ako naman ang mananalo, mananatili parin ako sa tabi ni Prince, katabi sa aming kama. Hehehe. Kaya dapat pag-igihan ko ito! Dapat…go go go!!! Dahil sa ipinakitang kabaitan ni Prince sa akin kahit nakagat ko ang kanyang hinlalaki, may rason na akong ipaglaban ang pagtatabi namin sa kama niya. Dapat ay…..makilala ko pa siya ng lubusan.
Madilim pa ang paligid, pero nagbabadya na ang paglabas ni kumpareng “sunrise”. Ang nagpapaliwanag sa paligid ay ang mga poste ng ilaw na nakahanay sa pathway mula sa dormitory, papuntang basketball court, dirediretcho na ito papuntang simbahan, opisina, convent, chapel at iba pang parte ng buong seminaryo.

I was rubbing my palms, para uminit ang pakiramdam ko. Malamig pa kasi sa buong paligid. Napapalibutan kasi ang buong seminaryo ng malalaking puno, mga halaman, lalo na sa banding hardin nito. Ang bawat gilid ng pathway ay may nakahanay na mga puno rin.

Wala kaming imikan ni Prince habang naglalakad, parang may iniisip din siya. Nang makarating na kami sa court ay inihagis niya sa akin ang bola. Agad ko naman itong sinalo. Napangiti siya sa akin, seguro napa-isip siyang, alisto rin pala ako.

“ Ako pah! Heartthrob yata ako sa hardcourt noong highschool”, sabay taas ng baba ko at matulis na tingin kay Prince. Hehehe hambog effect ko yon para naman hindi ako maliitin ng mokong na ito.

Ngumiti siya ulit sa akin at tumango. Kahit anong pacute nito sa akin ngayon, dapat ay hindi ako padidestruct sa kanya. Pero mahirap talagang baliwalain ang presensiya niya. Aba’y ito pa naman ang fetish ko sa isang lalaki, naka-basketball attire. Jersey! Yeahhh… nasasarapan talaga ako sa isang lalaki na nakasuot ng basketball shorts, feel ko kasi mas madali lang mahahalata ang bukol nito dahil sa manipis na tela. Hehehe.

Naka-skyblue basketball short si Prince na may white portion in every edge. Skyblue rin ang kanyang jersey-sando na ganun din ang design sa bawat gilid nito. May tatak nga lang ng number “08” ang likuran. Napaisip ako, “Sana ganoon din kahaba ang tutifruti ni Prince, “08” hahahaha!” Sa harapan naman nito ay may “ flying flame” na design. Naka-sneakers naman siya.

Ako naman ay ganoon din ang suot, nakasneakers at basketball attire. White nga lang ang color ng uniform ko, ‘yon kasi ang uniform ko noong nasa highschool pa ako. Ang number ko naman ay number 6. Lucky number ko rin kasi ang six, but it doesn’t mean na 6 rin ang tutifruti ko noh! Longer than 6 pa! hehehe.

Crush na crush ko na talaga si Mokong habang pinagmamasdan ko siya. Mas lalo siyang gumagwapo dahil sa basketball uniform niya. Nakakalat pa ang buhok sa ibang bahagi ng mukha at ang iba naman ay dumikit sa kanyang leeg at batok dahil sa pawis. Di pa naman nagsisimula ang laro ay pinagpawisan na ito.

“ Game for 11 lang tayo Tol, call?”, sabi nito habang hawak ko parin ang bola.

“ Call!, idi…mapapabilis lang pala ang laro natin.”, pagmamayabang ko sa kanya.

Nagkibit-balikat naman ito at bahagyang itinaas ang dalawang palad. “ Hmmm, Let’s see”, sabay ngiti.

Simula na ng laro. Nagpakitang gilas agad si Mokong, maliksi at maharot! Hehehe. Di naman ako nagpapatalo no! Minsan ay naging point-guard at forward yata ako before, dapat di ako patatalo! Go go go Tart! Weeeeeeeee. Agawan ng bola! Dribble, pasok sa pagitan ng dalawang hita ang bola at labas sa likuran, kukunin ng kaliwang kamay at ipasok muli sa pagitan ng mga tuhod. Exhibition. Takbo at habulan na naman. Try to shoot the ball into the ring. Talon sabay harang ng bola. ‘Yon ang scenario usually in a basketball game. Nag-eenjoy ako sa laro namin ni Prince. 4-4 na ang score. “ Sigwalis” ‘yan ang term ng tabla o same score sa amin.

Minsan ay nawawala ako sa concentration everytime inaagaw ni Prince ang bola mula sa akin, binubundol-bundol niya kasi ang kanyang harapan sa aking likuran. Shit! I can feel his bulge again! Nadedestruct ako! Kaya, “ pivot” agad ako para makawala kay Prince. Run-away from him habang dinidribble ang bola. Habol naman agad si Mokong, pero huli na ang lahat dahil nai-shoot ko na, 2 points!

6-4 na ang labanan. Pero hindi ganun-ganun nalang kung susuko si Mokong, magaling ang footworks niya kung sa boxing pa iyon. Mabilis tumakbo, magaling kung umikot, masarap kung yumakap! Hahaha! Napapayakap siya sa akin everytime haharangin o aagawin niya ang bola. ‘Yan si Prince! Basang-basa ang katawan niya at ramdam na ramdam ko iyon everytime napapadikit siya sa akin. Kay sarap pagmasdan ng kanyang balikat at braso na puno ng pawis, para itong may lube na nagpapa-emphasize sa hubog ng kanyang muscle. Napatunganga ako kaya………...Shoot! 3 Points agad si Prince!

Shit! Lamang na si Mokong ng isa. 7-6 na ang score. Dapat babawi ako kay Prince. 2 points uli sana mula sa kanya pero, lundag! Oo, lumundag agad ako at kinuha ang bola. Isang bagsak sa sahig ang bola, takbo at umikot sa likod ni Prince. Takbo na naman ako palayo para di maagaw ni Prince ang bola mula sa akin. Mata sa mata kung makatingin si Prince. Half-bend ang mga tuhod niya habang nakadipa sa harap ko. Patak kung patak ang mga pawis namin. Kung makatingin si Prince ay parang chickboy na uhaw na uhaw sa sex. Hehehe. Napalunok ako habang pinagmamasdan ko siya at dribble ko naman ang bola. Lumusot ako sa nakaharang niyang kamay, kaya takbo agad papuntang ring. Pero malayo pa lang ay inihagis ko na ang bola…. 5 microsecond, 4 microsecond, 3 microsecond, 2 microsecond, 1 microsecond….. Togsssshhhh!!! PASOK!

“ Whooohhh!!!!!!”, sigaw ko while clinching my fists then thrust them downward in bended elbows!

8-7, I’m leading again! Ang saya ng laro! Umikot ako patalikod para tignan ang reaction ni Prince. Pero hindi ko inasahan ang makikita ko. Nakayoko si Prince while bending his torso downward at hawak-hawak niya ang kanyang tiyan na parang dumadaing sa sakit!

“ Prince????...Princeee!!!!”, tumakbo ako ng mabilis papunta sa kanya. Madali kong kinuha ang isa niyang braso at pinaakbay sa akin. Dahan-dahan ko siyang inakay papuntang bench na nasa gilid lang ng basketball court.

“ Tol??? Anong nangyari sa’yo? May masakit ba sa katawan mo?”, tanong ko sa kanya habang siya ay nakayuko at hawak ng dalawang kamay niya ang kanyang ang tiyan. Ako naman ay hawak-hawak ang likuran ng kanyang sando na tila pinapaypay para hindi dumikit sa kanyang likod na puno ng pawis.

Mahinahon siyang sumagot. “ Okay lang ako Bro, salamat sa pagtulong. Medyo sumakit lang ang tiyan ko. Don’t worry mawawala rin to. Maaga kasi akong naligo tapos naglaro agad tayo. So…I concede bro….mas lamang ka di ba? 8-7”, pahayag nito habang nakayuko pa rin at parang nahihirapan sa paghinga.

“ Are you sure? Isa lang naman ang lamang ko ehhh, baka gusto mong itutuloy nalang natin mamaya o bukas…..o?????”, bigla niya akong pinutol.

“ Oo na! Ikaw na nga ang panalo ehh… Magaling ka naman tol, so you deserve to win”, sa wakas ay tumingin na siya sa akin at inakbayan ako.

Ngumiti naman ako. “ Ahhh ganun bah? Hmmm…Thank you, ikaw din naman ehh magaling din. Pero tol, ano bang masakit sa’yo? Are you sure na hindi mo na kailangang dalhin sa clinic? Kaya naman kitang pasanin, kargahin o kahit anong paraan para dalhin ng clinic”, offer ko sa kanya.

“ Nope! I can handle this pain Bro, mauna nalang ako sa’yo d’un sa room natin. Just continue playing basketball nalang dito, alam kong binitin kita.”, sabi niya habang patayo.

“ No, no, no! hindi…halika…tutulungan kita”, tumayo narin ako at niyakap ko ang likuran niya gamit ang isa kong braso.

Bigla siyang natigilan at tinignan ako sa mata. “ Tart, I’m thankful for your concern, pero…. Kaya ko ang aking sarili, kaya kung pwede ehh..hayaan mo na akong maglakad ng mag-isa. Dito ka nalang muna… Okay ba?”, sabay taas ng kanyang dalawang kilay na tila gusto niyang “oo” ang isagot ko sa kanya.

Binitawan ko ang pagkakahawak ko sa likuran niya at tumango. “ Sige….kung ‘yan ang gusto mo, I’ll respect it…ahmm go ahead, mag-ingat ka bro. Sige, dito nalang muna ako”, sabay give way sa kanyang dadaanan. Naglakad ito ng dahan-dahan while pressing his stomach. Nararamdaman kong totoo ang nararamdaman niya at hindi simpleng kalokohan tulad ng pinaggagawa ko sa kanya. Malayo-layo na siya ng kunti mula sa kinatatayuan ko, sa tabi ng bench.

“ Ano kayang nangyari sa kanya? Hindi kaya galit siya dahil nakakapuntos ako sa laro namin?.......ahmmmmm hindi! Hindi! Hindi! Ang babaw naman ng rason kung nagkagayon! Hindi naman ganun kahambog at mapride si Prince, alam kong mabait siyang tao. Baka nga talaga masama lang ang pakiramdam niya, pero bakit hindi niya ako hinayaang samahan siya??? Hayyyyy….”, sabay lapat ng magkabila kong palad sa aking pisngi.
“ Tarrrrrrrrrrrrtttttttttttttttttt!!! Yoooohooooooooooooooo….Good morning!!!!”, napadilat ang mga mata ko at inikot-ikot ko, up, right, down, left, pero wala naman akong nakikita.

“ Hoy!!!”, sabay tulak ng likuran ko. Bigla akong napaharap sa aking likuran.

[ Next Thread | Previous Thread | Next Message | Previous Message ]


Post a message:
This forum requires an account to post.
[ Create Account ]
[ Login ]
[ Contact Forum Admin ]


Forum timezone: GMT-8
VF Version: 3.00b, ConfDB:
Before posting please read our privacy policy.
VoyForums(tm) is a Free Service from Voyager Info-Systems.
Copyright © 1998-2019 Voyager Info-Systems. All Rights Reserved.