Author:
TOLSKY
[ Edit | View ]
|
Date Posted: 02:16:38 05/28/04 Fri
Author Host/IP: NoHost/210.5.114.254
>Pabonggahan sa 'quick count' ng GMA-7 at ABS-CBN
>
>NAGPALIPAT-LIPAT kami ng panonood sa GMA-7 at ABS-CBN
>para antabayanan ang mga pinaka-huling resulta ng
>eleksiyon ngayong taon.
>
>Habang pinapanood namin ang coverages ng dalawang
>networks ay hindi namin maiwasang pagkumparahin ang
>kani-kanilang "quick count." Naging kapansin-pansin sa
>amin ang mabilis na pag-uulat ng ABS-CBN hinggil sa
>mga resulta ng halalan para sa pagkapangulo,
>pangalawang pangulo at pagka-senador. Mas malaki agad
>ang mga bilang ng botong iniuulat ng Dos kaysa sa
>Siyete. Agad kaming nag-isip kung paano iyon nangyari.
>
>Sa pagkakaalam namin kasi, ang partner ng GMA-7 para
>sa quick count nila ay ang AMA, na alam naman nating
>pinakamalaking computer institution sa Pilipinas.
>Samantalang ang partner ng ABS-CBN ay ang STI, na mas
>maliit kaysa sa AMA kung network ang pag-uusapan. Kung
>paano agad nakapagtala ng mas malaking bilang ang
>ABS-CBN ay talagang nakamamangha.
>
>Naitanong tuloy namin sa aming sarili, hindi kaya
>gumamit sila ng trending o di kaya'y kumuha sila ng
>resulta sa ibang sources para lang makapag-report agad
>nang mas malaking bilang? Hindi kasi malinaw kung
>paano nila ito ginawa, samantalang kitang-kita kung
>paano nakalap ng AMA ang mga impormasyong ginamit ng
>GMA-7 para sa quick count nito.
>Malinaw na ginamit ng GMA-7 ang malawak na network ng
>AMA para sa tumpak na resulta ng quick count.
>
>Ang isa pang kapansin-pansin ay ang hindi pagpapakita
>ng ABS-CBN ng quick count o updates para sa local
>elections. Hanggang senatorial race lang ang naipakita
>nila samantalang ang GMA-7 ay nakapagpalabas ng quick
>count para sa lokal na halalan.
>
>Naipakita ng GMA-7 ang partial at unofficial results
>sa mga lokal na posisyon tulad ng mayor, gobernador,
>congressman, etc. sa iba't ibang bayan o lungsod sa
>buong Pilipinas.
>
>Malaki ang naging responsibilidad ng magkaribal na
>istasyon para sa malinis at mapayapang halalan ngayong
>taon. Umasa ang sambayanan sa accurate updates na
>nagmula sa kanilang quick counts. Sino sa tingin ninyo
>ang nakapag-deliver ng mas komprehensibong media
>coverage ng eleksyon ngayong taon?
>
>Sa palagay namin ay alam naman ng mga tao kung aling
>istasyon talaga ang mapagkakatiwalaan, responsible at
>makatotohanan ang mga ulat at impormasyong inihahatid.
>At sa halalang ito, nagawa ulit ng istasyong ito na
>makisa-nib-puwersa sa pinakama-laking media,
>telecommunications at computer institutions sa bansa
>para sa pinakamahusay na election coverage.
>SYEMPRE SINO PA!!!!
>
>GMA7 is still undisputed when it comes to credibility,
>objectiviity, accuracy. No wonder the MOST AWARDED TV
>NETWORK IN THE COUNTRY.
>
>
>_______________________________________________________
>_____
>
>ANO ANG MASASABI N'YO MGA KAPALMILYA?! WAWA NA NAMAN
>KAYO! BWAHAHAHAHAHAHAHAHA!
**********************************************************
AGREE AKO DYAN!!! ULTIMO MO MGA POLITICIANS THEMSELVES LIKE LOREN LEGARDA ADMITS NA KAPUNA-PUNA ANG FAIR AND UNBIASED PRESENTATION NG EELCTION RESULTS NG GMA-7.
KUNDI KA BA NAMAN MAGDUDUDA SA EXIT POLL NG ABS-CBN, EH TINGNAN MO, ABS-CBN-SWS-STI AT NAG-TIE-UP KUNO WHEN THE PUBLIC KNOWS FOR A FACT THAT ABS-CBN HAS A VESTED INTEREST IN ARROYO'S PRESIDENTIAL WINNING (REMEMBER THE MAYNILAD TAKEOVER NG MALACAÑANG?, THE CONTROVERSY OF DOLPHY,ETC.) TAPOS ANG SWS (ALONG WITH PULSE ASIA) EH MANIPULADO NAMAN. SAKA NAMAN, 4,000+ AND RESPONDENT SA EXIT POLL TAPOS ANG REGISTERED VOTER EH 42 MILLION PLUS!!! NAMAN!!! THAT IS MEASLY 0.0001%!!! ANO NAMAN KLASENG SAMPLING STATS YUN!!!
NO WONDER, EVEN THE HOUSE OF CONGRESS PASSED A RESOLUTION LAST YEAR RECOGNIZING THE CREDIBILITY AND INTEGRITY OF GMA-7 NETWORK DI BA.
[ Post a Reply to This Message ]
|