VoyForums
[ Show ]
Support VoyForums
[ Shrink ]
VoyForums Announcement: Programming and providing support for this service has been a labor of love since 1997. We are one of the few services online who values our users' privacy, and have never sold your information. We have even fought hard to defend your privacy in legal cases; however, we've done it with almost no financial support -- paying out of pocket to continue providing the service. Due to the issues imposed on us by advertisers, we also stopped hosting most ads on the forums many years ago. We hope you appreciate our efforts.

Show your support by donating any amount. (Note: We are still technically a for-profit company, so your contribution is not tax-deductible.) PayPal Acct: Feedback:

Donate to VoyForums (PayPal):

Login ] [ Contact Forum Admin ] [ Main index ] [ Search | Check update time ]
Subject: Chapters 9-11


Author:
No name
[ Next Thread | Previous Thread | Next Message | Previous Message ]
Date Posted: 14:00:28 06/07/08 Sat

Chapter 9: “ Pugot”

“ Kayo naman! Ginulat niyo ako ahhh! Dapat ilibre niyo ako ng French fries mamaya.”, sina Jinx ( Ang pinaka-unang nakilala ko sa seminary), Win ( Ang chickboy daw) at Ted ( Isa ka katropa nila) pala ang nasa likuran ko.

“ Ganun?”, sagot naman ni Jinx sabay kamayan at tapikan sa likuran as a sign of brotherhood. Pati narin nina Win at Ted ay nakipagsabayan ako. “ Kayo nga dapat ang manlibre sa amin ehh…Aba’y hindi niyo man lang sinabi ni Prince sa amin na maglalaro pala kayo ng basketball ngayon.”, dagdag ni Jinx.

“ Oo nga! Daya naman…” , sabay na tugon nina Win at Ted.

“ Ahhhhh….”, nagkamot ako ng batok. “ Ano kasi mga tol…nagkayayaan lang kami ni Prince total naman maaga kaming nagising, kaya yon…nagbasketball nalang kami.”, paliwanag ko sa kanila.

“ I see.”, sagot naman ni Jinx. “ Pero, sa susunod, magyaya na kayo ha?”

“ Oh sureeee…Why not coconut!”, sagot ko naman kay Jinx.

“ Teka…..ano bang nangyari dun kay Prince at iniwan ka nalang dito?”, pagtataka ni Win.

“ Ahhh..si Prince??? Ano kasi…sabi niya…masakit daw tiyan niya kaya nauna nalang sa kwarto namin.”, paliwanag ko naman.

“ Baka nag-aalburuto ang tiyan nun! Hahahaha!! Hindi mo kasi alam bro na kabagin yang si Prince. Yan ang dapat malaman ng mga chicks para naman madiscourage ang mga yon kay Prince at para narin mabawasan kahit kunti..Hahahaha”, nagtatawanan ang tatlo sa sinabi ni Ted pero ako naman ay napasmile lang ng kunti.

“ Bakit ako???? Hindi naman ako nadiscourage?”, mahina kong sambit.

Biglang naubo si Win. “ Ohooo…ohhh!!! Anong sabi mo Tol?”, tanong niya sa akin.

Nagulat ako at narinig pala niya ang sinabi ko. “ Ahhhhhh…ano! Ahh..sabi ko….oo! dapat ngang madiscourage ang mga babae…yooooonnnn…ahahahahaha”, sabay plastic na tawa.

“ Ahahahaha!!!” tumawa naman ang tatlong itlog.

“ Maiba nga tayo tol, s’an pala kayo kagabi ni Prince nung nagkagulo kami sa dorm?”, tanong ni Jinx.

“ Nagkagulo?!!!!”, sigaw ko. “ Ay sorry….napalakas ko boses ko…ehehehe…Nagkagulo sa dorm? Anong oras? Bakit naman?”, interrogation ko sa kanila.

“ Bandang alas- diyes ng gabi”, sagot naman ni Ted.

“ Ahhhh…banding alas diyes????....ahhh…may nangyari kasi sa amin ni Prince”, sagot ko naman agad na hindi ko pinag-isipan ng masama.

“ ANOOOOOOOOOO????? May nangyari sa inyo ni Prince?? Ewwwwwwwww”, sabay bulalas ng tatlo.

Nako! Patay! Ano ba yong sino ko??? Pahamak ka talaga Tart! Wala kasing preno yang bibig mo!

“ Nako! Nako! Hindiiiiiiiiiiiiii……”, sabay siki-shake-shake ng mga daliri at kamay hiwatig na mali ang interpretasyon nila sa sinabi ko. “ Ang ibig kong sabihin….ano….di ba sabi ko sa inyo, masakit yong tiyan ni Prince??? Di baaaa????? So iyon ang NANGYARI….kaya wala kaming alam sa nangyari sa inyo, ano nga ba ang nangyari?, binato ko naman sila ng tanong para ma-change topic agad.

“ Ahhhhhhhhhh Okkkkkk…..”, sabay sabi ng tatlo. “ Tol!”, hinawakan ni Win ang aking balikat at mukhang seryoso ang sasabihin. “ Tol…..manginginig ka sa sasabihin namin!!!! Alam mo bang may nagpakitang pari kagabi?!!!!”, sabay yugyog ng balikat ko.

Hinawakan ko rin ang balikat ni Win at niyugyog din. “ Ahahahaha!!!”, bigla akong tumigil at hindi nagsalita. Natahimik din ang tatlo. “ SOOOOOOOO WHAAAAAATTTTTTT kung may pari??????!!! Hello…seminaryo kaya ito kaya may mga pari talaga!”, sigaw ko sa mukha ni Win.

Binitawan ni Win ang paghawak niya sa balikat ko at nagpunas ng mukha. “ Ano ba tol, pina-ulanan mo naman ng laway ang mukha ko, ehehehe.”

“ Ngeek! Sorry…”, paghingi ako ng dispensa kay Win. “ Kayo kasi ehhh, nagpapatawa ba kayo?”

“ Hindi pa ako tapos…”, dugtong naman ni Win. “ Ang nakita naming pari…..ay……pugot! As in…walang ulo! Naglalakad sa hallway ng 3rd floor! Tama…sa hallway natin!!!!!!”, sabi ni Win habang may halong pananakot ang tinig at nanlilisik ang mga mata.

Biglang nanginig ang mga tuhod ko. Nanlamig ang mga kamay, paa, batok at tiyan ko sa aking narinig. Matatakutin talaga ako when it comes to multo-multo thingy. Parang nanglupaypay ang buo kong katawan.

“ Tart??? Tart??? Okay ka lang ba?”, pag-aalala nina Jinx. Kaya’t pinaupo nalang muna nila ako sa bench na nasa tabi namin.

“ Para akong nahihilo mga tol, sampo-sampo na ang nakikita ko sa inyo. Teka…totoo ba yong sinabi niyo? Wala namang ganunan ohh…”, paglilinaw ko sa kanila.

“ Totoo nga ehh, kahit kanino mo pang itanong dito sa dorm, nagkagulo talaga kami kagabi dahil sa paring pugot na yon!”, dagdag naman ni Jinx na may halong takot rin sa mukha.

Hindi na ako nag-follow-up question dahil baka mas lalo akong matatakot sa sasabihin pa nila. Tumayo nalang akong bigla.

“ Ahhh sige mga Tol! May marami pa kasi tayong gagawin di ba? Ayan na nga ang araw ehh papasikat na…Sige bye bye…”, sabay talikod sa tatlo na naka-upo pa rin sa bench.

“ Ahhh Tart!”, nyay! Para akong nataranta at napahinto sa aking paglakad. Nilingon ko uli sila. “ Tart, mag-ingat ka sa hallway”, sabi ni Jinx.

Patay! Gusto ko nang magwala! Gustong magsisigaw! Gusto kong magta-tumbling tumbling para mawala ang nerbyos ko sa katawan. Pero dapat poise parin ako sa harapan nila. Huhuh….

“ Ano bah! Tigilan niyo na nga yan! Optical illusion niyo lang yon!”, sabay balik sa aking paglakad.

“ Tart!!!”, sigaw uli sa aking pangalan. Tinakpan ko na ang aking mga tenga dahil ayoko nang marinig pa ang kanilang sasabihin.

“ Tart!!!”, sigaw uli ni Jinx.

“ Oo na! oo na! may paring pugot! So what?!!!!”, sigaw ko sa kanila.

“ Hindi….”, sagot naman ni Jinx. “ Pinapaalalahanan lang kita sa appointment mo kay Father Joey mamaya, nabanggit niya kasi sa akin kahapon.”, akala ko kung ano na naman ang sasabihin ni Jinx.

“ Opo…”, yon nalang ang sinagot ko kay Jinx at nagmamadali nang maglakad pauwi ng dorm.


Nagmamadali akong pumasok ng kwarto dahil sa takot na baka magpakita sa akin ang sinasabi nilang paring pugot. Di ko napansin na nakatayo pala si Prince malapit sa pintuan kaya nabunggo ko siya! Bigla niyang nabitiwan ang dala-dala niyang average size na tupperware. Nalaglag sa sahig ang mga laman nito at nagkalat. Mga capsules at tablets ang mga iyon. Nataranta ako kaya dali-dali akong naupo at pupulutin sana ang mga nalaglag. Naupo rin si Prince kaharap ko at tinitigan ako mata sa mata.

“ Huwag na! Ako nalang…”, tapos pinulot niya ang mga tablets.

Hindi ako nakapagsalita dahil nagtataka ako sa ikinikilos niya. Tinitigan ko nalang ang mukha niya habang pinupulot niya ang mga capsules at tablets samantalang ako naman ay dahan-dahang tumayo.

“ I’m sorry…hindi ko sinadya bro, nagmamadali kasi ako. Ahmmm….”,napahinto muna ako. “ Ahhhh….okay na ba ang pakiramdam mo?”, tanong ko sa kanya habang nakatayo parin sa harapan niya at unti-unting naglakad paatras, pa-upo sa kama.

“ Don’t worry, okay lang ako bro…nawala na ang sakit ng tiyan ko, uminom na ako ng gamot”, sagot nito habang pinupulot parin ang mga nalaglag na gamot.

“ Ahhhh ganun ba? So…mabuti naman!”, tugon ko habang nakatingin sa kanyang kamay at nawala rin ang pag-aalala ko sa kanya.

Muli akong nagsalita.“ Nais ko rin kasing sabihin sa’yo na…….. may nangyari pa lang kababalaghan kagabi sabi nina Jinx at tropa. May….ano….may….paring pugot daw na naglalakad dito sa hallway natin.”, sabi ko sa kanya habang pinagmamasdan ko ang pagpasok niya sa mga capsules paloob sa Tupperware.

“ Ganun ba? Baka niloloko ka lang ng mga ‘yon! Mahilig manakot ang mga’yon! Minsan nag-iimbento ng mga kwento. Bagay-bagay…kung anu-ano….”, sagot nito habang patayo na.

“ Sabi kasi nila….kahit itanong ko raw kahit sino dito…alam na daw ang tungkol sa pugot….”, bumuntong huminga ako habang nakatingala sa kanya.

“ Baka guni-guni lang nila ‘yon! Wag ka ngang maniwala agad. Anyway, wala ka namang dapat ikatakot kasi…andito naman ako…”, ngumiti pa ito ng maloko. “ Tsaka… simula mamayang gabi, di ba magkatabi na tayo sa kama kasi nga….ikaw yong nanalo sa dwelo natin. Congratulations pala tol! Galaing mo palang magbasketball!! Hanip!!! Tsk tsk!!”, nakikita ko ang kanyang mapuputi at well-arrange na ngipin.

“ Dahil magtatabi na tayo mamaya sa kama….kaya….just hug me nalang kung natatakot ka sa sinasabi nilang pugot. Hehehehe…”, sabay tawa ng napakatamis na nagpaliit ng mga mata niya.

Nagkunot noo naman ako dahil hindi ko na-digest agad ang ibig niyang sabihin na okay lang daw sa kanya na yakapin ko siya. “Nahahalata na kaya niya na ganito ako? Pero….kakalaro pa lang namin ng basketball kanina, kitang kita niya kung gaano ako ka barako sa hardcourt. Bakit kaya?”, nagtataka pa rin ang pagmumukha ko.

“ Hoy!! Joke lang ‘yon! Ano ka ba? Bakit ba ang seryoso ng mukha mo? Halika ka nga….”, nilagay niya ang Tupperware sa tabi ko at hinila naman niya ang magkabilang kamay ko. “ Tayo ka na…tayo……ayan!”, sabi niya nung nakatayo na ako sa harapan niya.

“ Dapat ay... straight yang likod mo, don’t slouch”, inayos niya ang pagkakatuwid ng likod ko. “ Yan dapat bro para hindi mabawasan ang ganda nating lalaki. Hehehe”, sabay ngiti nang mapatingin sa akin.

“ Yes Sir!”, ngumiti rin ako sa kanya at salute.

“ Good! Mag-ayos ka na at marami pa tayong gagawin at baka mahuli pa tayo sa simbahan”, mandatory speech kuno niya.

“ Sir! Yes! Sir!”, sagot ko naman agad.


************


Bandang hapon ay umuwi ako sa seminary dahil naalala kong may appointment pala ako kay Father Joey. Mahaba kasi ang breaktime ko every afternoon ng T-TH . Malapit lang kasi ang seminary sa pinapasukan naming university.

Habang naglalakad ako papuntang seminary office…

Ringgggggggggg…Ringggggggggggggg……

Kinuha ko sa aking bulsa ang cellphone, si Mama pala.

“ Hello Ma?”

“ Kumusta na ang Sweet-Tart ko?”, tanong ni Mama.

“ Ito…gwapo pa rin, hehehehe”

“ Hehehehe, tama yan baby!”, nag-pause muna ito. “ Kumusta ang pagkain mo dyan? Ang room mo? Ang mga kasama mo?”

“ Don’t worry ma, I’m okay naman dito, I’m enjoying my stay.”

“ Nagkita na ba kayo?”, tanong ni Mama at the same way ay change topic na rin.

“ Hindi pa nga ehhh…maya-maya seguro. Tsaka buti nalang nabanggit yon sa akin kanina ni Jinx, yong isa sa mga kaibigan ko dito. Hindi nga ako mapakali ehh everytime iniisip kong makikita na siya sa wakas. Kinikilabutan nga ako ehhh… hindi ko alam kong anong gagawin ko kapag magkaharap na kami.”, may halong pag-aalala na sabi ko kay Mama.

“ Natatakot ka ba?”, tanong ni Mama.

“ Syempre naman Mama! First time ko siyang makikita in my whole life with my naked eye!”, exaggerated kong sagot kay mama.

*********

Kinakabahan ako nang pinapasok na ako ng secretary ni Father Joey sa office nito. Baka anong sasabihin niya sa akin. Pasaway kasi ako ehh!!! Grrrr…kainis ka talaga Tart kaya napatawag ka tuloy!

Fully aircondationed ang office ni Father Joey. Nakita ko siyang naka-upo sa swivel chair at may binabasa sa white table niya, habang naka-on naman ang monitor ng pc niya na nasa tabi ng mesa. Maraming paintings ng kung sinu-sinong santo ang nakasabit sa wall nito. May bookshelves sa kabilang gilid ng office at sa tapat naman nito ay may aquarium!

“ Wow!!!”, bigla kong nasabi. “ Ayyy! Ohhh….”, tinakpan ko agad ang aking bibig.

Napatingala si Father mula sa kanyang binabasa. “ Sooo…sorry father….”, sabay pag-aasim ng mukha ko at napayoko.

===============================================================


Chapter 10: “ I DO”

“ Ahmm, no need to say sorry son”, sabi ni Father Joey habang nakatingala sa akin. “Have a sit”, bukas palad niyang itinuro ang silyang nasa harapan ko. Umupo ako sa tapat niya.

“ Salamat po father.”, mahinang sabi ko sa kanya habang nakayuko ang ulo.

“ Welcome!”, masayang sabi niya kaya napatingin ako sa mukha niya. Sinalubong naman niya ako ng ngiti kaya ngumiti rin ako sa kanya.

“ Napansin kong natuwa ka nang makita mo ang isda sa aquarium ko, bakit anak? Mahilig ka rin ba sa mga isda?”, tanong ni Father Joey sa akin.

“Po????”, matagal akong hindi nakapagsalita. Hindi ko mailalarawan ang aking pakiramdam ngayong kaharap ko na si Father Joey. Ang bait niya pala. Mabilis ang paghinga ko habang ang mga mata ko naman ay pumupungay sa hindi mailarawan na pag-aanghang ng aking paningin.

“ Son, are you okay?”, pagtataka ni Father Joey at bahagyang inilipat pasulong ang kanyang silya patungo sa mesa niya para makita niya ako ng malapitan.

“ Haaa?? Ahhhh…Opo!”, nag-change mood agad ako na mukhang hyper as usual kahit ganun parin ang pakiramdam ko. “ Okay na okay po father! Na-starstruck lang ako sa inyo…ehhh…kung hindi ko seguro alam na pari ka, malamang ehh napagkamalan kitang artista!”, sabay ngiti sa kanya at muling nagpatuloy. “ Tsaka…ano po! Na-amaze po ako sa aquarium niyo! Ang gaganda ng mga isda…”, pinagtiklop ko ang aking mga kamay at nilingon ang aquarium. “Namimiss ko na kasi yong mga isda ko sa bahay father…kung hindi niyo po naitatanong, mahilig po talaga ako sa isda…..”, sabay taas ng boses na nagpapahiwatig na masaya ako.

“ Hahahahaha!!!!”, tumawa ng malakas ni Father Joey habang nakatingala sa kesame, muli naman itong tumingin sa akin. “ I like your attitude son! Masayahin ka pala at medyo….”, huminto muna ito at itinaas ang dalawang kilay. “ Madadal…”, muli itong tumawa.

Napanganga ako at dahan-dahang ngumiti narin at tumawa ng malakas kasabay ni Father Joey. “ Hahahahaha!! Hahahahaha!!! Parang ganun nga ako father.”, dugtong ko uli sa kanya.

Masayahin din palang tao si Father Joey kagaya ko, sana mas magiging close pa kami para parati ko siyang mabibisita at makakwentuhan sa office niya. Pareho rin kaming mahilig sa isda, kaya alam kong magkakasundo kami. Habang tinitignan ko siyang tumatawa, napakagaan ng pakiramdam ko… Ang sarap makipagtawanan sa taong ito dahil napakagaan ng loob ko sa kanya.

Ang magaganda niyang ngipin, ang masaya niyang mata at ang kaunting wrinkles sa gilid nito ay tanda na masayahin siyang tao. Sa tingin ko ay nasa mid-40’s na siya, pero mababakas parin sa features ng mukha niya na gwapo siya noong kabataan niya. He’s wearing eyeglasses, white polo at slacks na mas nagpapormal ng pigura niya. Sa tingin ko ay mas matangkad pa siya ng kaunti sa akin. Masaya ako dahil sa una pa lang naming pagkikita ay pinuri na niya ang pagiging positibo ko. Gusto ko siyang yakapin at pasalamatan.

“ Salamat sa ano anak?”, natigilan ako sa tanong niya.

“ Ah…ano..salamat…po…sa…. mainit na pagtanggap niyo sa akin dito, lalo na po sa inyo. Ang bait niyo pala! Masayahin at pala kwento.”, sagot ko naman sa kanya.

“ God is happy everytime he sees us smiling, kaya…it’s good to be happy all the time my son!”, hindi ko akalain nang abutin niya nag isang kamay ko na nasa mesa niya at hinawakan niya ito. Napatingin ako sa kamay naming dalawa at muli ko siyang tinignan sa mata. “You’re very welcome in this family my son”, sabay ngiti at pisil sa palad ko.

Hindi ako nakapagsalita. Basta ang alam ko nung oras na iyon, dinarama ko ang hawak niya sa akin at napapikit ako ng sandali. Napakagaan at mapakasaya sa pakiramdam. Sa tingin ko ay nakatagpo ako ng pangalawang ama sa seminaryong ito.

“ So…Don’t forget sa mga ibinilin ko sa iyo ha? Always attend our prayer sessions and always rely on your chores schedules, dapat kusa mo yong ginagawa ha? Sleep and wake-up early for you to balance your studies and time for God. Update always for your holy mass services. You’ve told me that you were once an acolyte so you have a background already of what are the things that you need to do. But still, you have to attend the orientation for more clarification. Okay lang yan anak…”, tumayo siya at tinapik ang balikat ko noong napansin niyang kumonot ang noo ko habang sinasabi niya ang mga ‘yon sa akin. “ Hindi ka naman namin pahihirapan dito,hindi naman to military school, it’s part of your training process for you to become a good son of God.”, nagsmile siya sa akin.

“ Ahmmm…don’t worry father…okay na okay lang po yon! Nag-eenjoy nga ako dito ehh”, ngumiti rin ako pabalik sa kanya.

“ So…I think… things are clear already, don’t hesitate to visit me here always. Okay na ba….. Marty Jeph? Or can I call you MJ?”, tanong niya habang naglalakad patungo sa inuupuan ko.

Tumayo naman ako para magkaharap kami. “ Tart po father, Tart nalang po, yon kasi ang tawag nila sa akin.”

“ No problem my son, Tart”, sabay tapik uli sa likuran ko habang naglalakad kami palabas ng office.

*******************

Masayang masaya akong naglalakad ako sa hallway patungo sa room namin ni Prince. Alam kong isa sa dahilan kung bakit masaya ako dahil sa pag-uusap namin ni Father Joey. Pasipol-sipol ako ng biglang nag-ring ang cellphone ko kaya kinuha ko ito mula sa bulsa.

Accept Call. “ Hello?”, sagot ko.

“ Marty Jeph! Anak…kumusta ka na?”, tanong ng nasa kabilang linya.

“ Papa naman oh! Kailangan bang banggitin ang buong pangalan ko?”, sagot ko naman kay Papa.

“ Oo na…Tart, anak, okay ka lang ba diyan sa seminaryo?”

“ Okay naman po papa, don’t worry…masaya ako rito. Kayo po diyan sa Jordan? Okay ka lang ba dyan pa?”, pangungumusta ko kay papa.
“ Kagaya mo, Okay lang din ako dito anak. Pag-igihan mo ang pag-aaral diyan ha?”, paalala nito.

“ Opo, tsaka ikaw naman diyan papa, huwag kang magpalipas ng kain diyan”, sabi ko sa kanya. “ Miss na po kita, kayo ni mama. Mabuti naman po at after 3 months ay nakatawag ka uli sa akin.”

“ Oo naman anak, pasensiya kung hindi madalas ang pag-uusap natin, alam mo naman…”

“ Opo…nagtitipid kayo sa phone bills…I understand, sige po papa… Ingat kayo lagi diyan”

“ Lagi naman anak, sige…ba bye…”, call ended. Napangiti nalang ako habang inaalala ang mukha ni papa. Miss ko na rin siya, ilang taon na din si papa na nagtatrabaho sa Jordan. Lagi niyang sinasabi sa akin na kumakayod siya ng maigi para sa akin, kaya hindi ko siya dapat biguin. Malaki talaga ang pasasalamat ko sa kanya, sa pagtanggap niya……………. sa aking pagkatao.

Hindi ko namalayan na umabot na pala ako sa pintuan ng room namin ni Prince. Pagbukas ko ng pinto…

“ Mama mo?”, tanong ni Prince.

“ Hay, nako…pakialamiro ka parin…Tatay ko yon, nangungumusta lang”, sagot ko naman sa kanya habang pinapagpag ang sapatos sa doormat at pagkatapos pumasok na.

Pagtingin ko sa kanya, nakaupo si mokong sa kama na naka basketball shorts at sando. Nakayuko at bahagyang nakatakip sa mukha niya ang kanyang buhok. Nag-aadjust pala ng guitar string.

“ Wow!!!!!”, sigaw ko. “ Lupit mo tol!!!! Ba’t di mo sinabi sa akin na may gitara ka pala!”, tinanggal ko agad ang aking knapsack at inihagis sa kabilang kama at nagmadali naman akong umupo sa tabi ni Prince.

“ Bigay sa akin kanina…”, sagot nito.

“ ‘Nino?”, tanong ko naman sa kanya.

“ Secret…”,sabay tingin at ngiti sa akin, tapos yumuko uli.

“ Ang daya mo talaga! Kung ikaw nagtatanong sa akin, sinasagot kita pero kung ako naman magtatanong sa’yo…pa-secret-secret pa to! Grrrrr!!!”, sabay porma ng aking kamay na kunwaring tutusurin ang ulo niya, pero di niya napansin.

Umaayos ako ng pagkakaupo sa tabi niya. Tinignan ko yong mukha niya. Gwapo niya talaga. Inilapit ko nang kaunti ang ulo ko sa balikat niya, kunwaring nakikitingin sa pag-aadjust niya ng string pero iba naman pala ang pinupunterya ko sa kanya. Gusto ko siyang amuyin…hehehe. Nung nakalapit na ay, nag-inhale ako ng dahan-dahan….ang bango ni mokong ko! Hmmmmm…sarap yakapin. Amoy nga uli Tart…hmmmmmm….ang bango talaga!!!!! Super!!!! Napangiti nalang ako ng sekreto habang busy parin ang gago sa pag-aadjust.

Ngayon ay napatingin naman ako sa balikat niya dahil nga nakasando lang ito. Ang sarap hawakan… seguro kung mag-gi-gym si mokong ay mas lalong magiging pormado ang muscle nito sa braso. Nakita ko ang piklat mula sa injection ng immunization nito, napangiti ako, ang cute tignan. Napaisip tuloy ako, ilang taon na ba ang nakaraan noong umiyak si mokong noong ininjectionan siya? Hehehe. Ang cute niya segurong tignan. Pero mas cute siya ngayon…hmmm…sarap talagang panggigilan!!! Sarap kagatin ng balikat! Sarap yakapin ni Prince!!!! Habang naglalaro iyon sa aking isipan napansin pala ito ni Prince.

“ Anong ngiti-ngiti mo dyan?”, nilingon niya ako mula sa pagkakayuko kaya nagkalapit ang mga mukha namin! Napalunok ako at nanlaki ang mga mata ko!!!

Bigla akong gumalaw. “ Ngiti ka dyan!...Ang tagal mo kasing mag-tuno ng string ehh!! Akin na nga yan!”, hinila kong bigla ang gitara mula sa kanya.

Binigay naman niya ito sa akin. Napakunot ang noo nito at nagtanong. “Bakit?....marunong ka bang mag-gitara?”

Napahinto ako sa pagpihit ng adjuster at tinignan siya. “ Watch and learn!”

Tumahimik si Prince at nakinood nalang sa pag-aadjust ko. Tinitest ko ang tuno nito by plucking each strings…

“ Oh ayan! Hindi na sintunado. Ano? Bilib ka na sa akin? Hehehe”, pagmamayabang ko.

Napangiti si mokong at itinaas ang kamay papunta sa likuran ko. Tinapik niya at pagkatapos ay umakbay sa akin!

“ Nakz! Galing mo pala, kaya ko rin naman yon brod…kinuha mo lang kasi…”, paliwanag nito.

Ako naman ay kinilig dahil sa pagkakaakbay niya sa akin. Nararamdaman ko ang bigat ng kanyang braso pero di na ako nagreklamo, blessing ko na nga yon ehh. Sabi nga nila, just grab the opportunity nalang.

“ Owzzz…sa presinto ka na magpaliwanag brod! Hahaha!”, tinawanan ko nalang siya. “Oh ayan!”, muli kong isinauli sa kanya ang gitara.

“ Bakit mo binalik sa akin?”, pagtataka ni Prince.

“ Ahmm…tapos na akong nagpakitang gilas, kaya it’s your turn naman brod..”, at nilakasan ko na rin ang loob kong akbayan siya. Umurong ako ng kaunti para tumawa ng mahina, kinikilig kasi ako. Ehehehehe….

“ Sige…. “, sagot naman niya sa akin. “ Pwede ko bang kantahin ang favorite song ko?”, tanong naman niya.

“ Kahit ano brod…’kaw bahala diyan”, at pinisil ko ang balikat niya. Tumawa na naman ako ng mahina. Kakakilig talaga itong si Prince. Feeling ko tuloy ako ang hinaharana niya. Toink! Ambisyoso mo talaga Tart! Heheheh.

Sinimulan na ni Prince ang pagpa-pluck ng guitar strings. Intro pa lang ay familiar na sa akin ang kanta… Wow! Ang favorite song ko yata iyon! Bakit yon alam ni Prince?

Bigla kong hinawakan ang kamay ni Prince para mahinto muna ang pagtugtog niya. For the first time ay nahawakan ko ng kusa ang kamay niya. Mahahaba ang daliri nito na parang kandila. Maganda ang porma ng kuko at pinkish pa as its natural color.

“ Wait…. Favorite song ko yata yang tinutugtog mo brod… I DO ba sana ang kakantahin mo?”, tanong ko kay Prince.

“ Yup! I DO ang kakantahin ko brod, bakit favorite song mo din ba yon?”, tanong ni Prince sa akin, ibinaba ko na ang aking kamay mula sa kanyang balikat dahil baka mapansin niyang nag-titake advantage na ako.

Tumango ako at nagpacute kuno. “ Of course! Fave song ko talaga ang I DO!”

“ Ayos!!!”, umakbay uli siya sa akin at tinignan ako. “ Sige sabayan mo akong kumanta brod ha?”.

“ Sure!!! Why not!”, sagot ko naman agad. Muli siyang bumitaw sa pagkakaakbay sa akin para tapikin uli ang gitara.

Excited talaga akong kumanta ng “I Do” lalo na’t alam kong favorite song din pala ito ni Prince. So this means?????? Ahahahahahahaha!!! Compatible kami ni Prince!!!! Wow!!!

Sinimulan na ni Prince ang intro by plucking the strings…kay sarap pakinggan! Kay gwapong tignan ni Prince habang papikit-pikit pa ito, sarap nakawan ng halik.

Natulala ako ng sinimulan na ni Prince ang pagkanta. Wow! Ang ganda ng boses! Pwede na siyang sumali sa isang boy band! Complete package na siya! Ang galingggggggg!!!! Kakakilig ang boses ni Prince!!!! Ang sarap sa tenga….. kaya sinabayan ko na rin siya…

All I am, all I'll be
Everything in this world
All that I'll ever need is in your eyes
Shining at me

When you smile I can feel
All my passion unfolding

Your hand brushes mine
And a thousand sensations seduce me cause I

[Chorus:]
I do cherish you
For the rest of my life
You don't have to think twice
I will love you still
From the depths of my soul
It's beyond my control
I've waited so long to say this to you
If you're asking do I love you this much
I do.

In my world before you
I lived outside my emotions
Didn't know where I was going
'Til that day I found you
How you opened my life to a new paradise
In a world, torn by change
Still with all of my heart 'til my dying day

===============================================================


Chapter 11: “ Prince KiSS”

“ Wow ang sweet naman ng dalawa! Hahhaha”, bigla kaming napahinto ni Prince sa pagkanta. Hindi pala namin namalayan na nasa pintuan sina Jinx at Win. “At nagkakantahan pala kayo ha!”, dagdag ni Jinx.

“ Uy! Andito pala kayo! Bakit may dala kayong bag? Magtatanan ba kayo, hehehe?”, ganti ko naman sa kanila sa pang-aasar nila sa amin ni Prince.

Pinapasok namin sina Win at Jinx sa room. Kinwento ng dalawa na kailangan daw muna nilang lisanin ang room nila sa utos na rin ni Father Joey at Father Guy. Pinarepair daw kasi ang bubungan ng room nila at nirepaint narin kaya dilakado sa kanilang kalusugan kung mananatili sila doon.

“ Oo nga! Baka masuffocate pa kayo don, kaya welcome na welcome kayo dito sa room namin ni Tart”, sabi ni Prince sa kanila. Medyo nalungkot ako dahil hindi ko masosolo si Prince ngayong gabi pero naiintindihan ko naman ang sitwasyon ng dalawa.

“ Mga brod, ok lang ba sa inyo kung magtatabi muna kayo sa iisang kama?”, paki-usap ni Jinx sa amin ni Prince.

“ Ahhh sure brod! Ehhhh sanay naman kami nitong si Tart na magkatab…Aray!”, biglang naputol si Prince dahil tinapakan ko ang kanyang paa. “ Aray!! Array!!”

“ Ahhh sorry brod…may ipis kasi.”, palinawag ko naman. “ Ahhh ang ibig sabihin ni Prince ay…sanay kaming….kaming…magkatab….magakatabingi matulog! Yon! So walang problema kung magtatabi kami, tsaka…kayo naman diyan magtatabi sa kamang yan”, sabay turo ko nina Jinx at Win sa kabilang kama. Hayyy akala ko mabubuking na kami ni Prince na magkatabi kami kung matulog, ito kasing si Prince ehh di nag-iisip ng sasabihin. Buti nalang….

So, hindi parin pala ako lugi dahil magkatabi parin kami ni Prince, samantalang sina Jinx at Win naman ay magkatabi ring matutulog sa kama ni Kent na hindi ko ginagamit. At least, masaya parin ako sa piling ng prinsepe ko…hehehe.

Habang inaayos nina Jinx at Win ang kanilang mga gamit pati na rin ang kama ay nagkakwentuhan kami tungkol sa paring pugot. As usual ay pinapalitan ko ang topic dahil natatakot ako, pero kahit anong pilit kong change topic, humahantong parin ang usapan sa paring pugot. Sa bad trip ko sa kanila ay umupo nalang ako sa tabi ng study table at kunwaring nabo-boringan sa usapan nila, buti nalang napansin iyon ni Jinx.

“ Uy…pareng Tart, mukhang nagmomukmok ka diyan…teka…may naisip akong kalilibangan natin…. Ito oh!!! ( Ting!)”, napalingon kaming tatlo nina Prince at Win kay Jinx para tignan kung ano ang kanyang ibig sabihin. Parehong naka-upo sina Prince at Win sa kaliwang kama ( kama namin ni Prince), samantalang si Jinx naman ay doon sa kanang kama ng yumaong si Kent.

“ Ano yan?”, sabay na tanong naming tatlo kay Jinx.

“ Ang bowl na ito ay may lamang nakatuping mga papel. Nilaro kasi namin ito kanina ngunit di namin natapos kaya tayo nalang apat ang maglalaro nito. Ang larong ito ay tinatawag na….Consequence or consequence, dahil kahit anong gawin mo…wala kang pagpipilian kundi consequence lang talaga! Hahahah!”, paliwanag ni Jinx sa amin.

“ Ano ba yan! Ang daya…hehehehe. Ehhh ano naman ang consequence kung hindi gagawin ang consequence?”, reaction ko naman agad.

“ Ang unang mahihintuan ng bote ay siya ang doer ng consequence, ang pangalawang ituturo ng bote ay ang receiver sa gagawin ng doer. Kung sakaling hindi gagawin ng doer ang ipapagawa sa kanya, diiii??? Aha! Alam ko na! dapat lalabas siya for 1 hour at hihintayin niyang magpakita ang paring pugot!, Kung hindi magpakita, idiii swerte siya”, yon ang instruction ni Jinx.

Gusto ko sanang tumutol pero, hindi kasi kumibo sina Prince at Win kaya hindi nalang ako pumalag, baka kasi mahalata pa nilang matatakutin talaga ako sa multo.

Wala naman kaming ginagawa kaya pinagtyagaan nalang namin ang sinabing laro ni Jinx. Naka-squat kaming apat sa sahig na bilogan ang posisyon. Nilapag ni Win sa gitna ng sahig ang bote ng mineral water.

Unang ikot. Mabilis…mabilis…katamtaman…unting humihina…nang humina at…si Win ang itinuro nito. Pangalawang ikot naman nito ay si………….Prince ang itinuro.

Si Win ang bumunot ng consequence dahil siya ang unang itinuro. “ Sayawan mo ng macho dancing ang receiver mo”, iyon ang nakasaad sa papel. Kaya game na game naman itong si Win.

Si Win ay ang tipong medyo moreno na nakadagdag ng sex appeal nito. Tumayo si Win sa harapan ni Prince na noon ay nakasquat parin. Gumiling-giling naman itong si Win at unti-unting tinatanggal ang tshirt at pagkatapos ay inihagis sa mukha ni Prince. Kakalibog kung siya’y tignan, di naman kami mapigil sa paghiyaw at pagtawa. “ Woooooooooohhhhhhhhhhh….” Medium build ang katawan ni Win pero ang mas napansin ko ay ang mala-bikini cut ng kanyang abs papunta sa loob ng kayang brief. Dahil sa katuwaan ay hinila ni Prince ang basketball short ni Win kaya tumambad sa aming harapan ang naka-brief na mala-macho dancer.

“ Wow…”, sigaw ng isipan ko. “ Para akong nasa club! Hehehehe. Sana ganun din ang gawin ni Prince, sana silang tatlo nalang magmacho dancing at ako ang sasayawan nila!”, ang landi talaga ng isipan ko.

Matapos ang consequence ni Win ay muli na namang inikot ang bote. Kinakabahan ako dahil baka ako ang mahintuan nito…… pumikit nalang ako nang…..

“ Prince!!!!! Whoohh!! Ikaw ang doer bro!!!”, sigaw nina Win at Jinx.

Sinundan naman iyon ng pangalawang ikot. Kinakabahan talaga ako nun! Paano kung sa akin huminto? Whaaaaaaaahhh!!!!!! Tama nga ang pakiramdam ko dahil……ako ang itinuro. Lagot! Baka anong mabunot ni Prince.

“ Dapat i-kiss sa lips ng doer ang receiver for 5 minutes!!! Whattttttttttt???????”, sigaw ni Prince ng mabasa niya ang consequence.

Muntik na akong himatayin! Para akong nilalagnat, hindi ko alam kung ano ang dapat kong reaction, kung papayag ba ako o hayaan nalang siyang lumabas ng room for 1 hour as his consequence sa hindi paghalik sa akin.
“ Uy bro! huwag kang magbiro ng ganyan! Walang ganyanan naman oh! Lumabas ka nalang ng room at doon kamakipaghalikan sa paring pugot for 1 hour!!! Hehehehe”, panunukso ko kay Prince, though sino naman ako para hindi pumayag na halikan ng isang mala-prinsepe pero ang iniisip ko ay kung ano nalang ang sasabihin o iisipin nina Jinx at Win? Baka mapansin nilang gusto ko rin ang gagawin naming halikan ni Prince. Ayoookooo!!! Nalilito na ako!

“ Ayoko ko! 1 hour kaya yon! Ehh itong gagawin natin ay 5 minutes lang kaya…ito nalang! Ano ka ba Tart….its part of the game lang naman, di ba mga brod? Walang malisya”, panghahamon ni Prince sa akin.

“ Oo nga brod Tart!!! Sige nahhhh!!! Whooooohhhh!!!”, pang-aaalaska naman ng dalawa.

“ Bahala ka! Halikan mo ang sarili mo!”, pakipot effect pa kuno ako.

Gumapang si Prince papunta sa akin habang ako naman ay naka-squat parin. Hindi na ako nakakilos o nakapalag man lang sa gagawin niya. Nanlaki nalang ang mga mata ko at napabukas ang bibig. Hinila niya ang balikat ko at pagkatapos ay hinawakan naman ng magkabila niyang kamay ang mukha ko. Bigla niyang hinila ang aking mukha papunta sa kanya at ako naman ay agad napasubsob sa kanyang mga labi! Nanginginig ang kalamnan ko! Para akong nilalagnat sa mga labi ni Prince! Hindi ko na naririnig ang hiyawan nina Jinx at Win sa amin, ang alam ko lang ay naghahalikan kami ni Prince! Imbes na mapapapikit ako ay nakadilat ang mga mata ko na parang nananaginip parin sa nagyayari sa amin ni Prince.

Kahit hindi gumagalaw ang mga labi namin, but the fact na nagkalapat ang mga ito ay malaking bagay na ‘yon sa akin. Pakiramdam ko ay parang unti-unti kaming lumulutang sa hangin. Tinitigan lang din ako ni Prince at may halong manunukso pa ang mga mata. Pero dahil sa nawalan na ako ng lakas, wala na akong magawa kung hindi magpaubaya nalang kay Prince. Sinamsam ko ang bawat segundo habang andyan pa ang mga labi ni Prince. Sana hindi na matapos ang pagkakataong ito.

Mas lalong nag-init ang mukha, tenga at leeg ko nang maramdaman ko ang mainit na palad ni Prince na nakahawak sa mukha ko. Hindi ko mapigil ang pamba-blush ko! Paano na’to? Nakakahiya sa kanila!!! Gusto kong sitahin si Prince, pero lupaypay na ang buo kong katawan! Wala na akong lakas para itulak si Prince. Kay sarap ng kanyang labi…kung seguro igagalaw ni Prince ang kanyang mga labi…makikipaglaplap na talaga ako sa kanya, pero…

“5,4,3,2,1………..STOP!”, para akong nagising nang marinig ko iyon mula kina Jinx at Win.

Binitawan ni Prince ang pagkakahawak niya sa mukha ko at nagsquat agad sa tabi ko.

“ Ohhhhh!!! Kumusta naman yon tol? Ok ba?”, sabay lingon sa akin. Hindi parin ako nakapagsalita, sa palagay ko ay pulang-pula ang mukha ko. “ OHhh mga brod…apir naman diyan! Wala palang binatbat yang mga challenges niyo diyan sa bowl ehh…di ba Tart? Hehehe”, tumawa si Prince ng malakas at nakitawa na rin sina Win at Jinx.

Nagsalubong ang mga kilay ko, pakiramdam ko kasi pinagkaisahan nila ako! Magsasalita na sana ako ng biglang tumunog na ang speaker for 10:00pm time check and prayer. Biglang tumahimik ang buong silid. Hindi ko parin lubos maisip na hinalikan ako ni Prince! Pinagtawanan pa niya ako! Kakainis siya!

[ Next Thread | Previous Thread | Next Message | Previous Message ]


Post a message:
This forum requires an account to post.
[ Create Account ]
[ Login ]
[ Contact Forum Admin ]


Forum timezone: GMT-8
VF Version: 3.00b, ConfDB:
Before posting please read our privacy policy.
VoyForums(tm) is a Free Service from Voyager Info-Systems.
Copyright © 1998-2019 Voyager Info-Systems. All Rights Reserved.