Although we respect free speech and artistic expression, we do not condone or perpetuate derogatory language.
POSTING GUIDELINE: If the commenter is extremely abusive, uses excessive foul language, or includes an ad hominem attack,
the forum administrator may decide to ban the commenter's IP address.
Date Posted:17:45:42 04/25/13 Thu Mayroon na po bang bansang nakasali sa final round ng Miss Universe (i.e., top 3 or top 5) FOUR YEARS IN A ROW?
Kung wala pa pong nakakagawa ng ganitong feat...maaaring ang Pilipinas ang kauna-unahang magkwa-qualify sa final round na apat na magkakasunod na taon [when]...not "if"...Ara Arida advances to the top 5 at this year's Miss Universe.
Best in Swimsuit winners:
Bronze - Miss Sogod, Cebu Lucena Rose Magdadaro
Silver - Miss Taguig City Charmaine Hernandez
Gold - Miss Olongapo City Angelee delos Reyes
Date Posted:10:15:28 04/20/13 Sat
Congratulations to the winners of the Cultural Wear Competition last night!
Bronze - Miss Cebu City
Silver - Miss Zamboanga City
Gold - Miss Misamis Occidental
Date Posted:23:48:32 04/18/13 Thu
Dear Ex ni Janine Tugonon,
Kamusta? Pare, nakikiramay ako kasi narinig ko sa balita na naghiwalay kayo ni Janine. Sayang, alam ko sa ngayon, masama pa rin siguro ang loob mo sa nangyari. Pero pards, may dadating din na mas maganda sa kaniya. Kung di man mas maganda, at least mas mabait sa kaniya. Pero mas okay pa rin sana kung mas maganda.
Noong naging 1st Runner up si Janine sa Ms. Universe, marami sa kaibigan kong lalaki ang naging crush siya, kasi syempre maganda na, matalino pa si Janine. May iba naman akong mga kaibigan na gusto maging katulad si Janine. Pero alam nila, kahit kailan hindi mangyayari iyon kasi mga lalaki din sila.
Noong ipinakilala sa buong mundo na ikaw ang boyfriend ng naging runner up sa Ms. Universe, aaminin ko, ang una kong naisip agad, akala ko, nag-hang ang telebisyon ko. Kasi nung nagintroduce na si Kuya Boy kung sino yung boyfriend ng naging 1st runner up, gumalaw pakaliwa yung camera at akala ko yung katabi mo yung boyfriend, e tumigil sa iyo ang camera, naisip ko, ay, nag hang.
Pero ikaw pala talaga iyon. Na-realize ko yun nung nakita kong ikaw lang mag-isa ang nakaupo sa upuan. Bigla akong natuwa, bigla akong nainspire. Kasi aaminin ko, katulad mo, hindi naman tayo ganun kagwapuhan. Buong buhay ko tol, depressed ako. Kasi nga, alam kong hindi ako uubra sa mga kasing ganda ng mga beauty queen kasi nga di ako kagwapuhan. Pero nung pinakilala ka sa buong mundo, nabuhayan ako ng loob. Pards, naging inspirasyon kita kasi sayo, posibleng umibig ang isang diyosa ng kagandahan. Simula noon ay umasa na rin ako na posible din yun sa akin.
Klaruhin ko lang pare ha. Hindi kita iniinsulto at hindi kita minamaliit. Kasi nga, inaamin ko na katulad mo, may kaguwapuhan din ako na di ko inakala. Pero hanggang akala ko pa lang din yun hanggang ngayon.
Bumilib din ako kay Janine. Napakaganda niya pero ikaw pa rin ang inibig niya. Siguro sobrang bait mong tao. O kaya, sobrang talino. Sobrang yaman siguro? O madasalin ka lang na tao? Pero sigurado ako, na katulad ko, hindi iyong isa pang criterion for judging yung ginamit ni Janine sa pagpili sa iyo.
Tinaas mo ang bandera ng ating mga ka-tribo, pards. Sobrang salamat. Masaya na din kami kasi may isa kaming ka-tribo ang naging matagumpay. Puwede na tayong magka-partylist: Lucky Me! Partylist.
Pero nung isang araw, narinig ko ang isang napakasamang balita: Naghiwalay na daw kayo ni Janine. Naghiwalay daw kayo dahil sa 3rd party. Sa lahat ng party, yan ang party na di masaya. Yan ang party na walang invitation. Yan ang party na meron nag ge-gatecrash.
At ang gate crasher sa mala-cinderella mong storya? Ang lead singer daw ng The Script. Aaminin ko, mukhang lamang sa atin ang kolokoy na iyon. Kasi sa Facebook ko, madami din akong friends na nababaliw sa kaniya. Parang Justin Bieber na pinatanda. At katulad ni Justin Bieber, naka-ahit din ang kilay ng lalaking iyon. May foundation pa yan, pusta tayo?
Hindi iyan ang marka ng totoong lalaki. Pare, ang totoong lalaki katulad natin, may respeto. Ang totoong lalaki, kahit anong sabihin, hindi umeepal sa kapwa lalaki, kahit alam niyang mas lamang siya dito. Dahil sa dulo, ayaw din nating may umepal sa atin. Thats the bro code, yall. Ang totoong lalaki, sa init ng araw, hindi gumagamit ng payong. Sunblock lang ang ginagamit natin. Yung SPF 40.
Pa-simple pa itong bokalista ng The Script. Tinanong kung may Twitter si Janine, noong sinabing meron, sabi niya, Follow me, and Ill follow you back. Script mo bulok.
Pero ayun na nga ang nangyari. Naghiwalay kayo dahil doon. Ang bilis nang pangyayari. Ganyan talaga pag mas guwapo o mas maganda ang 3rd party, mas bumibilis ang pangyayari.
Noong ininterview kayo ni Ate Krissy noong isang araw, kilig na kilig pa si Janine habang kinikwento nya yung encounter nya kay script boy. Parang sure na sure na talaga siya ha na si Mr. Script ang future nya. Pero ang masakit dyan pare ko, katabi ka niya sa interview habang nag aala-kolehiyala ang ex mo in front of national TV. Hindi lang siya kinikilig. nanginginig na nga. Akala ko, kinumbulsyon na si Janine sa sobrang kilig. In front of National TV, pinagmukha kang tanga. Sumakit ang dibdib ko para sa iyo habang nakatayo kang pinagmumukha kang tanga sa harap ng milyones na nanonood. At itong si Ate Krissy, sariling lovelife nga niya wasak, ang kapal pang magtanong sa inyo. Kung ako sa iyo, sana nagwala ka bigla at sinambunutan mo na yung ex mo habang sumisigaw ng: YOU DONT DO THAT TO ME!!! YOU DONT DO THAT TO ME!!! Hashtag.
Alam ko masama ang loob mo ngayon, at kahit anong sabihin ko, hindi ito magpapagaan ng loob mo. Ganiyan siguro ang buhay. Ang lakas nating sabihin na hindi importante ang itsura. Siguro nga. Pero kapag may dumating sa buhay natin ang taong merong itsura, nakakalimutan natin agad ang mga katagang iyon.
At bakit ganun, kung may magsyota na mas maganda (o mas guwapo) yung isa, utang na loob agad nung kabila kung bakit sila naging mag-on? So dapat, yung hindi kaguwapuhan (o kagandahan) na partner ay magiging alila o sunud-sunuran na lang sa mas guwapo (o maganda) na kabiyak? At kung masaktan at sabihin mo ang totoo mong nararamdaman sa partner mo dahil nasasaktan ka, ikaw pa ang makapal ang mukha?
Sana inintindi ka na lang niya. Na minsan, na-iinsecure tayo sa puntong napaparanoid na tayo. Hindi dahil masama tayong tao, ayaw lang natin sila mawala sa buhay natin. Pero nasasakal na daw sila sa atin. Sabi nila, nakakasakal na daw tayo sa relasyon, pero di nila inisip, yakap lang iyon na napahigpit ng di sadya ng isang taong desperado na ayaw niyang mawala ang pinakamamahal niyang sa mundong ito.
Pare, hindi ka nag-iisa. Kuha na lang tayo ng gitara at tambay na lang tayo sa tindahan ni Aling Nena. Total, nandoon naman para mag-entertain sa atin si Kurara Chupana na hawig ni Janine.
MANILA - After days of her crowning, Ariella Arida, the new Miss Universe Philippines introduces her own signature walk called "Ariba".
ANC interviewed Ariella Ariba together with the new set of beauty queens and the new Miss Universe Philippines spoke about her signature walk. She was fondly called by her friends "Ara Ariba" and from then on, Ariba was associated with her walk.
In Spanish language, Arriba (as correctly spelled) means get up! or come on! in its idiomatic form. If the word Arriba used as an adverb it would mean differently according to use such as above for places, upstairs for buildings or homes, and overhead or on high.
For Ariella Arida, her Ariba signature walk is all about the hips, the glide and the projection, so watch her in the swimsuit round of the recently concluded 50th edition of Bb. Pilipinas 2013. -By Philippine Edition on Tuesday, April 16, 2013
Beauty queen Janine Tugonon confirmed that she and boyfriend Jaypee Santos have ended their relationship.
Tugonon, who appeared on "KrisTV" with Santos, admitted they have called it quits. The reason for the breakup is reportedly Tugonon's attraction to The Script's lead vocalist Danny O'Donoghue.
The Irish pop-rock band The Script is the group behind the hits "The Man Who Can't Be Moved" and "Breakeven."
"Actually honestly ngayon we are not in good terms. Siguro may nangyari lang na hindi ko ini-expect na mangyayari," Tugonon said.
"Honestly po kasi break talaga kami ngayon," she added.
Asked if it's true that O'Donoghue likes her, the beauty queen said: "Hindi naman sa type, we are talking lang. Pero ano naman yan spur of the moment lang."
According to Tugonon, she met O'Donoghue during the band's meet and greet at the Araneta Coliseum, where they recently staged a concert.
"Nanood kami ng concert. Kasi hindi ba sa Araneta kapag may meet and greet, since kilala ko ang staff ng Araneta sabi ko sa kanila sobra akong fan ng The Script pwede bang ma-meet ko. So na meet niya ako, nandoon siya si (Jaypee) pinakilala ko nga siya, kasi tinanong niya 'do you have a boyfriend?' Sabi ko 'yeah that's my boyfriend.' Tapos yon sabi niya 'follow me on Twitter and I will follow you back' tapos nag-direct message siya. Oo na (galit) siya (si Jaypee) kasi sabi niya kung ayaw mo talaga sa taong yan hindi mo siya kokontakin," Tugonon said.
Tugonon said they argued over the incident, and she broke up with Santos.
"Kasi nga ayaw ko naman na may iba akong iniisip. Sabi ko lang sa kanya siguro I need some time to think talaga," she said.
"Akala ko kasi si Danny na baka that night lang o nagandahan lang and all pero feeling ko siya din ay gusto niyang makilala ako," she said.
"Actually hindi naman kami ni Danny. Nagtetext siya everyday simula noong nag-concert siya dito," she added.
For his part, Santos said that he is still pursuing Tugonon but respects her decision to give her some time.
In previous interviews, Tugonon consistently defended Santos, her boyfriend of one year, from critics, saying that she does not need a Brad Pitt.
Some had commented that Santos was not good enough for Tugonon, who was first runner-up at the 2012 Miss Universe pageant in December.
Thanks to the following: Miss Universe Org., Miss World Org., Miss Earth Org., Miss Philippines Earth Org., Miss International Org., BPCI, Reuter & AP for the photos.