Author: emotera [ Edit | View ]
|
Date Posted: 10:45:19 01/26/05 Wed
REST muna tayo, mga sister, sa pageant chikahan. For a change ay feel lang naming i-share sa inyo ang pinaka-latest news sa loob at labas ng television industry -- na nagiging pretty much exciting sa panahong "natalbugan" na ng GMA ang kalabang mortal na ABS-CBN in its being Number 1 Station in the Philippines, as far as ratings are concerned.
Naku, wala po kaming kinikilingan, ha. We're just being factual here. In fairness, ilang taon din namang namayagpag sa numero unong slot ang Kapamilya Network (was it 16 years?) bago nagtagumpay ang Kapuso Network in grabbing that all-important "throne". Ika nga, weather-weather as in, pana-panahon lang 'yan, 'no!
Ewan kung coincidence lang. Pero magmula nang magbago ang presidente ng ABS-CBN ay lumaylay, sumablay, at pumalpak na ang kanilang shows na dati'y umaarangkada nang husto sa ratings game. Hindi puwedeng magkaila ang mga figures. Pagpasok ng new Dos president na si Mr Sito Alejandro eh, tila nawalan ng focus at ganda ang ilang shows. Ang pinanggalingan ni Mr Alejandro? Advertising world ata, o pinaka-head ng isang corporate company ng isang brand of home product ba 'yun? Haaaay.
Anyway, baka kulang sa "touch" ng Pinoy local showbiz kaya nagka-leche-leche ang mga programang VICTIM, PIRATED CD, BIDA SI MISTER BIDA SI MISIS, HOME ALONG DA AIRPORT, SEASONS OF LOVE, TANGING INA, MTB: ANG SAYA-SAYA, MORNING STAR, BORN DIVA, at marami pang ibang nagsipag-babu na sa ere't natsugi nang lahat. Maging ang desisyong palitan ni Karen Davila ang institusyon-nang si Korina Sanchez sa TV PATROL ay big "boo-boo" sa local televiewers, kaya hayun at sumadsad ang nasabing newscast sa numero uno ngayong 24 ORAS ng Siyete. Kung hindi man magrereformat ay matsutsugi na rin ata ang MAGANDANG GABI BAYAN, YES YES SHOW, SCQ RELOAD, NGINIIIIG, at SPECIAL ASSIGNMENT.
Pero, sabi nga, hindi puwedeng IPAGSAWALANG-BAHALA ito ng ABS-CBN Management. Lalaban at lababan ang naturang network to "get back" into what they used to -- ang pagiging Numero Unong network ng Pilipinas -- as if it's the biggest deal of their lives. Ang chika nga ng isang kaibigan, "Ang Channel 2 kasi ay very conscious sa ratings at matalo ang katapat ng shows. Samantalang ang Channel 7 ay talagang pinagaganda lang ang kanilang shows para sa ikakasiya ng audience." We agree.
Anyway, for the sake of "sharing" -- lalo na sa mga hindi palabasa ng newspapers (tabloid man o broadsheets) -- heto na po ang mga pambulabog, pasabog, at mga pamatay na ALL-NEW SHOWS ng Kapamilya Network na magsisimula next week 'yung iba at 'yung iba'y in the coming weeks.
1. HOME BOY -- Hosted by Boy Abunda. Daily morning talk show, 10-1045am, Monday-Friday. Chikahan ng any topic under the sun.
2. MOST REQUESTED SHOW (MRS) -- Hosted by Amy Perez, Roderick Paulate, and Marvin Agustin, daily after HOME BOY, 1045-1145am. Kung ano'ng rerequest ng televiewers na ma-watch ay siyang pauunlakan ng show.
Take note na sakop ng dalawang shows na 'to ang SIS nina Janice at Gelli de Belen sa kabila na siyang nagpataob sa MORNING GIRLS.
3. WOWOWEEE -- Hosted by Willie Revillame, ka-back-to-back ng PILIPINAS, GAME KNB ni Kris Aquino. Both are direktang "sasagupa" sa 25-year-old nang EAT BULAGA. In fairness again, GKNB ni Kris is slowly pulling it up sa ratings, at nahahatian na ng audience ang BULAGA na sinasabing maraming pagbabagong magaganap, dahil ata sa kaba?
4. QUIZON AVENUE -- Parang galing sa "Quezon Avenue" na of course, ang sitcom na ito ay pagbibidahan ni Mang Dolphy with his sons Eric Quizon, Jeffrey Quizon, at Vandolph. Ayaw pa ring pabayaan -- at super-respetado pa rin (na siya namang dapat) ng Dos ang Comedy King kahit mashonda na ang lolo niyo.
5. TILL DEATH DO US PART -- Heto na ang katuparan para sa mga fans nina Diether Ocampo at Kristine Hermosa. Yep, bagong soap opera nina Tin-Diet, na nagte-taping na sa ngayon. True-to-life ata ang isang ito dahil talaga namang kasal na ang dalawa sa huwes, sa pambubuko ng press!
6. PANDAY -- Korek, TV series na ito't pagbibidahan ni Jericho Rosales, ang bagong Panday ng makabagong panahon. Nagpirmahan ng kontrata ang Dos with the "creators" of Panday na sina Carlo Caparas and Donna Villa. After FPJ and Bong Revilla, kay Echo inihabilin ang Pinoy legendary character na ito. Pumayag na maging support dito si Phillip Salvador (bilang Clavio), kontrabida naman si Victor Neri. Effect lang dahil matagal nang "jobless" si Ipe, huh!
7. VIETNAM ROSE -- Bagong soap opera ni Maricel Soriano, pero ang sinasabing mas bida ay si Bea Alonzo dahil siya ang talagang Vietnam Rose sa serye. Pasok uli si John Lloyd Cruz, kasama rin sina Jay Manalo at Albert Martinez. Ito ang seryeng hahawakan ni Joel Lamangan bilang direktor, co-directed by Don Cuaresma. 50% ng taping ay dito at 50% naman sa Vietnam. Magkapatid dito sina Marya at Bea. Quite exciting dahil matagaL na ring di nagda-drama ang Diamond Star sa TV. May chikang kinukuhang maging kontrabida dito si Rossana Roces pero tila may umaayaw sa loob!
8. SEARCH FOR A STAR IN A MILLION -- Obviously, pantatapat sa Pinoy Pop Superstar ni Regine Velasquez tuwing Sabado. Hosted by Mark Bautista, Sarah Geronimo, Erik Santos, and Christian Bautista.
9. STAR DANCE -- Hosted by Marvin Agustin (and Toni Gonzaga nga ba?), pang-dancers naman ito, as in dance competition (individual man o group) na wala ang Siyete. Sort of Dance Fever siguro ang drama. Tuwing Sabado rin.
10. KAMAO -- reality-action drama teleserye nina Robin Padilla, Vina Morales, at Manny Paquiao na sa Subic pa nagte-taping.
11. MY FIRST -- Daily all-around show na intended for the super-many young stars ng ABS-CBN Star Magic (formerly Talent Center) every 5pm, Monday-Friday. Buti naman at may exposure na ang sanrekwang bagets ng Dos!
12. BORA -- Newest sitcom na pagsasamahan ng The Hunks na sina Echo, Piolo, Diet, Bernard at Carlos. Wala na kaming masabi pa. Sana lang ay maging magaling ang scriptwriter, balita pa namang ito ang papalit sa BIDA SI MISTER na siya namang makakatapat ng BAHAY MO BA 'TO every Tuesday.
13. KAYA MO BA 'TO? -- Ala-Extra Challenge, ano pa nga ba? Hosted by Carlos Agassi (na naman?), Chokoleit, at Kitkat na sumikat from being kikay na stand up comedianne. Wish ko lang ay paghusayan ng staff, tulad ng dugo't pawis na ibinubuhos ng Extra Challenge staff kaya namamayagpag ang popularidad nito.
14. GOIN' BULILIT -- talent search for kids (dancing, acting, singing) na di pa namin alam ang hosts
15. Di mabilang na new Cartoons at Korean telenovelas!
16. May niluluto pa ring new Ai-Ai delas Alas and Arnell Ignacio show, pero wala pang detalye dito. Malamang once a week na lang muna ang mga beauty nila.
17. WISH UPON A MEGA -- Sharon Cuneta's new show na nauna nang nai-launch, pero sadly, hindi pa rin nito kinabog ang WISH KO LANG.
18. New VILMA SANTOS show -- Ayon sa press release eh magiging ala-Oprah ang show ni Ate Vi... Ayaw ni Kris, huh!
19. EDU MANZANO - LUCKY MANZANO show -- sitcom na under planning and conceptualization stage pa lang.
ON the other hand, siyempre'y naghahanda rin sa nakatakdang "giyera" sa TV ang Kapuso Network with these new shows:
1. DARNA -- Yes, it's ANGEL LOCSIN na nga po at wala nang iba pa. By April ay tatapusin na ang No.1 seryeng MULAWIN at uumpisahan na ni Angel ang paglipad bilang DARNA. Balitang gaganap bilang Valentina si Alessandra de Rossi, pero tila nag-iinarte ito't bakit daw siya susuporta kay Angel?! Si Direk Dominic Zapanta ang pumalit sa iniwang directorial job ni Joel Lamangan dito (sa sobrang tagal magsimula, no!)
2. ENGKANTADA -- Not sure either 'yun ang title o ENKANTASYA, to be starred by so many GMA stars headed by Sunshine Dizon, etc.
3. BARE -- new talk show with Ricky Lo (for the serious part) and Melanie Marquez (for the light, funny side)
WELL, there you have it, guys... Ang mga bagong ABS-CBN shows na bubulaga in your TV screens in the next days to come, kaya worth the wait sana ang pagdating ng mga ito't magkakaalaman na kung may mga bago silang "pambala" sa shows ng GMA. Tayong mga viewers ang siyang makikinabang sa pangyayaring ito, sa true lang.
And yes, ayaw na ring paawat ng Kapuso dahil this year rin ilulunsad ang GMA International kunsaan mapapanood na rin ang kanilang shows sa ibang bansa't hindi na masosolo ng Kapamilya ang nagagawa ng TFC. Unang target ng Siyete ay ang USA.
Mag-react kayo, mga Kapamilya't mga Kapuso!!! Hehehehe.
[ Post a Reply to This Message ]
|