Subject: Chapters 15-16 |
Author:
No name
|
[
Next Thread |
Previous Thread |
Next Message |
Previous Message
]
Date Posted: 14:04:28 06/07/08 Sat
Chapter 15: “ Special StarS”
Hindi kami nakapagsalita ni Prince.
“ Anong ginagawa niyo?!”, gulat na bigkas ni Father Joey. ”Bakit niyo tinanggal ang ulo ng rebolto?!”, nagkamot siya ng ulo habang naglalakad patungo sa amin ni Prince. Si Father Guy naman ay nakasunod din kay Father Joey.
Nagkatinginan muna kami ni Prince, pagkatapos ay tinignan ko naman si Father Joey. “Ahhhhh…ano kasi father….ahmmm…. hindi ba naglilinis kami dito?....ano kasi…..hindi kasi namin maabot ni Prince ang ulo kaya tinanggal nalang namin muna para maayos ang pagkakalinis”, paputol-putol kong paliwanag kay father.
“ Oo!!! Tama nga yon father!!!”, bulalas naman agad ni Prince.
Hayyy itong si Prince talaga, second demotion nalang palagi, mabuti nalang magaling akong magpalusot….ahehehehe…galing ko talaga!!! Pero walang humpay parin ang paglabas ng pawis mula sa aking katawan.
Si Father Guy naman ang sumagot. “ Sige, sige, ibalik niyo na yan pagkatapos. Sa susunod naman mga ejo…huwag niyong tanggalin ha? Baka kasi makabasag kayo…antique ang mga yan. Kumuha nalang kayo ng upuan dun sa itaas, bukas niyo nalang yan ipagpatuloy at….”, napahinto nalang si Father Guy nang may napansin siya sa aking katawan.
Kapwa kasi kaming nakahubad-baro ni Prince, tanging shorts lang suot naming dalawa.
“ at……..”, pagpapatuloy ni Father Guy. “ Tart, anong nangyari diyan sa likod mo? Bakit ang dumi.”, tinignan ko naman agad ang aking likuran.
“ Ahh…ano kasi father….maalikabok…”, pagsisinungaling ko naman agad.
“ Sa susunod… magbukas naman kayo ng pintuan ha?, para hindi kayo naiinitan dito”, payo naman ni Father Joey habang palipat-lipat ang mga mata niya sa nagpapawisan naming katawan ni Prince at mukhang may malalim na iniisip.
“ Opo…”, at nagkatinginan kami ni Prince, napangiti naman ang mokong, habang ako naman ay kinakabahan parin. Paano kasi, sa sobrang pagkataranta ko kanina ay inihagis ko nalang ang aming briefs at sando ni Prince sa bandang likuran ng basement. Nagkalokohan! Sumabit ba naman ang mga ito sa malaking krus! Patay!!!!. “ Patawarin niyo po ako Panginoon.”, panalangin na nasa utak ko. “ Tsaka, tulungan niyo na rin ako na hindi makita nina father….huhuh”
“ Bukas niyo nalang ‘yan ipagpatuloy.”, sabi ni Father Joey habang kami naman ni Prince ay ibinabalik ang ulo ng rebolto na aming tinanggal.
“ Tsaka bukas, dito naman kayo sa banding likuran maglinis ha?”, pagpapatuloy ni Father Joey. Akmang naglalakad na siya papuntang likuran! Lagot!!! Baka makita nga nila ang mga brief namin ni Prince na nakasabit sa krus! Kailangang gumawa ng paraan!
“ Fatherrrrrrrr!!!!!”, sigaw ko sa kanilang dalawa. Kapwa napalingon sina Father Joey at Father Guy sa akin.
“ Bakit?”, sabay na tanong ng dalawa.
“ May daga! Opo may daga nga father!!!!”, nilapitan ko agad sila at hinila ang kanilang mga kamay.
“ Fathers…ano kasi ehhh…ahhh!!! Huwag diyan! May….may….may daga diyan! Nako mga fathers!!! Kung nakita niyo lang kanina, ang lalaki ng mga daga!!!”, exaggerated talaga ang expression ng aking mukha para mapaniwala ko sila. “ Di ba Prince???.... Hoy!”, pinandilatan ko siya.
“ Ahh Oo!!! May mga daga diyan father kaya huwag nalang kayong pumunta diyan.”, second demotion uli ni Prince.
“ Ah ganun ba?”, mukhang natakot din ang dalawang pari, galing ng acting! “Bago kayo pumunta dito sa basement bukas, humingi muna kayo ng mouse trap o kaya’y lason ng daga kay Manang Bising ( isa sa taga-pangalaga ng seminaryo)”, utos ni Father Joey.
********************
Naglalakad kami ni Prince sa hallway papunta sa aming room ng bigla niyang hinawakan ang aking kamay. Napatingin ako sa kanya at ngumiti naman siya pabalik. Binitawan ko naman agad ang kanyang kamay.
“ Huwag dito….baka may makakita sa atin at ano pang isipin…”, namula naman ang mukha ko habang sinasabi ko sa kanya iyon.
Hindi sumagot sa Prince sa halip ay inakbayan nalang ako. “ Bakit ngayon ay naiilang na ako kay Prince? Bakit noon, kapag inaakbayan niya ako ay wala akong pakialam kong anong iisipin ng mga tao na paligid namin, pero ngayon….bakit defensive na ang utak ko? Bakit gusto kong sabihin kung sakaling may makakita sa amin na…wala kaming relasyon noh! Aminin ko man o hindi sa aking sarili, alam kong hindi tanggap sa lipunan ang ganitong relasyon, lalo na dito sa seminaryo. Bakit ngayong may nangyari na sa amin ni Prince, masyado na akong defensive sa ikinikilos ko? Hindi kaya napaparanoid lang ako dahil sa sitwasyon namin ni Prince?”
Hindi ako kumibo nang dumating kami sa room. Napaupo agad ako sa kama at malalim parin ang iniisip. Napansin pala ni Prince ang pagiging balisa ko kaya lumapit siya sa akin at lumuhod sa pagitan ng aking tuhod. Hinawakan niya ang aking mga kamay at tumingala sa akin. Ako naman ay napayuko para tignan ang mukha niya.
“ Tart, baby….”, kumunot ang noo niya at pina-pout ang nguso nang sinabi niya sa akin yon, para siyang bata na naglalambing sa akin. “ Baby…hindi ka ba masaya?”, may maraming katanungan ang nababakas ko sa kanyang mga mata. Kaya hindi narin ako nagpaligoy-ligoy pa.
“ Prince, bakit mo ba ito ginagawa sa akin? Kung naglalaro ka lang sa akin, please tigilan mo na ako. Kung gusto mo lang makaganti sa ginawa kong pangdideadma sa’yo, okay fine! Nakuha mo na ang gusto mo! Kung ginagawa mo lang ito dahil sa libog mo, panalo ka parin dahil nadala ako sa’yo. Kung ginagawa mo ito dahil gusto mong patunayan ang tunay kong pagkatao, sige! Nabisto mo na ako!”, huminga muna ako ng malalim. Bad trip talaga tong luha ko dahil hindi ko talaga mapigilan. Tumulo ang aking luha sa noo ni Prince. “ Bakit mo ba ginawa ‘yon sa akin??? Naguguluhan ako….naguguluhan ako….”, binitiwan ko ang pagkakahawak ng kamay niya sa akin at nagpunas ng luha.
Tinanggal ni Prince ang aking kamay na nakatakip sa aking mukha at tinitigan niya ako. “Hindi ka ba naniniwala na mahal kita Tart?”, hinawakan niya ang mukha ko at hinimas ng kanyang mga hinlalaki ang aking pisngi mula sa mga luhang pumatak.
Tumayo si Prince at kumuha ng kumot pati na rin ang kanyang gitara. Hinawakan niya ang aking kamay at pinatayo ako.
“ Tara….”, ang paanyaya niya sa akin.
“ Saan tayo pupunta?”, pagtataka ko naman.
“ Basta….huwag ka nang magtanong….”, sagot naman ni Prince na may ngiti sa labi.
Paglabas namin ng room ay dahan dahang binuksan ni Prince ang fire exit na nasa tapat lang ng pintuan namin ( Pareho kasing nasa dulo ng hallway ang room namin ni Prince at ang fire exit). Pagkapasok namin doon ay may hagdanang paibaba at may pintuang palabas. Lumabas kami doon at may adjustable ladder kaming nakita papuntang ibaba, pero doon kami pumanhik ni Prince sa hagdanang gawa sa bakal na nakakabit lang sa pader hanggang makaabot kami ng rooftop.
Malawak, mahangin, maginaw, mapayapa at kabighabighani ang rooftop kung saan ako dinala ni Prince. Napalingon ako sa kanya at hindi ko mapigilang ngitian siya. Nilatag ni Prince ang dala naming kumot. Nahiga siya doon at itinaas niya ang kanyang kamay tanda na iniimbitahin din niya akong humiga. Nahiga narin ako sa tabi ni Prince pero sinapo niya ang aking ulo at nilagay sa kanyang dibdib, hindi naman ako nakatanggi kaya nahiga ako doon at niyakap ko ang kanyang katawan at niyakap din niya ang aking likuran.
Napapikit ako habang nasa bisig ni Prince, doon ko naramdaman ang kilig at romansa habang nasa piling ng mahal ko. Hindi ko akalaing dadating kami sa pagkakataong ito. Noon ay pinagpapantasyahan ko lang ang mokong na ito, pero ngayon ay kayakap ko na siya sa isang romantikong lugar na kami lang dalawa ang nakakaalam. Napabukas ang mga mata ko nang magsalita si Prince.
“ Ang dami mong tanong sa akin kanina”, naririnig ko ang sinasabi ni Prince mula sa kanyang dibdib kung saan ako nakahiga. Bawat taas-baba gawa ng kanyang paghinga ay nararamdaman ko. Hinimas-himas naman niya ang ulo, batok at likuran ko. Muli siyang nagpatuloy…
“ Noong una kitang nakita Tart andoon ako sa puntong sinisisi ang aking sarili dahil sa pagkamatay ni Kent. Masamang masama ang loob ko n’on. Noong una ay gusto kitang sungitan at takutin palagi para umalis ka na sa room at nang mapag-isa ako. Pero nagkamali ako, ehhh palaban din pala si Tart..”, napangiti naman ako dahil sa sinabi niyang iyon.
“ Habang dumaan ang mga araw, naaliw narin ako sa mga kalokohang pinaggagawa mo sa akin. Ang pagiging palatawa mo, pagiging masayahin, ang pagkamaloko at pasaway mong mga ginagawa- lahat nang iyon ay nakatulong sa akin para muli pang magpatuloy. Hindi ko makakalimutan yong sinabi mo sa akin…”
( Flashback)
“May mga pangyayaring ginugusto natin at meron ding hindi natin gusto pero pilit nangyayari. Hindi natin hawak ang buhay ng bawat isa. Sabihin nating ikaw ang nagyaya, pero di mo naman hawak ang pag-iisip niya kung dapat ba siyang sumama o hindi. Ang ginawa mo lang ay nagbigay ka sa kanila ng paanyaya. Ang nakatakdang mangyayari tol ay nakatakda na, di nga lang alam natin kung kailan. Kaya wag mo nang sisihin yang sarili mo. Ok?”
Huminga ng malalim si Prince. “ Dahil sa sinabi mong iyon, muli akong nagkalakas ng loob. Ang bawat tuwa, tawa at nakakaliw mong mga pinaggagagawa ay ang nagpapasaya sa akin Tart. Akala ko’y hanggang doon nalang ang pagtulong mo sa akin. Pero dumating ang araw nang bigla kang umiwas sa akin. Sa tuwing nakikita ko kayo ni Jinx na magkasama, naiinggit ako sa tuwing nagtatawanan kayo. Natanong ko sa king sarili, nagseselos ba ako? Kaya nang kinausap mo akong pupunta tayo ng basement hindi ko na napigilang sabihin sa’yo na nagseselos ako sa inyo ni Jinx dahil…mahal na pala kita.”, nung narinig ko ang mga sinasabi ni Prince muli na naman akong napaiyak. Tumulo ang luha ko sa dibdib ni Prince. Humihikbi na akong parang bata.
Nararamdaman kong naiiyak narin si Prince dahil sa kanyang panay na pagsinghot ng kanyang ilong at pigil na paghinga. “ Noong una, hindi ko tanggap Tart na nagmamahal ako ng isang tulad kong-lalaki. Hindi ko maintindihan noong una. Galit ako sa aking sarili, galit ako sa iyo dahil bakit nararamdaman ko ito sa’yo? Pero masaya ako sa piling mo, masaya ako dahil kapiling ko ang mahal ko”, at tuluyan nang naiyak si Prince kaya hindi ko narin napigilan ang aking pag-iyak.
“ Mahirap pala ang ganitong sitwasyon Tart… ang hirap! Hindi ko sinasabing mali ang magmahal ng tulad natin, pero mahirap dahil sa mga mapanghusga. Kung abnormal tayo, abnormal din ba ang magmahal? Ha Tart? Masusukat lang ba ang pag-ibig kung sila ay lalaki’t babae? Paano naman tayo? Tart, naguguluhan talaga ako….hindi ko maintindihan ito……”, inangat ko ang aking mukha at tinignan si Prince habang umiiyak.
“ Baby….tahan na….nararamdaman ko na naguguluhan ka sa ngayon…pero nandito lang ako sa tabi mo para tulungan kitang intindihin ang sitwasyon natin. I’m sorry kung pinagdudahan kita, pero ngayong napaliwanag mo na sa akin, buong puso ko itong naiintindihan at tinatanggap.”, hinalikan ko ang mga mata niyang lumuluha.
Nahiga ako sa tabi niya at magkahawak ang aming kamay.
“ Tignan mo yong star na ‘yon”, itinuro ko. “ Di ba nagti-twinkle siya?.....Ayon!” muli akong nagturo. “ Nakikita mo rin yong katabi niya? Hindi ba tagti-twinkle din? Silang dalawang magkatabi ay nagti-twinkle pareho.”, lumingon ako sa kabilang side.
“ Ayon uli!!!!....tumingin ka dun Prince sa bandang kaliwa”, lumingon naman agad si Prince. “ Nakikita mo rin ba yong dalawang star na magkatabi pero hindi nagti-twinkle?”, tanong ko sa kanya.
“ Ohmm…”, ang sagot ni Prince.
“ Muli mong tignan ang dalawang stars na nagti-twinkle.”, utos ko kay Prince at tumingin naman siya. “ Kaya kumukutitap sila….. dahil special silang dalawa. Pagmasdan mo ang buong kalangitan Prince, hindi ba ang daming stars? Pero naisip mo ba kung bakit sila lang dalawa ang kumukutitap sa ngayon?” huminto muna ako at tinignan si Prince, tumingin din siya sa akin at naghihintay ng kasagutan.
“ Dahil sila ang naiiba…dahil special sila, katulad nating dalawa. Katulad din natin sila Prince……. Sa dami ng tao sa mundo… may na-iiba talaga tulad natin. Yong dalawang bituin na nagkatabi pero hindi naman kumikinang, nagmamahalan din sila Prince pero hindi kasing tindi ng pagmamahalan natin kaya kumikinang ang bituin natin.” Tumutulo ang mga luha ko habang ipinapaliwanag iyon kay Prince.
“ Hindi lahat ng pagmamahalan ay kumikinang Prince. May nagmamahalan ngang tama sa mata ng publiko dahil babae’t lalaki sila, pero panandalian lang ang kinang ng kanilang pagsasama. Intindihin mong sa ngayon ay tayo ang kumukititap na mga bituin na ‘yan……. sina Tart at Prince.”, muli kong itinuro ang dalawang twinkling stars.
“Kung lilipas ang mahabang panahon na hindi parin nawawala ang kinang ng dalawang bituin na yan Prince, ibig sabihin mahal parin natin ang isa’t isa, iba man tayo sa marami pero special naman, yan ang tandaan mo.”, inilapit ko ang aking mukha sa kanya at nakita kong kahit papano ay naliwanagan siya sa aking sinabi. Hinalikan ko siya sa labi habang tumutulo parin ang luha ko…. Alam kong simula pa lang ito ng aming kwento…
Nagyakapan kami ni Prince, sa piling niya alam kong gagawin ko ang lahat para sumaya lang siya.
Kinuha ni Prince ang gitara at….( I DO)
All I am, all I'll be
Everything in this world
All that I'll ever need is in your eyes
Shining at me
When you smile I can feel
All my passion unfolding
Your hand brushes mine
And a thousand sensations seduce me cause I
[Chorus:]
I do cherish you
For the rest of my life
You don't have to think twice
I will love you still
From the depths of my soul
It's beyond my control
I've waited so long to say this to you
If you're asking do I love you this much
I do.
In my world before you
I lived outside my emotions
Didn't know where I was going
'Til that day I found you
How you opened my life to a new paradise
In a world, torn by change
Still with all of my heart 'til my dying day
==============================================================
Chapter 16: “ Caught in the Act”
Simula ng gabing iyon ay kami na nga ni Prince. Hindi namin inisip kung tama o mali ba ang aming relasyon sa loob ng seminaryo. Kung sakaling panghabambuhay ang pagmamahalan naming ito, ano pa nga ba ang dahilan kung bakit mananatili kami sa loob ng seminaryo? Gustohin ko mang itanong iyon kay Prince ngunit hindi ko muna magagawa iyon sa ngayon, dahil alam kong ang totoo kong pakay sa pagpasok ng seminaryo ay hindi ko pa lubusang nakikilala. Naiisip kong dapat kaunting panahon nalang ang kailangan kong igugugol ko sa seminaryo para alokin si Prince na lumabas nalang, kaysa manatili kami sa loob at makagawa ng kasalanan sa mata ng Dios.
Nararamdaman kong ganoon din ang naiisip ni Prince sa tuwing nag-uusap kami, hindi man direkta niyang sinasabi sa akin pero alam kong nagpapahiwatig din siya ng ideyang katulad sa akin. Ang tanging bumabalakid sa aking isipan ay kung ano nga ba ang dahilan ni Prince kung bakit pumasok siya ng seminaryo? Minsan ay naitanong ko sa kanya, pero iniba niya ang usapan. Isa man iyong katunungan na hindi ko masagot-sagot ay hindi ko na rin ipinipilit na alamin dahil alam kong may itinatago rin akong dahilan sa pagpunta ng seminaryo na hindi ko rin sinasabi sa kanya. Alam kong sa isang relasyon, dapat ay tapat sa isa’t isa pero hindi pa seguro iyon ang tamang panahon para talakayin namin ang usaping iyon.
Sa bawat paglipas ng mga araw sa loob ng seminaryo ay nanatili paring tikum ang aming bibig ni Prince sa aming relasyon. Mahirap, pero ginagawa namin ang lahat upang hindi kami mapagdudahan ng kahit sino. Minsan sa harap ng kapwa seminarista ay nagkakangitian nalang kami. Kung minsan itong si Prince ay pilyo talaga at kinikindatan ako, napapangiti nalang ako at kinikilig sa tuwing ginagawa niya iyon sa akin. Kapag nasa upuan naman kami at kausap ang ibang mga kasama ay palihim niyang hinahagilap ang aking kamay para ito’y hawakan, kinukurot ko naman iyon agad dahil baka may makapansin sa amin. Kapag naglalakad kami ni Prince sa loob ng seminaryo ay inaakbayan niya ako, hindi na ako naiilang di tulad noong una. Naiisip kong normal naman iyong ginagawa ng ibang magkakaibigan kaya walanag rason para maging self-defensive ako sa relasyon namin ni Prince.
Sa tuwing kumakain kami sa dining area, palihim din niyang kinakabit ang aking mga paa gamit ang kanyang mga paa rin. Pinandidilatan ko nalang siya sa tuwing ginagawa niya iyon sa akin, pero hindi ko namang maiwasang kiligin at ngitian nalang ang Prince charming ko.
Wala akong masasabi sa kabaitan ni Prince, maalagain, malambing at syempre pinapakita niya sa akin kung gaano niya ako kamahal at ganun din naman ako sa kanya. Maalagain dahil tinutulungan niya ako sa mga assignments, sa tuwing may project akong dapat iguhit ay siya ang gumagawa dahil marunong siyang magdrawing. Dinadalhan niya ako ng french fries halos araw-araw dahil alam niyang favorite naming dalawa iyon.
Dahil magkatabi kami sa iisang kama, masasabi kong daig pa namin ang tunay na mag-asawa kung maglambingan. Si Prince ang aking alarm clock every morning dahil ginigising niya ako sa pamamagitan ng kanyang mga halik sa buong mukha ko. Siya ang aking kumot every night dahil hina-hug niya ako palagi at ganun din naman ako sa kanya. Siya ang aking pillow dahil pinapaunan niya ang kanyang balikat at dibdib sa tuwing patutulugin niya ako. Siya ang aking soap, shampoo at towel dahil sabay kami kung maligo every morning, hehehe kakakilig sa tuwing iniisip ko ang aming pinaggagawa.
Siyempre, hindi rin mawawala ang kulitan namin lalo na ako. Minsan kapag nakahiga na sa kami ay itinutulak ko ang kanyang pwet gamit din ang aking pwet, hahahaha! Nabibigla nalang si Prince palagi kaya nahuhulog siya sa kama.
“ Ahhhh….ganyan pala ang gusto mo ha???!!!”, paghahamon ni Prince sa akin habang tumatayo siya sa sahig.
Bigla nalang niya akong dadaganan at kikilitiin ng kikilitiin ng kikilitiin hanggang sa magmamakaawa na ako sa kanya na tigilan niya ako. Kapag alam niyang surrender na ako ay niyayakap niya ako ng mahigpit at hinahalikan sa labi. Pagkatapos ay ako naman ang papatong sa kanya at kikilitiin siyang bigla, siya na naman ang magmamakaawa sa akin, hehehehe. Napakagwapo niyang tignan habang kinikiliti ko siya, nawawala na halos ang kanyang chinitong mga mata dahil sa pagtawa. Lumilitaw ang kanyang well-arranged at mapuputing mga ngipin na nagpapaakit sa akin para halikan ko siya.
Sinurpresa pa ako ni Prince nang pinapikit niya ako at may ipinasok sa aking kamay. Pagmulat ko ay isang….silver blacelet!!! Hindi ako nakapagsalita noong una dahil sa saya at kilig, niyakap ko siya agad ng napakahigpit. Muli kong tinignan ang mukha niya at napangiti siya sa akin.
“ Prince…Thank You so much! I Love You Prinsepe ko….”, hinalikan ko siya sa lips. “Pasensiya ka na Prince kong wala akong maibibigay sa’yo….”, hindi ako nakapagpatuloy dahil iniharang niya ang kanyang hintuturo sa aking labi.
“ Ssshhhhhh…. Andito ka lang palagi sa tabi ko Tart ay walang makakapantay na kahit anong regalo….I Love You too sweet-Tart ko….”, nagsmack siya sa aking lips at muli kaming nagyakapan.
Sana nga ay ganoon nalang palagi ang buhay ano? Walang problema, walang inaalala basta kasama lang palagi ang minamahal mo.
Hindi na rin ako nagmamalapit masyado kay Jinx dahil baka ano ang isipin ni Prince, ayoko kong magkakaproblema kami dahil sa magandang takbo ng aming relasyon. Dahil doon ay si Jinx naman ang nagtataka sa ginagawa kong pag-iwas sa kanya. Nagpaliwanag naman ako na masyado na akong busy sa school kaya paminsan-minsan nalang ako kung makapagbonding sa kanya at sa ibang katropa. Naintindihan naman iyon ni Jinx kaya malaki rin ang aking pasasalamat dahil nagkaroon ako ng mababait na mga kaibigan sa loob ng seminaryo lalo na si Jinx.
Naging malapit din kami ni Father Joey dahil halos araw-araw ay nagpupunta ako sa kanyang opisina para mangumusta at makipagkwentuhan. Kaya kapag may libreng oras ako ay iginugugol ko iyon sa pakikipagkwentuhan kay Father Joey. Masasabi ko na ngang ginagawa ko na ring tambayan ang opisina niya dahil sa madalas kong pagpunta doon. Madalas din ang pagbisita doon ni Prince dahil matagal na silang magkalapit ni Father Joey kaya kung minsan ay sabay na kaming pumupunta doon.
Ngunit may isa paring kababalaghan sa loob ng seminaryo na hindi parin matapos-tapos, at iyon ay ang pagpapakita di umano ng paring pugot ang ulo. Hindi parin mamatay-matay ang nakakapanindig na balahibong mga kwento na ako rin mismo ay nakasaksi noon. Sinasabing nagpapakita ang paring pugot sa pagitan ng alas otso hanggang alas onse ng gabi. Naikwento na rin namin ni Prince ang kababalaghang iyon kina Father Joey, Father Guy at ibang pari sa seminaryo, ngunit sina Father Joey at Father Guy lang naniwala sa amin. Kwento pa ng dalawa ay personal din nilang naranasan ang pagpapakita ng naturang paring pugot. Kaya dahil doon ay wala nang nag-gagagala sa labas ng seminaryo sa mga oras na iyon sa takot na magpakita sa kanila ang nasabing pugot.
Ngunit hindi doon natatapos ang nakakapanindig na mga kwento dahil may bagong natuklasan ang ibang seminarista. Marami na rin ang nagkikwento nito pero nang maikwento ni Jinx sa aming grupo ay tila naniniwala narin ako.
“ Alam niyo ba mga brod?! Totoo nga ang sinasabi ng ibang seminarista dito…”, kwento ni Jinx sa amin pagkatapos naming magbasketball. “ Totoo ngang may nagmumulto rin sa loob ng basement!!!!”, may halong takot ang mga mata ni Jinx.
“ Haaa???? Talaga??? Paano mo naman nasabi iyon???”, sabay naming tanong habang pinapalibutan si Jinx na nagkikwento ng kanyang karanasan.
“ Alam niyo ba kagabi? Nagpunta ako ng kombento para sana magpaperma ng out reach program waver kay Father Joey….”, napabuntong hininga si Jinx.
“ Pagkatapos????!!!!!”, sigaw namin.
“ Kayo naman! Ang aatat niyo!!! Pahingahin niyo muna ako…..Okay ito na, nagtanong ako kay Manang Bising kung nasaan si Father Joey? Ang sagot naman ni manang ay nakita raw niya itong bumaba ng basement, kaya ang ginawa ko ay pumunta na rin ako doon. Pero… madilim naman ang basement, walang tao… kaya nagpasya nalang akong pumanhik pabalik dahil baka lumalabo na nga talaga ang mga mata ni Manang Bising kaya inakala niyang bumaba ng basement si Father Joey…”, napahinto muna si Jinx at tinignan kami isa-isa at muling nagpatuloy.
“ Pero nang palabas na ako sa pintuan ng basement….bigala nalang nanindig ang aking mga balahbo dahil may narinig akong…..”
“ Ano????!!!!!”, sigaw namin sa mukha ni Jinx na mukhang naiintriga talaga sa kanyang kwento.
“ Mga laway niyo!!! Hmmmpt!!!”, kunwaring nagpunas ng mukha si Jinx. “ May narinig akong ungol….Oo!!! ungol nga!!!”, pag-uulit ni Jinx.
“ Ungol ng ano???”, tanong ko naman sa kanya.
“ Parang ungol ng tao…nakakakilabot talaga dahil nag-eecho iyon sa loob ng basement! Binuksan ko naman ang ilaw pero wala talagang mga tao doon, mga rebolto lang mga nakikita ko”, sabi ni Jinx.
Kung sa gayon ay mas lalong nakakatakot na nga kahit saang sulok ng seminaryo. Pati ba naman sa basement kung saan doon unang may nangyari sa amin ni Prince ay may nagmumulto narin pala! Kung nalaman ko iyon noong una, sa palagay ko ay wala talagang mangyayari sa amin ni Prince dahil sa halip na libog at pagmamahal sana ang mararamdaman ko ay sindak at takot ang mangingibabaw kung alam kong may nagmumulto rin pala doon.
Totoo ngang mapagbiro ang panahon dahil schedule na naman namin ni Prince ang maglinis ng basement. Nagkataon kasi na sa susunod na buwan ay magkakaroon ng piyesta at ipaparada ang mga rebolto na nakalagay doon. Dahil sa pinagkakatiwalaan kaming dalawa ni Prince ni Father Joey, ay inassign niya kaming dalawa sa pangangalaga ng mga imahe hanggang sa pagdating ang piyesta; lalo na doon sa isang antique na imahe ng Sto. Niño, na ang damit at ibang kasangkapan ay gawa sa ginto at mamahaling tela.
Takot man pero tinanggap namin ni Prince ang utos ni Father Joey dahil tanda iyon ng pagtitiwala niyang ibinibigay sa amin. Bukod doon ay pumayag na rin ako dahil alam kong kasama ko naman ang aking knight and shining Prince charming na handang magliligtas sa akin, naks!
Every afternoon pagkatapos ng klase ay nagpupunta kami ni Prince doon sa basement. Hindi rin ako masyadong natatakot dahil bukod na kasama ko si Prince ay maaga pa naman. Naglilinis kami doon, pinapakintab ang balat ng rebolto at inaalagaan ang nasabing antique na Sto. Niño. Sa dalas naming pamamalagi doon sa basement ay wala naman kaming napupunang nakakakilabot na pangyayari.
Pagkatapos naming maglinis ng basement ay dumiretso na kami ni Prince sa aming silid. Dahil sa pagod ay nahiga agad ako sa kama namin ni Prince. Tumabi naman si Prince sa akin pagkatapos niyang magbihis at menasahe ang aking katawan. Hindi parin nagbabago si Prince, malambing at maalagain parin siya sa akin. Dahil sa ginawa niya ay hi-nug ko muna siya at hinalikan sa labi.
“ Muahhhh!!! Ang sweet naman ng Prinsepe ko….kaya love na love na love kita Prince charming ko….hmmmmmmmmuahhhh!!!!”, habang nakahug kaming dalawa at sini-shake ko ang aming mga katawan. Ki-niss naman niya agad ako sa labi.
“ Ehhh kasi…ang cute cute cute at sobrang maalaga ka sa akin. At tsaka yang cute facial expressions mo, palagi nalang akong pinapatawa…kaya love na love na love na love kita my sweet-tart ko…hmmmuahhhhhh!!!”, muli niya akong hinalikan sa noo, mata, ilong at sa labi.
“ Kaw talaga Prinsepe ko….ang hiliggggggggg mambola!!!”, pinisil ko ang kanyang ilong at napa-giggle naman siya. Napatingin siya sa aking braso at napahinto.
“ Nasaan ang bracelet na bigay ko sayo Tart?”, pagtataka niya.
Napatingin naman agad ako sa aking braso at wala na nga doon ang bracelet na bigay sa akin ni Prince. Napatingin ako sa kanyang mga mata at napakunot ang noo ko.
“ Hindi ko alam….baka….Oo nga!!! Naaalala ko na!!! Hinubad ko pala kanina sa basement habang naglilinis tayo…baka kasi manuot ang dumi…”, paliwanag ko kay Prince.
9:36pm. Kahit gabi na ay nagpupumilit parin si Prince na bumalik kami ng basement para kunin ang bracelet na naiwan. Natatakot man ako dahil sa mga kwentong kababalaghan ay hindi naman ako naka-ayaw kay Prince dahil baka isipin niyang hindi ko pinapahalagahan ang mga bagay na ibinigay niya sa akin.
Pagdating namin sa likurang pintuan ng kombento ay nakaiwan itong bukas. Nagtaka naman kami dahil wala kaming nakikitang mag taong pagalagala sa loob.
“ Manang Bising????.... Manang Bising????......”, paghahanap namin ni Prince kay Manang Bising pero wala namang sumasagot kaya pumasok nalang kami sa loob.
Nang makapasok na kami ay wala parin kaming nakikitang tao doon kaya nagpasya kami ni Prince na dumiretso nalang ng basement at tsaka nalang kami magpaliwanag kung may tao na sa pagbabalik namin.
Habang pababa pa lang kami ng hagdanan ay madilim na ito hanggang sa makapasok na kami ng basement, nakabukas rin ang pintuan kaya binuksan namin agad ang ilaw.
“ Ayon!!!”, bigla kong sambit habang intinuturo ko kay Prince ang naiwang bracelet na nakasabit sa daliri ng isang rebolto. Nagmadali kaming lumapit ni Prince sa kinalalagyan ng bracelet para ito’y kunin.
Nang kinuha ko na ang bracelet, bigla nalang kaming natigilan ni Prince at tumindig ang aming mga balahibo dahil sa narinig kaming…….Ungol.
“Haaaaaaahmmmmmm….ahhhhmmmmm….ahhhhhhhhh….shhhhhhhh….ohhhmmmm”, umalingawngaw ito sa apat na sulok ng basement. Nagkatitigan kami ni Prince at inakbayan niya ako. Ako naman ay napayakap sa kanyang katawan.
“ Prince umalis na tayo dito…..”, pakiusap ko kay Prince.
“ Hindi Tart….hahanapin natin kung saan nagmumula ang ungol na yan!”, matapang na bitiw ni Prince.
“ Perooooo….”, hindi ako nakapagpatuloy.
“ Huwag kang mag-alala Tart, andito naman si Prince mo di ba? Magtiwala ka sa akin….”, sabi ni Prince sa akin habang pinipisil niya ang aking balikat.
Tumango nalang ako sa kanya. Hindi parin nawawala ang mga ungol na aming naririnig. Nakakapanindig balahibong mga ungol. Dahan-dahan kaming naglakad ni Prince habang sinusundan kung saan nagmumula ang nakakapanindig balahibong ungol. Nanlalamig ang buo kong katawan, kumakabog ang aking dibdib sa sobrang takot, mabuti nalang at kayakap ko si Prince.
Patuloy parin kami sa paglalakad at sinusundan ang ungol hanggang dinala kami ng aming mga paa sa isang sulok ng basement. Medyo madilim na doon pero maaaninag parin namin ang mga bagay. Sa aming pagmamasid ay may napansin kaming isang lumang pintuan na naka-umang ng kaunti. Ang naturang pintuan ay nataktakpan ng isang malaking rebolto kaya hindi agad ito napapansin. Sa likod ng pintuan ay may lumalabas na kaunting ilaw mula sa loob nito. Dilaw ang ilaw kaya tantya ko ay kandila iyon.
Dahil nakabukas ng kunti ang pintuan kaya hindi na kami nahirapang buksan iyon, itinulak namin ng dahandahan hanggang sa ito’y bumukas ng kusa. Mas lalong lumalakas ang ungol na aming naririnig. Hindi na ako masyadong kinakabahan sa takot, mas kinakabahan ako kung ano ang aming matutuklasan sa loob.
Dahil nakabukas na ang pintuan, nakita namin ang isang hagdanang pababa na naman na gawa sa bato. Pero hindi namin diretsong nakikita kung ano ang nasa loob dahil sa tingin ko ay naka-letter- “ L” ang desinyo ng hagdanan kaya kailangan pa naming lumiko ng isang beses. Dahan-dahan kaming naglakad pababa ni Prince habang dinig na dinig namin ang mga ungol. Hindi ko mailalarawan ang aking nararamdaman sa puntong iyon, magkahalong takot, kaba at katanungan. Mabuti nalang at inaakbayan ako ni Prince.
Nang makarating kami sa unang dulo ng hagdanan ay kailangan na naming lumiko ng pakanan. Pagliko namin ni Prince ay bumulaga sa aming paningin ang kahindik-hindik na pangyayari!!!
Kahit malayo pa kami ay nakikita na namin kung ano ang nangyayari sa ibaba!!! Kapwa walang saplot ang dalawang pari na sina Father Joey at Father Guy! Nagse-sex sa isang malaki at lumang mesa gamit lamang ang isang kandila na nagsisilbing ilaw!
Para akong pinagsakluban ng langit at lupa sa aking nakikita!!! Parang dinurog ang aking puso! Tumagaktak ang aking mga luha na hindi ko namamalayan habang nakatingin ako sa kanilang ginagawa. Hindi rin nakapagsalita si Prince. Tinakpan ko ang aking bibig para hindi lumabas ang aking boses sa pag-iyak. Hindi parin nila kami napapansin na nakatingin sa kanilang kawalang-hiyaang ginagawa!
Sa palagay ko ay sasabog na ang aking dibdib sa aking nakikita! Hindi ako nakapagpigil….
“ Mga walang hiya!!!!!!!!!!!!!!”, napasigaw ako! Umalingawngaw sa buong basement ang aking sigaw.
Napatingala sina Father Joey at Father Guy sa amin ni Prince! Mababakas ang gulat sa kanilang mga mukha! Dali-daling tinakpan ang kanilang mga katawan gamit ang kanilang pinaghubarang mga damit. Hindi ko na nakita ang sumunod na pangyayari dahil nag-walk-out ako! Hindi lang walk-out dahil tumakbo ako palabas ng kombento habang hinahabol ni Prince. Nagtatakbo ako hanggang maabutan ako ni Prince sa pathway patungong basketball court. Madilim, walang tao, at tahinik ang paligid.
Napaluhod ako sa daanan at inilabas ang aking saloobin! Umiyak ako ng malakas at tila nawawalan ng lakas sa buong katawan dahil sa aking nakita. Isinuntok ko ang aking kamao sa sahig at umiyak ng todo. Nagmadali namang lumuhod si Prince sa aking harapan para patigilin ako sa aking ginagawa. Niyakap niya ako at doon na bumuhos ang aking mga luha nang maramdaman kong may kakampi pala ako. Humagulgol ako sa balikat ni Prince habang hinimas-himas ni Prince ang aking likuran.
“ Tart!! Tart!!”, hinawakan ni Prince ang aking mukha. “ Tart! Makinig ka! Kailangan nating ipaalam ito kay Msgr. Jacobo ( May pinakamataas ng katungkulan sa seminaryo)!!!”, galit na pagkasabi ni Prince. “ Kailangang malaman nila ang walang kahiyaang pinaggagagawa ng mga pari nila!!!!”
“ Hindi!!!!!”, hinawakan ko ang mga balikat ni Prince habang kami ay nakaluhod parin sa gitna ng daan. “ Hindi!!!! Hindi natin yan gagawin Prince!!!”, pagmamatigas ko kay Prince!
“ Bakit hindi Tart???!!! Nakita mo ba ang ginawa nila??? Hindi nila nirespeto ang Dios!!!”, makikita ko ang galit sa mga mata ni Prince.
Pinikit ko ang aking mga mata at tumulo ang aking mga luha. “ Bakit Prince? Yong ginawa rin natin sa basement noon, sa tingin mo ba nirespeto rin natin ang Dios nun?’, mahinahon kong tanong kay Prince.
“ Hindi Tart!!! Iba sila dahil mga pari sila!!! Naiintindihan mo yon? PARI sila!!!!”, niyuyugyog ni Prince ang aking balikat.
“ Bakit Prince?, pari lang ba ang pinagbabawalan na gawin iyon? Kaya tayong ordinaryong mga tao o seminarista ay malaya nalang kung nakikipagtalik sa kapwa lalaki?! Yan ba ang ibig mong sabihin Prince? Mapa-pari man o ordinaryong tao… sa pagkakaalam ko ay hindi parin tama iyon!!! Kaya ang ginawa natin noon ay wala ‘ring pagkaiba sa ginawa ng mga paring iyon!!!”, sigaw ko kay Prince at hindi parin tumitigil sa pag-iyak.
“ Pero Tart…..”, nagsalubong ang mga ngipin ni Prince sa ibig niyang ipahiwatig sa akin. “ Intindihin mong mga pari sila! Mga alagad ng Dios! Naiintindihan mo ba ako??? Paano pa ako maniniwala sa sasabihin nila sa kanilang homily kung alam kong mga demonyo rin pala sila sa gabi?!!! Ipinagkatiwala sa kanila ang salita ng Panginoon….kaya sila ang mas walang karapatang bastusin iyon!!!!”, inilapit ni Prince ang kanyang mukha sa akin.
Umiyak nalang ako. Hindi ko alam kung ano ang aking gagawin sa puntong iyon. “Pero….Prince….huwag nalang tayong magsumbong sa pinakatataas…. Ayoko….”, niyakap ko si Prince pero umiwas siya, sa halip ay hinawakan ang aking balikat at tinignan ako.
“ Bakit ayaw mong isumbong sila???!!!”, niyugyog ni Prince ang aking katawan!
“ Bakit tart!!!!”, sigaw uli ni Prince!
“ Tama na Prince!!!!”, sigaw ko pabalik sa kanya habang humagulgol sa pag-iyak.
“ Sabihin mo sa akin!!!”, galit na talaga ang mukha ni Prince.
“ Dahil ama ko si Father Joey!”, niyakap ko si Prince at tuluyan nang humagulgol sa pag-iyak.
[
Next Thread |
Previous Thread |
Next Message |
Previous Message
]
| |