Author:
mmJun- songbird music news
[ Edit | View ]
|
Date Posted: 12:09:49 08/01/06 Tue
Author Host/IP: 124.217.36.231
Regine Velasquez at Ogie Alcasid, maganda ang chemistry
dumating na si Ogie Alcasid sa puntong wala na siyang pakialam kung
anuman ang isipin ng tao sa kanila ni Regine Velasquez.
Matagal-tagal na ring nali-link ang dalawa at lalo pang lumaki
ngayong magkasosyo sila sa recording outfit na itinatag nila, ang
Indimusic.
Ayon kay Ogie, okay lang daw sa kanya kung ma-link man sila nang ma-
link.
"Walang problema sa akin, manhid na ako," he said.
Pero siyempre, kung tatanungin mo sila pareho kung ano ba talaga ang
relasyon nila, pareho naman nilang sinasabing they're good friends
lang.
As everybody knows, pamilyadong tao si Ogie at bagama't hindi rin
namamatay ang tsismis na hiwalay na sila ng asawang si Michelle van
Eimeren, masipag din naman ang singer na sabihing okay pa rin ang
pagsasama nila and, in fact, just recently ay kagagaling lang niya
sa Australia para dalawin ang mag-iina.
Aware naman daw si Michelle na natsitsimis si Ogie kay Regine at
wala raw itong "violent" comment. Alam din nito na nagtayo sila ng
negosyo at pumayag naman daw ang dating beauty queen.
Ayon kay Ogie, kumportable na raw siya kay Regine since matagal na
niya itong kaibigan, kaya tiwala siya na magiging maganda ang
kanilang samahan sa negosyo.
"Regine is a very good person. Hindi naman siya mang-oonseng tao,
hindi siya manloloko. Kaya tiwala ako na siya ang business partner
ko.
"Besides, maganda ang chemistry namin sa lahat ng bagay," pahayag ni
Ogie, na tila may iba na namang ibig sabihin.
Inamin ni Ogie na idea niyang kunin si Alyssa Alano bilang recording
artist, pero napagdesisyunan nilang huwag na at mag-concentrate muna
sa album ni Dennis at ni Regine.
"Mahirap kasi ang sabay-sabay, eh," say pa niya.
Vinia Vivar
[ Post a Reply to This Message ]
|