VoyForums
[ Show ]
Support VoyForums
[ Shrink ]
VoyForums Announcement: Programming and providing support for this service has been a labor of love since 1997. We are one of the few services online who values our users' privacy, and have never sold your information. We have even fought hard to defend your privacy in legal cases; however, we've done it with almost no financial support -- paying out of pocket to continue providing the service. Due to the issues imposed on us by advertisers, we also stopped hosting most ads on the forums many years ago. We hope you appreciate our efforts.

Show your support by donating any amount. (Note: We are still technically a for-profit company, so your contribution is not tax-deductible.) PayPal Acct: Feedback:

Donate to VoyForums (PayPal):

Login ] [ Contact Forum Admin ] [ Main index ] [ Post a new message ] [ Search | Check update time | Archives: 12345[6]78910 ]
Subject: Of pinoys and beauty pageant


Author:
Basil
[ Next Thread | Previous Thread | Next Message | Previous Message ]
Date Posted: 00:18:07 05/29/05 Sun

Mabuhay Miss Philipines!

Ilang araw na lang at talagang di magkamayaw sa excitment at anticipation ang mga pinoys sa nalalapit na coronation night ng MISS UNIVERSE.

Sino ang tatanghalin?

Ultimong mga pangunahing broadsheets dito sa Pinas tulad ng Philippine Star, Philippine Inquirer at maging mga ordinaryong tabloids ay nag uunahan sa paglathala ng mga naglipanang pictures ni Ms Philippines sa kanilang frontpage na walang kapalit na advertisement fee. Taob ang napakalaking billboard ng Globe sa may Guadalupe!

Pose dito, pose duon!

Maging sa text, yahoogroups, friendsters at lahat ng medium ng komunikasyon ay bukambibig ngayon kung maganda ba ang dating ng ating delegada sa kanyang mga larawan. Tama ba ang kanyang kembot? Ala Miriam Quiambao ba? O mag Ni-Nina Ricci na naman ang ating delegada...?

May dating.

At habang nag-aalab ang pagsubaybay ng karamihan sa nalalapit na Ms Universe sa Thailand, naipasa ng walang masyadong ingay at atensyon nuong martes ang panibagong batas na muling magpapahirap sa ating sandamakmak na mahihirap dito sa ating bansa - ang panibagong rebisang VAT law. Ultimong ang jueteng scandal na kinasasangkutan ng asawa ni Gloria at ng kanyang panganay na anak ay nilunod ng mga panalanging sana makapasok man lang sa top ten ngayong taon si Miss Philippines. Daig pa ang mga batikang kolumnista, NBI, maging CIA kung gumawa ng kanya kanyang kuro-kuro, analysis, at pagkalap ng "insider information" ang mga panatikong pinoy pageant fan hinggil sa mga mahahalagang detalye ng kumpetisyon. Tulad ng walang katapusang paghahambing kung sino ang may pamatay na postura sa evening gown, si Ms Peru ba o si Ms Philippines? Sa swimsuit competition naman nuong preliminary night? Kumabog ba ang beauty mi Ms Philippines o mas may dating si Ms Puerto Rico at ang alaga ni Ousmel na si Ms Venezuela? Ultimong ang tama o maling postura ni Ms Philippines ay hinihimay na para bang dito nakasalalay ang buhay na karamihan.

and the winner is...?

Sa bawat pinoy beauty pageant forum ramdam mo ang nag uumapaw na pagnanasa ng karamihang pinoy upang manalo. Kahit di magkakakilala ay ramdam mo ang unity ng bawat isa - mainit, maalab, nag-uumigting. Handang ipaglaban at lumaban.

Lutong macao!

Kung iyong lilimiing mabuti, parang ang lahat ng pangyayari dito ay isang napakalaking komedya ng trahedya -di kapanipaniwala at ekseherada. Ngunit sa komedyang ito dito umiinog ang buhay ng bawat pinoy pageant fan, at kasama na dyan si Gionna....

[ Next Thread | Previous Thread | Next Message | Previous Message ]

Replies:
Subject Author Date
WE WISH YOU THE VERY BEST OF LUCK, MISS PHILIPPINES GIONNA CABRERA! MAY YOU BE ELECTED AND CROWNED AS THE NEW MISS UNIVERSE, THE SYMBOLIC QUEEN OF THE UNIVERSE AND BRING HOME TO THE PHILIPPINES THE MOST PRESTIGIOUS CROWN AND TITLE IN THE UNIVERSE! (NT)globalphilanthropist07:48:34 05/30/05 Mon


Post a message:
This forum requires an account to post.
[ Create Account ]
[ Login ]
[ Contact Forum Admin ]


Forum timezone: GMT-8
VF Version: 3.00b, ConfDB:
Before posting please read our privacy policy.
VoyForums(tm) is a Free Service from Voyager Info-Systems.
Copyright © 1998-2019 Voyager Info-Systems. All Rights Reserved.